Chapter 11 - Day 1 (Sunday)

656 50 27
                                    

Sofi




"Goodmorning!" Isang malambing na pagbati sa umaga ang bumungad sa akin.

Humikab pa ako at inaantok pang naupo sa kama. Hindi ko parin gaanong naididilat ang aking mata ng maramdamang may humalik sa aking noo.

May gumuhit na ngiti sa aking labi dahil namiss ko ang gesture na iyon ni Harper.

"Himala at naunahan mo akong gumising." panunudyo ko sa kanya.

"Well, ayoko kasing masayang yung bawat oras na mapatunayan ko sa'yo yung nararamdaman ko. Nga pala gumawa ako ng breakfast para sayo."

Kinuha niya yung food na nasa bedside table ko na ngayon ko lang din napansin.

"Are you sure ipapakain mo sa akin yan?" Muling pang-aasar ko sa kanya dahilan upang mapanguso ito.

"Grabe ka sa akin ah, pinaghirapan ko kaya ito. Look oh, puro band-aid yung daliri ko."

Napakagat ako ng labi. Nakunsensya kasi ako dahil effort na talaga yung ginawa niya. Una sa lahat ay hindi gumigising ng maaga yan, ako pa nga ang madalas gumising sa kanya, pangalawa hindi siya marunong magluto as in! Dapat talaga nag thank you na lang ako eh.

"Patingin nga." wika ko at kinuha ang kanyang kamay. "Bukas wag mo na ako ipagluto." sambit ko.

"Eh? Pero nililigawan nga kita di ba?" angal niya.

"Basta! Okay? Tsaka hindi naman sa pagluluto lang ang panliligaw di ba?" wika ko habang hinihimas ang kanyang kamay.

"Masakit parin ba?" tanong ko pa.

Tumango-tango ito bilang sagot. "Nagkandapaso-paso yung kamay ko." sabay kagat niya ng labi.

"Salamat Harper." seryoso kong wika at pinagsiklop ang aming kamay.

Saglit kaming nagkatinginan bago ko muling tinapunan ng tingin ang pagkain na kanyang ginawa.

"Okay ngayon, titikman ko na ah?" excited kong sabi sa kanya.

"Ah eh wag na lang kaya?" sabay kamot niya sa ulo na dahilan upang mapangiti ako.

"Why? Wala ka bang tiwala sa luto mo?" nangingiti kong sagot.

Ang cute kasi ni Harper, hindi ko mapigilang mapangiti.

She's always like that pagdating sa akin, so soft. Pero pagdating sa iba napaka-cold. Kaya nilulubos ko kapag kami lang ang magkasama.

































































































































PAGLABAS ko ng sasakyan ay nakita agad namin si Macie na tumatakbo palapit sa amin ni Harper.

"See, mas bagay talaga kung kayong dalawa eh." ang salubong sa akin agad ni Macie.

Ngumiti lang ako ng tipid at napatingin sa paligid.

Oo masaya ako kapag kasama ko si Harper, hindi ko maikaka-ila iyon pero kahit na tinanggap ko na ang panliligaw ni Harper, hindi ko parin maiwasan na isipin kung ano ang sasabihin ng ibang tao.

Sa totoo lang hindi parin ako palagay, she's my bestfriend iyon ang alam ko at wala talaga akong alam sa kung ano ba dapat ang ikilos ko ngayong nanliligaw sa akin si Harper.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon