Harper
MABILIS akong napadilat ng mata ng marinig ang malakas na tugtog na nagmumula sa kwartong kinaroroonan ko.
Napakunot noo ng makilala kung kaninong kwarto ako naroon.
What am I doing here? Takang tanong ko sa aking sarili.
Bumangon ako ngunit napahawak ako sa aking ulo dahil parang binibiak ito sa sobrang sakit.
Pikit mata kong hinihilot ang aking ulo ng maramdamang may humaplos sa aking ulo.
"Masakit pa ba?" malamyos na boses ang aking narinig dahilan upang mag-angat ang aking tingin.
Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nito, dahilan narin siguro sa lakas ng tugtog sa kanyang kwarto.
Nag magsalubong ang aming tingin ay alam kong nag-aalala siya sa akin ngayon. Kitang-kita ko sa kanyang mga mata ngunit kailangan ko ng sanayin ang sarili ko na balewalain ang mga ganung titig dahil alam kong sa huli ay ako lang din ang masasaktan.
"Inumin mo muna yung dinala kong gamot." wika nito at kinuha yung gamot na nasa bedside table.
Walang imik kong tinanggap ang gamot at ininom ito.
"Salamat." maikli kong sabi at umiwas narin ng tingin sa kanya.
"Where's my morning hug?" malungkot nitong saad.
Natigilan ako sa kanyang sinabi.
Pinakiramdaman ko ang aking sarili, mukha namang kakayanin kong tumayo at maglakad.
"I have to go." malamig kong sagot. Tumayo na ako sa kanyang kama.
Kung noon pa siguro ay binigyan ko na agad siya ng mahigpit na yakap, pero iba na ngayon. Kailangan ko siyang iwasan.
Gusto ko pa sana itanong sa kanya kung paanong napunta ako dito sa kwarto niya? Ngunit ayoko namang humaba pa ang usapan namin kaya mas pinili kong mag-paalam na lang sa kanya. Si Lyric na lang ang tatanungin ko, baka alam niya.
Ito naman ang gusto niya di ba? Ang tigilan ko ang kahibangan ko sa kanya?
After ko ayusin ang sarili ko ay tumungo na ako sa pintuan ng kwarto ni Sofi, halos hawak ko na ang doorknob ng magsalita si Sofi.
"T-Tatalikuran m-mo na naman ba ako?" Natigilan ako bigla dahil hindi ko nagustuhan ang naging tono ng boses ni Sofi.
Walang pag-aatubiling hinarap ko si Sofi at hindi nga ako nagkakamali.
Napayukom ako ng kamao.
Ayokong nakikita siyang umiiyak, hindi ko kaya... mas nasasaktan ako.
"I-I'm really sorry, Harper." Sabi nito habang umiiyak. "Please, b-bumalik ka na. I miss you." dugtong pa nito.
Unti-unting tumulo ang luha sa aking mga mata.
Paano ako lalayo? Paano ko magagawang makalimot kung siya mismo ngayon ay ayaw akong palayuin?
"H-Harper." muling tawag nito sa akin.
Pinikit ko ang aking mga mata.
Kahapon pa buo ang disisyon ko, kailangan ko siyang layuan.
Hindi ko pinansin ang tawag niya at mas pinili siyang talikuran.
Paano pa ako makakabalik, Sofi? Simula ng tanggapin ko sa sarili ko na mahal kita ay alam kong wala ng balikan.

BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Подростковая литература"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...