Chapter 14 - Day 4 (Wednesday)

304 21 3
                                    

Sofi





NAKATINGIN lang akong maigi sa likod ni Harper habang kami ay patungo sa library. Tila ba ayaw na siyang mawala pa sa aking paningin.

At hindi ko man mapakita ang aking kasiyahan dahil mas nangingibabaw ang pangungulila ko sa kanya ay natutuwa akong masilayan siyang maayos.

Alam kong pinangtitinginan na kami ng mga kapwa namin estudyante pero wala na akong pakealam pa sa kanilang sasabihin.

Siguro nga ay kailangan ko ng tanggapin na nagbago na ang lahat sa amin.

Kagabi nakapag-isip-isip narin ako. Kahit anong gawin ko ay hindi na maibabalik pa kung ano man ang meron sa amin noon ni Harper.

Muli ay tila nagbabadya ang mga luha sa aking mga mata. Ngunit kailangan kong pigilan. Kailangan ko magmukhang matatag. Ngunit ng makita ko si Harper ay nawala ang lahat ng inipon kong lakas.

Gustong-gusto ko siya yakapin ngunit hindi ko magawa. Ganito na lang ba kami hanggang sa makalimtan namin ang isa't-isa?







Tuluyan ka na ba talagang mawawala sakin Harper?









































































"SOFI!"


NABALIK ako sa katinuan ng marinig ang aking pangalan at nakita ko na lang ang sarili na yakap-yakap ni Harper.

Maririnig din ang mga sigaw ng ibang estudyante sa pangalan ni Harper.


"Oh my god, Harper!"


"Hala okay lang ba si Harper?"


"Omg ang sweet, niligtas ni Harper si Sofi!"


"San ba kasi galing yung bola?"


"Si Sofi kaya okay lang?"
















Ilan lang yan sa mga narinig ko na sinasabi ng mga estudyante sa amin.

Sa sobrang lalim ng aking iniisip ay hindi ko na namalayan pa ang mga nangyayari sa aking paligid. Hanggang sa marinig kong tinawag ni Harper ang aking pangalan.























"Huh" narinig kong sambit ni Harper. Kaya naman napahiwalay ako ng mabilis sa kanyang yakap.

Gustong-gusto ko na siya yakapin pero hindi naman sa ganito.

Napansin ko agad ang paghimas nito sa kanyang likod. Mukhang doon siya natamaan ng bola.

"O-okay ka lang ba Harper?" Mautal-utal kong tanong sa kanya.

"May masakit ba? Tatawag na ba ako ng doctor?" Natataranta kong sabi sa kanya.

"Ms. Harper and Ms. Sofi so-sorry po sa nangyari." Narinig kong sabi ng isang estudyante sa aming gilid.

Nabaling dito ang attention ko at nag init ang ulo ko.

"May magagawa ba yang sorry mo kung napuruhan si Harper? Bakit kasi dito kayo naglalaro eh hindi naman to court?"

Napakamot na lang ng ulo yung nakatama kay Harper at humingi ulit ng tawad

"Sorry po talaga. Hindi na muulit."

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon