Chapter 10

1 0 0
                                    

FYA - Public Display of Affection



Kanina ko pang gustong umalis sa lugar na ito. It's so fucking irritates me seeing them walking around with their hands holding while walking. Like, what the hell? Tinawag ako ng gagong ito para maging third wheel?


Hindi lang iyon, nakakairita pa ang ibang babae na lumalapit sa kanya para maghingi ng autograph at picture. Tsk. Which finally made sense to me why he mistakenly took me as his fan because I just found out that he does commercial modeling in a few brands. Ang isa pang nakakatawa ay masyado naman feelingera ang girlfriend. Naghihingi lang ng autograph sa boyfriend, akala mo naman pati siya sikat. May pa wagay-wagay pa siyang nalalaman ang tanga.


Mabuti naman noong mga panahon na kasama ko iyong hayop ay wala akong nadadatnan na ganyan, mga kinikilig na babae at hagikgik lamang habang tinitignan siya.


"Hey, why don't you carry my bags nang may silbi ka naman sa pakikisama mo sa amin," she said as she was picking another dress from its seventh boutique.


"Sorry, my hands are full. See?" I said and raised both of my middle fingers at her.


Nakita ko naman kung paano umusok ang tainga niya dahil sa ginawa ko. Ambang susugurin niya ako nang pumagitna bigla ang isang hayop sa amin.


"Courtney, stop it. We're at a public place," anito kaya inirapan siya no'ng dugyot at bumalik sa pamimili ng damit.


Bigla naman humarap sa akin si Asa matapos harapin ang kalahi niya. "And you, try acting a bit nice to my girlfriend," madiin niyang sinabi.


Napairap naman ako sa kanyang sinabi. Kung makasalita siya ng girlfriend akala mo mahal na mahal niya ito. He doesn't even carry her stuff, unless if I suddenly come in the picture. Dahil kapag umaalis ako sandali at bumabalik sa kanila, nahuhuli ko minsan na iba ang trato at pakikitungo niya sa kanya. Then, if he will see me, he would act like his girlfriend is the most precious thing in the world. Tsk. Pakitang tao. He doesn't want to show anyone how asshole he could be to others.


"It's not my job to act kind with others, especially when I don't like them. I'm no fucking plastic, Asa," I said and turned my back on him before going out from this hell hole.


It still irritates me how he just made me come here for nothing. Stick with him? Huh! Ang gago lang. Is his girlfriend even fine with him wanting me to stick with him? But it's not like I care about Courtney's feelings, I just don't want getting tangled up with these two. Nakakasuya silang tignan. Ang plastik pa ng pakikitungo ni Asa sa kanya. I could really feel it.


"Wait here, I'll just go check something," biglaang paalam niya habang naglalakad kaming tatlo. Syempre tatlong metro ang layo ko sa kanila.


"Where are you off to, babe?" Tanong ni Courtney sa kanya.


Hindi siya sinagot nito at iniabot na muna ang mga shopping bags no'ng gaga bago sumulyap sa akin. Inirapan ko lamang siya at binaling ang sa iba ang aking tingin.


"When I come back, let's eat." Hindi ko naman alam kung para sa akin iyong sinabi niya kaya bahagya akong lumingon.


Kung saan nakita ko ang malademonyo niyang ekspresyon na ihanda ko na ang wallet ko para sa utang ko. Pakiramdam ko nagngitngit ako sa galit dahil diyan sa bayarin ko sa kanya.


Nang umalis muna siya sandali ay pasimple kong sinilip ang wallet ko. I still have enough money, thanks to the restaurant being at its promo. Mabuti pa si Mordi, libro lang ang siningil sa akin tapos noong nag magandang loob akong ililibre siya nakatipid ako sa restaurant. I really feel like he's a good fortune to me, unlike some other guy I know who gives nothing but stress to me.


Forbidden, Yet Allowed (Griyego #1)Where stories live. Discover now