Chapter 4 - Operation: Make Her Fall

370 34 6
                                    

Harper





"Harper!" Nagitla ako at natauhan nang isigaw ni Lyric ang pangalan ko.

Bakas sa kanyang mukha ang pagtataka.

Samantalang ganun din ako dahil nandito na pala ako sa condo ni Lyric at hindi ko man lang namalayan.

Ganun ba ako nawala sa sarili kanina?

"Anong oras na ah? May nangyari ba? Halika pumasok ka muna." hinila na lang ako ni Lyric papasok dahil walang kibo lang ako na nakatingin sa kanya.

Nang makapasok kami at hinarap ako ni Lyric sa kanya ay napansin ko bigla ang pag-aalala nito.

"Hey, what happened?" nag-aalalang tanong nito at pinahid ang luha sa aking pisngi.

Napangiti ako nang mapait.

Hindi ko man lang naramdaman na may tumulong luha sa aking mga mata.

Ang bilis ko namang mamanhid?

Hanggang sa naramdaman ko na lang na yumakap sa akin si Lyric at pinapatahan ako dahil tuluyan ko nang binuhos ang sakit na kanina ko pa kinikimkim.

"L-Lyric." nauutal na sambit ko sa kanya.

Halos hindi ako makapag-salita nang maayos dahil sa aking pag-iyak.

"Ssssshhh, Harper, ano ba para kang bata. Tahan na please?" pag-aalo sa akin ng kaibigan ko.

Ngunit hindi ko parin mapigilang maluha. Lalo na at naalala ko na naman ang nangyari kanina.


Puno nang pagtataka ang mababakas sa mukha ni Sofi.

Samantalang ako naman ay halo-halong emosyon ang nararamdaman, masaya dahil sa wakas nakaamin rin ako sa tunay kong nararamdaman, pero may takot dahil sa naiinisip kong baka hindi ako matanggap ni Sofi.

"In love?" muling pag-uulit niya. Ngunit di kalaunan ay natawa rin na ipinagtaka ko.

May nakakatawa ba sa sitwasyon namin ngayon?

Minsan may sapak din 'tong si Sofi eh, pasalamat na lamang talaga siya at bestfriend ko siya at ngayon nga ay iniibig pa.

Hinintay ko lang siyang matapos sa kakatawa niya at nang medyo nahimasmasan siya ay nakuha niya pang umiling-iling.

"Harper, kung sinasabi mo lang yan para layuan kita... pwes mag-isip ka pa nang ibang sasabihin. Dahil napakalabong mangyari nang sinasabi mo. In-love sa'kin? Nah try harder, Harper." muling pailing-iling na sabi niya at nangingiti pa.

Doon ko na siya tiningnan ng masama, napansin naman niya agad ang pagbago ko nang aura kaya nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Try harder?" malamig kong sagot, nag smirk pa ako sabay hila ko sa kanya upang makalapit sa'kin at sa hindi ko malamang dahilan ay nagawa kong pagdikitin ang aming mga labi.

Hindi ko alam kung saan ako kumuha nang lakas ng loob upang halikan siya pero heto na at nagawa ko.

Kay tagal kong inasam na siya ay mahagkan, hindi man sa ganitong paraan at least naangkin ko ang kanyang labi.

Try harder daw eh.

Nanlaki ang kanyang mga mata pero hindi rin nagtagal ay naitulak niya ako at naramdaman ko na lang ang malakas na sampal ni Sofi.

Sa sobrang lakas nun ay halos matumba ako, lalo na at nawala ang balanse ko nang itulak niya ako.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon