Chapter 9 - Drunk

541 34 5
                                    

Sofi




LAKAS loob akong pumasok sa school, inagahan ko upang makaiwas sa mga taong nakarinig ng sinabi ni Harper. Ngunit kahit anong iwas ko ay nabigo lang ako.

Pagkapasok na pagkapasok ng mga classmates namin ay pinaulanan agad nila ako ng mga tanong. Ang nakakainis pa ay wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon sa kung anong pinaniniwalaan nila dahil iyon naman talaga ang totoo. Walang saysay kung tatanggi pa ako lalo na at malinaw sa akin ang sinabi ni Harper kagabi.

Kung nagawa niyang ipagsigawan sa buong school ang nararamdaman niya para sa akin, alam kong may magagawa pa siya para lang makuha kung ano ang gusto niya.

Tama siya, kilalang-kilala ko siya. Hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang kanyang gusto pwera na lang kung susukuan niya ito dahil hindi na siya interesado or hindi na siya masaya sa pagkamit nito.

Himala na nga lang na nagawa kong humindi sa kanya dahil sa totoo lang, simula pa noon ay lagi niya akong napapa-Oo sa gusto niya.

Buong araw akong wala sa mood dahil narin sa kaliwat-kanan na tanong sa akin ng mga kaklase ko. Hindi lang iyon, naiinis rin ako dahil yung iba sa kanila ay pinagpipilitan din sa akin si Harper. Kesho bagay daw kami at ngayon ko lang nalaman na ang dami palang nagkaka-crush sa bestfriend ko. So kapag may time na sinusundo pala ako ni Harper sa room ay lihim na kinikilig ang iba kong classmates, mapababae o mapalalaki.

Yun nga lang umuwing luhaan yung mga lalaki at nagdiwang naman ang mga babae dahil babae naman daw pala ang gusto ni Harper.

Yung kaibigan ko namang si Macie imbes na tulungan akong iwasan yung mga chismosa naming classmates ay nakisali pa. Kaya naman ng ayain ako ni Santi na lumabas ay sumama na ako.

Inaasahan ko nang hindi sasama si Macie kahit na gusto ko siyang isama dahil sa totoo lang hindi na ako nag-eenjoy na kasama si Santi, hindi tulad nung una kaming lumabas.

Ngunit kahit ganun ay kailangan kong sumama dahil tulad nga ng sabi ko noon, I need him upang tigilan ako ni Harper.

Samantala after ng date namin ni Santi ay nagpahatid na agad akong umuwi, gusto pa sana niyang ayain akong mamasyal ngunit nagdahilan na ako. Tahimik lang ako na nakamasid sa bintana ng sasakyan ni Santi habang siya ay tahimik lang din na nagda-drive.

Mabuti nang pareho kaming tahimik dahil hindi ko narin talaga alam ang sasabihin pa sa kanya.

Medyo madilim narin dahil kakalubog lang ng araw.

"Sofi." rinig kong tawag niya sa akin.

"Uhm?" sumagot naman ako kahit na nakatanaw parin ako sa bintana.

"Kanina ko pa sana gustong itanong kaya lang ayokong masira ang date natin."

Doon na ako napatingin sa kanya. Para kasing bigla na lang akong kinabahan. Feeling ko alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"May pag-asa ba si Harper sayo?" Biglang tanong niya.

Napalunok ako, samantalang siya ay diretso lang ang tingin pero pansin ko ang pagdiin ng hawak nito sa manibela.

Sabi na, about kay Harper ang kanyang itatanong. Kumalat kasi talaga sa school ang ginawa ni Harper kaya naman imposibleng hindi niya malaman.









































































KINABUKASAN sa school ay napapangiwi na lang ako kapag sunod-sunod na may bumabati sa akin kahit na hindi ko kilala.

My god! Ano ba kasi 'tong pinasok ni Harper? Kung gusto niyang sumikat bakit dinamay pa ako?

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon