chapter : thirty nine
jeeya | narration"sundan mo siya, Jeeya " utos ni Chan hyung, tumingin ako sa kaniya.
" p-pero ku– "
" sundan mo na si Jisung, kami nang bahala kay Hyunsuk " sabi naman ni kuya Minho, tinignan ko si Hyunsuk na nakapikit na, pinulot ko muna ang bulaklak na inihagis sa amin ni Jisung tiyaka tumakbo sa direksiyon niya.
" Han Jisung! " tawag ko dito pero patuloy lang siya sa paglalakad. nang medyo malapit na ako sa kaniya ay binato ko ang bulaklak sa ulo niya.
" hindi ka titigil ha?! " sigaw ko dito, tumigil siya sa paglalakad at nakaharap pa rin ang likod niya sa akin.
nag lakad ako papalapit sa kaniya,
" ba't ka nandito? " tanong niya sa akin." humarap ka sa akin " utos ko dito.
" bakit ka nga na– " pinutol ko ang pagsasalita niya.
" humarap ka sabi eh! " pag ulit ko, huminga siyang malalim bago humarap sa akin.
hinawakan ko ang muka niya, " ayos ka lang? " tanong ko na mukang ikinabigla niya.
nananatiling nakaiwas ang mga mata niya sa akin, " ba't ka ba nandito? " tanong niya.
" hindi mo na dapat ako sinundan, doon ka nalang dapat kay Hyunsuk. tutal mas matagal naman kayong magkakilala na kaysa sa akin " sabi niya.
" t-tiyaka siya ang first kiss mo! dapat nandoon ka at ginagamot siya " sabi niya pa.
tinanggal ko ang pagkakahawak sa muka niya, " nagseselos ka kay Hyunsuk 'no? " nakangising tanong ko.
tumingin siya sa akin, " sinuntok ko siya dahil hinalikan ka niya at ilang araw na akong nagtimtimpi sa kaniya "
" siguro hindi ako nagseselos " sagot niya tiyaka umirap.
" ah okay " sabi ko na ikinasimangot niya lalo.
" nagseselos ako simula pa dati, lalo na kanina nung halikan ka niya" pag amin niya.
" yung kanina.." paninimula ko, bumuntong hininga ako bago ipagpatuloy.
" umamin kasi si Hyunsuk na mahal niya ako, mag sosorry sana ako na hindi ko masusuklian yung nararamdaman niya pero hindi ko inaakala na hahalikan niya ako " pagpapatuloy ko.
hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti, " huwag ka nang magselos, ikaw naman ang first love ko " sabi ko na ikinamula naming dalawa.
" Jeeya naman eh! dapat galit ako pero pinapakilig mo ako " nakangusong reklamo niya.
natatawang pinisil ko ang pisngi niya, nang may maalala ako, " bwiset ka pala Han Jisung! palagi ka nalang Kiara nitong mga nakaraang araw " sabi ko.
natigilan siya, " selos ka? " nakangising tanong niya.
" oo! bwiset ka " sagot ko, mas lalong lumawak ang ngisi niya.
" huwag ka nang magselos, pinsan ko lang naman si Kiara " sabi niya na ikinahiya ko.
" p-pinsan? pero– " pinutol niya ako.
" pinlano kasi ni Chan hyung na pagselosin ka hehe " sagot niya.
hinampas ko naman siya sa braso,
" bwiset kayo! ba't nyo naman naisipan na pagselosin ako ha?! " tanong ko at patuloy pa rin sa paghampas sa kaniya.hinawakan niya ang mga kamay ko,
" sinabi ko kasi na baka hanggang crush lang ang nararamdaman mo sa akin kaya..yun sabi niya na pagselosin ka namin gamit pinsan ko, tiyaka nag selos ka raw kasi nung bumisita kayo sa bahay " explain niya." anong crush lang?! hindi kaya! " sabi ko.
" talaga? " nakangiting tanong niya.
natigilan ako nang may maalala ulit ako, " pinagselos ka rin pala namin ni Chan hyung gamit si Hyunsuk hehe " sabi ko.
nanlaki ang mata niya, " ba't naman?" tanong niya.
" para lang masigurado kung totoo nga ba yung nararamdaman mo sa akin " sagot ko na ikinanguso niya.
" seryoso naman ako ah " sabi niya.
" kaya nga, akala ko nga epic yung plano eh " sabi ko.
" pinaglaruan lang ata tayo ni Hyung! " sabi naman niya na ikinatawa ko.
" hayaan na natin si kuya, tara na nga sa bahay gamutin natin yang sugat mo " yaya ko dito, pinulot ko ang bulaklak na sira na tiyaka hinawakan siya sa braso.
" sa bahay nalang namin, tara! " sabi niya at naglakad na kami sa ibang direksiyon.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20