Chapter 7 - Announcement

374 31 2
                                    

Sofi




ARAW nang Hwebes ngayon at kung minamalas ka nga naman dahil hindi umaayon sa akin ang universe.

Hanggang 3:00 pm lang kasi ang klase ko ngunit 2:30 pm naman ang kina Harper. Ibig sabihin may pagkakataon siyang abangan ako sa labas nang classroom na kanina ko pa iniisip kung paano siya lulusutan.

Palinga-linga ako paglabas ng room at nakikisabay sa mga kaklase ko na nag-uumpukan upang makatago.

"Huy Sofi, dito!" tawag sa akin ni Macie.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kinaroroonan ng magaling kong kaibigan.

Muling inilibot ko ang aking mata at baka nasa tabi lang si Harper.

"Nang-aasar ka ba?" Nagtitimpi na sabi ko dito ng makalapit ako sa kanya.

"Eh bakit mo kasi ako iniwan?" tugon nito.

"Ang tagal mo kasi! Hihintayin na lang sana kita sa foodsquare."

"Kasi naman Sofi pwede namang kausapin mo na si Harper ng hindi tayo nagtatago lagi." Angal nito.

"Macie, alam mo naman ang dahilan di ba?"

"Yeah pero hindi ko talaga maintindihan, she's still your bestfriend at kailangan niyong mag-usap."

"Macie, kung sa pagiging mag bestfriend ang magiging usapan namin baka nga kausapin ko siya, pero kung ipipilit niya yung gusto niya? Di bale na lang."

"Oh so magtatago ka na lang forever?"

"Hindi 'noh, maghahanap ako ng paraan upang tigilan niya ang kahibangan niya."

Nagtatakang napatingin sa akin si Macie.

May mali ba sa nasabi ko?

"Tinawag mo talagang kahibangan ang feelings sa'yo ni Harper ah?" napailing-iling na sabi nito.

"Hindi ba't totoo naman?" alanganin kong tugon.

"Ay naku Sofi wag kang magsalita ng tapos, sige ka baka kainin mo ang lahat ng sinabi mo."

Ako naman ang kunot noong napatingin sa kanya.

"Pinagsasabi mo diyan? Halika na nga kumain na lang tayo, baka gutom lang yan." mabilis ko siyang hinila at baka maabutan pa kami ni Harper dito.

"Grabe siya makahila, pagtatawanan talaga kita kapag na-fall ka kay Harper!" sabi nito habang hila-hila ko siya.

Napailing-iling na lang ako.

Ako mafa-fall kay Harper? Tsk

"Bakit parang hindi ka mapakali?" kunot noong tanong sa akin ni Macie.

Kumakain na kami ngayon at ewan ko at kanina pa ako hindi mapakali sa aking upuan.

"I don't know Macie, para kasing may hindi tama."

"Hindi tama? Meron talaga! Hindi tama na pinagtataguan mo si Harper." wika nito habang kinakain yung pagkain niya.

Pinaningkitan ko ng mga mata yung isa dahil heto na naman siya sa kakapilit sa akin na kausapin ko na si Harper.

"Ubusin mo na nga lang yang pagkain mo." sambit ko at kumain na lang muli.

Hindi ko na pinansin ang sinabi niya dahil baka humaba pa ang usapan at kung saan pa mapunta.

Abala ako sa pag-ubos sa aking pagkain ng bigla na lang may umagaw ng pansin sa lahat ng estudyante dito sa foodsquare.

Sa aking pagkakaalam ay ginagamit lang iyon kapag may mahalagang iaannounce sa buong school. Kaya halos lahat kami ay nahinto muna sa ginagawa at hinintay ang sasabihin ng announcer.

Operation: Make Her FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon