Chapter 15 - Day 5 (Thursday)

306 27 3
                                    

Harper



MAAGA akong pumasok sa school para maiwasan na yung tulad ng nangyari kahapon. Ayoko talagang nakakaagaw ako ng pansin sa mga tao.

Pero wala eh, simula ng pangalandakan ko ang nararamdaman ko kay Sofi ay maraming nagbago at isa na doon ang makatanggap ako ng ibat-ibang klase ng paghanga sa kahit na sino.

"Good morning Harper!" Bati ng kaibigan kong si Lyric. Nasa pintuan palang ito ngunit kitang-kita mo na ang kasiyahan sa kanyang mukha.

Hindi ko alam kung matutuwa ako or matatakot baka kasi may gawin na naman itong kalokohan.

"Gusto mo? Ay teka bat ba nagtanong pa ako eh sayo naman talaga 'to." Sabay abot sakin ng cookies na dala niya.

"Nah, ikaw naman ang tumanggap so sayo na yan." Ani ko.

"Tsk! Harper tinanggap ko lang naman para di mapahiya yung babae. Buti na lang hinawakan mo kahit papaano to. Grabe ka naman kasi kala mo eh diring-diri ka sa binagay niya."

"Ayoko lang talaga tumanggap ng mga ganun." Sagot ko.

"Gift niya nga daw sayo. Dapat tinatanggap yung mga ganun."

"Ah basta Lyric ayaw ko!"

"Hays oo na!!!! Kung ayaw mo akin na lang. Tsaka yung iba ah." sabi pa ni Lyric.

Napailing-iling na lang ako.

"Nga pala Harper ano ng gagawin mo kay Sofi?" Tanong niya habang kain-kain ang cookies. Halatang sarap na sarap siya dito.

Napatingin na lang ako sa may bintana at tumingin sa malayo.


Ano nga bang gagawin ko?


"Grabe siya hindi man lang ako sinagot." Rinig kong bulong ni Lyric pero di ko na lang pinansin.






Nakakapagod na din kasi. Hindi ko na alam kung paano ko pa ilalaban 'tong nararamdaman ko.

Akala ko mahirap lang ang magmahal ng shota ng iba, pero mukhang mas mahirap mahalin ang bestfriend.

Nakakasama mo mga pero hindi mo naman maparamdam yung pagmamahal na gusto mong iparamdam sa kanya. Maaari pang mawala pinagsamahan niyo kapag umamin ka. Hay buhay!

Ang masakit pa, nagawa mo ngang umamin at ang nangyari ayun nilayuan ako ng taong mahal ko.

Nawalan kana ng kaibigan, nawalan ka pa ng minamahal.





























































































































"Harper sige na pumayag ka na please???? Sama tayo sa birthday party ng kakilala ko sa Saturday. Tiyak na masaya yun!"

"A-YO-KO!" sagot ko

"Grabe naman, magmumok-mok ka na lang ba talaga?"

"Lyric, alam mo namang hindi ko hilig ang mga ganun."

"I know, isa lang naman ang hilig mo. Siya." Sabay nguso ni Lyric sa kanang bahagi ng grandstand.

Napatingin ako dito at natanaw ko sina Sofi, Macie at mga classmates nila palapit sa kinaroroonan namin.

Napansin kong kumaway sa kinaroroonan namin si Macie kaya kumaway din itong si Lyric.

At hindi ako maaaring magkamali.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon