Sofi
NAGISING akong tila wala pa sa wisyo at halos hindi pa maidilat ng maayos ang aking mga mata.
Gumalaw din ako pa-kanan at mabilis na napadilat ang mga mata ng may makapa ako sa aking tabi. Tila nanlaki ang aking mga mata ng makita si Harper sa aking harapan.
Dahan-dahan kong itinaas ang kumot na bumabalot sa aming katawan at nakahinga ako ng maayos ng makitang pareho kaming may suot na saplot.
Muli akong napatingin kay Harper at sa mahimbing nitong pagtulog. Saka sabay-sabay na bumalik ang mga pangyayari kagabi.
Anong meron?
Hindi ko maiwasan tingnan ng masama ang babaeng kanina pa kung makakapit kay Harper ay daig pa ang sawa. Kahit si Harper ay hindi nakatakas sa mga mapang-usig kong titig.
Nagpadala kasi ng maraming pagkain sa amin si CJ pati narin mga inumin. At itong magaling kong kaibigan ay agad na sumunggab sa pagkain. Nang makita ko palang kasi nung umpisa si CJ ay gusto ko ng umuwi dahil tila nawalan na ako ng gana. Naalala ko kasi lahat ng pinag-sasasabi niya sa clinic noon.
Gusto ba naman angkinin si Harper? Hello? Anong karapatan niya?
So iyon na nga, pagkadating ng mga pagkain at inumin ay iniwan na lang ako basta ng magaling kong kaibigan. Kasama niya pa si Lyric at tuwang-tuwa sa kanyang pagkain.
Samantala naman itong si CJ ay sinamantala na walang kasama si Harper at heto nga at kinukulit niya.
"Sige na Harper pumayag ka na please?"
Pagkarinig ko pa kay CJ.
Ano na naman kaya ang pinakikiusap nito, ani ko sa aking sarili.
"Sofi di ba favorite mo 'to?" Napatingin ako sa dessert na hawak ni Macie. Nakaramdam tuloy ako ng gutom.
"Busog pa ako." ang lumabas sa bibig ko.
Pero sa totoo lang ay gusto ko ng maglaway sa mga nakikita kong pagkain.
Bakit naman kasi sa dinami-dami ng may kaarawan ngayon, eh itong babaeng ahas pa.
Babaeng ahas na talaga ang itatawag ko sa kanya kasi heto na naman siya at ayaw tigilan si Harper.
Mas lalong nag igting ang aking panga ng makitang pinipilit na subuan ni CJ si Harper.
So iyon pala yung kanina niya pang please ng please. Tinatanggihan kasi ni Harper yung gusto niyang gawin na pag subo ng pagkain.
Tsk. Ako lang ang pwede magsubo kay Harper. Kasi sa pagkakaalam ko, kapag naglalambing siya sa akin noon at habang kumakain kami ay nagpapasubo siya sa akin.
Ngayon mukhang mapapasubo ako sa isang 'to, ang tigas ng ulo at ayaw paawat. Kanina pa yata tinatangihan ni Harper yung hawak na food nito.

BINABASA MO ANG
Operation: Make Her Fall
Genç Kurgu"Ahem, Oh sorry. Pero mukhang gumagana naman yung mic. Hello everyone siguro nagtataka kayo kung sino ako, well I am Harper Arceo and nandito ako para manawagan. I'm looking for my best friend Sofi Andres. Sofi, kung nasaan kaman ngayon alam kong na...