Chapter 6

0 0 0
                                        

FYA - Stick



I'm really confused and was a bit concern for Rio. Because I think he is suffering from a very critical stage in the head. Kasi punyemas naman, anong matinong dahilan para sabihin niya sa dalawa na asawa niya ako?


"Hide your hand behind my back," he whispered at me.


Kumunot naman ang noo ko at ambang babatukan siya pero inunahan niya akong magsalita. "Just trust me, Afia."


I sighed and placed my left hand behind his back, slightly holding the hem of his cardigan.


"Really? I didn't expect that you're already married..." gulat at nagtatakang sinabi ni Hyal sa akin.


Ako rin.


Ngumiti naman ng plastik itong katabi ko. "Why? Both of us have already reached the legal age to get married, so I don't think there's any problem with it."


"Right," sumang-ayon na lamang si Sol na kanina pang mariin na nakatingin sa amin. "And we best be heading our way back to our respective rooms," he added.


"Salamat sa pagtulong niyo sa akin," I said.


Tumango naman si Sol sa akin at ngumiti. "No worries," aniya at bumaling kay Rio. "See you around, Rio." Tumango naman si Rio sa sinabi nito.


"But, Afia... are you for–"


"Come on now, Hyal." Sol pulled the back of the collar of Hyal's polo before dragging him out.


"T-Teka..." pagpipigil niya kay Sol pero hila-hila pa rin siya nito. "I-I'll see you, again, Afia!" He shouted before they completely got far from us.


Nang tuluyan silang makaalis ay mabilis kong kinurot ang likod ni Rio gamit ang kamay kong pinatago niya. Agad naman siyang dumaing at nagreklamo.


"Putaragis!"


"What the hell was that for?" Nakataas na kilay kong sinabi.


"Shouldn't I be the one asking that?" Aniya at nilingon-lingon ang likod niya.


Umirap naman ako. "Kung hindi ka ba naman kasi may saltik sa utak, bakit mo naman biglang sinabing asawa mo ako?"


"Well, Hyal was trying to make a move on you," he reason out.


Nagtaas naman ako ng kilay dahil hindi naging sapat ang dahilan niya.


Bumuga naman siya ng hangin. "Look, he's a certified womanizer in this campus. Halos ata lahat ng mga babae rito ay naging ex niya, kung hindi naman ay nakalandian niya."


"And how sure are you about that?"


He made an irked expression. "Halos ang ibang blockmates ko ay pinag-iigihan ang pag-aaral ng law para kapag daw dumating ang panahon ay sabay-sabay nilang ihaharap sa korte iyon."


"At iniisip mo bang papatulan ko iyon?" Salubong na ang kilay ko sa kanya. "How do you even know each other, considering how far your building is to them?" Dagdag ko.


"The school had some event before and we were required to write our names. At nang ilagay ko ang akin, hindi ko naman alam na siya pala ang kasunod ko sa pila. When he read my name, he kept on pronouncing is as Ri-yo, instead of Ra-yo." Napailing-iling na lamang si Rio.


"He even sometimes calls me as Rio bird!"


"Anyways, long story short, kinulang siya sa aruga kaya kapag nagkakasalubong kami ay lagi niya akong tinatawag na ganyan." He rolled his eyes. "Si Sol naman ay madalas niyang kasama, bukod pa sa dalawa. At siya ang pinakamatinong nakausap ko sa mga kasama niya," pagpapaliwanag niya.


Forbidden, Yet Allowed (Griyego #1)Where stories live. Discover now