chapter : two
jisung | narration
" uy Hwang! hintayin niyo ako ha, tatae lang ako " paalam ko kay Hyunjin na busy sa cellphone niya." hoy! " tawag ko ulit, tumingin siya sa akin at tinaasan ako ng kilay.
parang bakla ampotek.
" narinig mo ba ang sinabi ko? " tanong ko, tumango lang ito at nag cellphone ulit.
punyeta akala mo naman may kachat.
binilisan ko ang pag punta sa cr dahil malapit na talagang lumabas, buti nalang at walang gaanong tao.
pagkatapos kong ilabas ang dapat ilabas ay nag hugas ako ng kamay ko at inayos ang itsura.
baka kasi may makasalubong akong magandang babae, mahirap na kapag haggard ang itsura ko.
pagkatapos kong mag ayos, lumabas ako ng cr. pero saktong paglabas ko ng cr ay may nakabunggo akong babae.
pero hindi lang basta babae eh, magandang babae.
" hala sorry po hindi ko sinasadya, hindi kasi agad kita nakita, pansensiya na " sabi nito habang namumula ang pisngi.
punyeta- ang ganda niya talaga.
" g-galit ka ba? sorry talaga " sabi ulit niya.
gusto kong umiling at mag salita, pero hindi ko magawa.
masyado akong natulala sa kagandahan niya.
nag bow siya tiyaka dali-daling umalis, hahabulin ko sana siya pero agad akong tumigil.
putek, Han Jisung!
-
" bakit tulala at tahimik ata si Jisung? anyare? " tanong ni Chan hyung.
" ewan namin hyung, basta nakita nalang namin yan naglalakad mag isa tapos para bang may hinahanap? " sagot ni Hyunjin.
" baka hinahanap ang sarili " sabi ni Seungmin.
" HOY! " sabay nilang sigaw sa akin. tinignan ko lang sila at yumuko ulit.
dapat pala hinabol ko na siya kanina, di ko man lang nalaman ang pangalan niya, bonak Jisung!
" hala oy ano bang nangyari dito? " tanong ni Changbin hyung.
nagkibit balikat si Jeongin, " baka ninakawan "
" ninakawan ng pera? dapat sinabi niya agad para masabi sa mga guard " sabi ni Chan hyung.
" ninakawan kamo ng utak " sabi ni Felix at tumawa naman sila.
" loko! anong nanakawin diyan eh walang utak yan " biro naman ni Minho hyung.
pumalumbaba ako sa may lamesa at tinignan sila, " inlove na ata ako " bulong ko.
nagsilakihan ang mga mata at natigilan silang lahat sa sinabi ko na para bang di makapaniwala.
nagkatinginan silang lahat sabay tingin sa akin, itinuro ako ni Chan hyung kay Hyunjin, tumingin si Hyunjin sa akin at hinawakan ang noo at leeg ko.
tumingin ulit siya kay Chan hyung at umiling, napahilamos sa palad si Chan hyung.
" okay lang ba kayo? " tanong ko
sabay sabay silang tumango, " ikaw? " tanong ni Minho.
" sana ayos ka lang " sabi ni Hyunjin at tinapik ako sa balikat.
" ayos lang naman ako? yung puso ko lang ang hindi " sagot ko at sumimangot.
" punyeta Jisung, tumae ka lang nainlove ka na agad? gaano kaganda ba ang tae mo at nahulog ka don? " tanong ni Changbin hyung.
" sana all nainlove na, eh hindi nga ako makatulog eh " sabat ni Chan hyung.
" ang ganda niya mga tol " sabi ko at suminghap.
hinawakan ko at kaliwang manggas ng t-shirt ko at hinimas ito.
" luh, baliw na talaga " rinig kong bulong ni Seungmin sa harap ko, sumang-ayon naman sila.
putek, bahala sila basta ako. inlove.
" sino naman yung malas na babae? " tanong ni Felix.
natigilan ako sa paghimas sa manggas ng t-shirt ko dahil sa tanong ni Felix.
"..hindi ko alam " sagot ko at isinubsob ang muka sa table.
" ay bobo " komento ni Changbin, itinaas ko ang daliri ko at pinakita sa kaniya ang middle finger ko.
umupo ako nang maayos, " nabunggo ko siya nung saktong paglabas ko ng cr ng mga lalaki, hahabulin ko sana kaso natigilan ako, ang ganda niya kasi masyado! inlove na talaga ako " sabi ko at may pagalaw galaw pa ang kamay, daig ko pa ang mga natula sa harap ng klase.
" alam mo Jisung, ikain mo nalang yan " sabi ni Chan hyung, sakto naman na dumating ang pagkain at inilagay niya ang pagkain sa harap ko.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20