Chapter 17 - Day 7 (Saturday)

116 3 1
                                    

Harper


"Thanks sa pagpayag mong sumama sakin Harper ah. Don't worry saglit lang tayo dun." Ani ng kaibigan kong si Lyric habang naglalakad kami patungo sa bahay ng sinasabi nitong may kaarawan ngayong sabado.

"May magagawa pa ba ako? Pagkatapos mong bunga-ngaan ako kanina. Oo ko lang para matahimik ka." Sagot ko naman sa kanya.

Ngumiti naman ito ng pagkalapad-lapad bago nagsalita.

"Tiyak naman akong masisiyahan karin sa ating pupuntahan. Kaya tamang-tama lang ang pagpayag mo. Baka nga mas gusto mong magtagal kapag nandun na tayo."

"Lyric, sa ganung kaingay na lugar? I don't think mag eenjoy ako." Sagot ko.

"Okay. Tingnan natin." sabay smirk ni Lyric.

Napakunot noo na lang tuloy ako dahil sa kakaibang kinikilos nang aking kaibigan.

























































































































































PATUNGO na kami sa party na sinasabi ni Lyric kung saan tanaw ko na agad ang mga taong hindi familiar at kung tutuusin ay masasabi kong strangers.

Dahan-dahan akong naglakad at ng mapansing nauuna na si Lyric ay mabilis na sana akong tatalikod ngunit nahawakan nito ang aking braso.

"Hep-hep! Nag promise ka Harper." Pangungunsenya ng magaling kong kaibigan.

Napabuntong hininga na lang ako at napakamot sa ulo.

"Fine!" Halos padabog kong sagot sa kanya.

Ngumiti naman ito at tila batang pinagbigyan sa kanyang gusto.

Pagpasok palang sa loob eh halos gusto ko na ulit lumabas dahil sa ingay ng mga tao at sa malakas na tugtog.

Kaliwa't kanan ay makikita mo yung iba na halos hindi na makatayo sa sobrang kalasingan.

Seriously? Kailan pa nagkaroon ng kaibigan si Lyric na mahilig sa ganitong lugar? Sino ba kasing may birthday ang pinunta namin dito?





Naghahanap na kami ng mauupuan dahil feeling ko na-drain lahat ng energy ko sa sobrang ingay dito.


"Lyric!"



Sabay kaming napatingin sa babaeng tumawag sa pangalan ng kaibigan ko.
Napakunot noo ako at napaisip kung saan ko nga ba siya nakita.

"Harper!" Sabay bigkas nito sa pangalan ko ng makalapit ito sa amin. Nagitla naman ako ng mabilis itong yumakap sakin.

"Ah~ don't you remember me? " May himig na pagtatampo ang boses nito.

Saka sumingit ang kaibigan kong si Lyric.

"Teka! Teka! Teka!" Sabay pameywang nito sa harap naming dalawa.

"Ako 'tong kaibigan mo pero si Harper ang niyakap mo? Tsaka kailan pa kayo nagkakilala?" Nagtatakang tanong ni Lyric.

Ngumiti lang ng matamis itong isa habang nakatingin sakin.

"CJ?" Tawag ni Lyric sa babaeng nasa harap ko. At pagkarinig ko sa name niya eh saka ko naalala yung estudyante sa may clinic.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon