Chapter 2 - Sign

412 31 0
                                    

Harper


Sunday.

"Don't stay awake for too long
Don't go to bed
I'll make a cup of coffee for your head
I'll get you up and going out of bed" 🎶

Tila naalimpungatan ako o sadyang nagising ako nang  maramdamang may dumagan sa akin at ngayon nga ay nakasiksik na ang ulo sa aking leeg.

"Sofi." mahinang tawag ko sa pangalan niya.

Tinapik ko pa siya ng mahina para bumangon pero umingit lang siya.

"Maya na tayo bumangon, biglang inantok ako sa kantang bumungad sa akin." sagot niya at mas humigpit ang pagkayakap sa akin.

Lihim akong napangiti ngunit nawala din nang maka-relate ako sa kanta.

"Yeah
I don't wanna fall asleep
I don't wanna pass away
I been thinking of our future 'cause I'll never see those days" 🎶

Hindi pa naman ako mamatay pero feeling ko ikamamatay ko itong nararamdaman ko para kay Sofi.

Mapanakit talaga.

Kahapon binalak kong umamin, pero umurong bigla ang aking dila nang maunahan niya akong magsabi na may gustong manligaw sa kanya.

Maaaninag mo yung saya sa kanyang mga mata, at sa aking palagay ay gusto niya  din yung lalaki.

Hindi man niya sabihin sa akin ngunit iyon ang nararamdaman ko.

Hindi ko maiwasan na masaktan at malungkot kaya naman hindi rin ako nakaligtas kay Sofi.

Mabuti na lang at ang alam niya ay masama ang pakiramdam ko kaya hindi na niya pinilit pa na kausapin ako at kulitin.

Pagkatapos kasi namin kumain ay hinatid niya lang ako sa kwarto at nagpaalam narin.

Aayain niya pala dapat ako lumabas dahil nag-aya si Macie na mag hangout pero mas pinili niyang pagpahingahin na lang ako dahil may bukas pa naman daw.

At ngayon nga ay nandito siyang muli.

Well hindi na bago iyon dahil every sunday, siya na talaga ang gumigising sa akin sa umaga dahil magsisimba kami.

Malakas na tugtog ang pampagising niya sa akin pero ngayon hindi EDM ang pinapakinggan ko kaya siguro heto siya ngayon at mas ginusto na matulog muli.

Kung noon wala lang sa akin itong ganitong pwesto, ngunit ngayon bigla na lang bumibilis ang tibok ng aking puso.

Kahit nga lumapit lang siya sa akin ay hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko.

Kailan ba ako naging ganito?


Two years ago.


Two years ago nang ma-relized ko na mahal ko na pala si Sofi.

Hindi ba pwedeng ako na lang Sofi?
Hindi parin ba sapat lahat nang nagawa ko? O sobra na, kaya mas ginusto mong kumawala sa akin?













































































Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon