Bang Jeeya sent you a friend request
Accept | Decline
-
" p-putang ina Minho hyung! " sigaw ko sabay hampas kay hyung.
" ano ba Jisung! kitang naglalaro bwiset " iritang sabi nito sa akin.
di ko siya pinansin at tinitigan lang nang matagal ang cellphone ko.
s-shet..t-totoo ba 'to?
" pakisampal nga ako " sabi ko, nakatanggap naman ako ng batok at suntok sa braso.
" punyeta sabing sampal eh! " sabi ko sa kanila.
" ano ba kasing nangyari sa iyo? tulala ka diyan " sabi ni Felix.
hindi ko siya pinansin at tinitigan lang ang phone ko.
pinindot ko agad ang Accept button at pumunta sa profile niya.
isasave ko mga pictures niya, hihi.
nakangiti ako habang busy sa pagsasabe at pag scroll ng pictures niya, nang may makita akong isang picture na nagpatigil sa akin.
C-chan hyung?!
bakit naka tag si hyung sa ibang post ni Jeeya?
isinara ko ang phone ko at padabog na nilapag yun sa kama.
kaya pala ayaw sabihin sa akin ni Chan hyung ang pangalan ni Jeeya, kaya pala parang gulat na gulat si Chan hyung nang malaman na si Jeeya ang babaeng nagustuhan ko sa mall.
dahil may relasyon silang dalawa, putangina.
" oh anyare sayo? ba't parang nasawi ka " sabi ni Minho hyung.
umiling lang ako tiyaka kinuha ang controller at naglaro ulit.
putangina.
-
buong araw kong hindi kinausap si Chan hyung, kapag naman may tinatanong siya ay iling at tango lang ang sinasagot ko.
" ayos ka lang? " tanong ni Changbin hyung, kinuha ko ang inabot niyang coke at ininom ito.
" ayos lang ako hyung " sagot ko at padabog na ibinagsak ang lata ng coke sa mesa.
" kanina ka pa tahimik, sigurado ka? pwede mo naman kami sabihan ng problema mo " sabi ni Chan hyung.
hindi ko siya pinansin, tsk bahala siya diyan, bwiset.
" siguro nag tatampo " sabi ulit ni Chan hyung.
" hindi ko kasi sinabi yung pangalan nung babaeng nagustuhan niya sa mall " dagdag niya pa.
ulol! alam ko na kaya.
" ay weh?! anong pangalan at ia-add ko baka chix " sabat ni Minho hyung, napairap naman ako ng dahil doon.
" hoy Jisung! " tawag ni Chan hyung sa akin, di ko ulit siya pinansin at nag focus sa nilalaro.
" hala famous ang loko, di namamansin " rinig kong sabi ni Hyunjin hyung sa gilid ko.
" sige huwag mo akong pansinin, hindi kita irereto don " sabi ni Chan hyung.
ano yun? gaguhan? irereto mo sarili mong jowa.
" luh di talaga namamansin Hyung!" sabi ni Felix.
wala na akong narinig pagkatapos nun, nag sawa na siguro. patuloy lang kami sa paglalaro nang may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ni Changbin hyung.
" andiyan na siya? " tanong ni Minho hyung.
wala akong sagot na narinig mula sa kanila, tumayo ang isa sa kanila at binuksan ang pintuan.
"oh? ba't naandito si Jeeya noona?" tanong ni Jeongin.
Jeeya? kapangalan nung babaeng gusto ko ah.
" bakit ayaw mo bang nandito ako ha? " tanong nung Jeeya.
kapangalan na nga, kaboses pa! kasing ganda rin kaya niya?
binitawan ko muna ang controller tiyaka tumayo para mag punta ng cr.
" hyung pagamit ng cr " paalam ko kay Changbin hyung at dirediretso na pumasok sa loob.
umihi ako saglit tiyaka nag hugas ng kamay, tinignan ko na rin ang itsura ko sa salamin.
medyo oily ang muka ko at magulo rin ang buhok.
hinayaan ko nalang na ganito ang buhok ko tiyaka lumabas ng cr.
paglabas ko, nakita ko si Jeeya na mag isa nalang na naka upo sa lapag at busy sa cellphone.
teka- sijeeyabatonagustoko!?!
putangina. nasaan ang iba?
tumingin sya sa akin at nginitian ako, " ahh, nasa baba silang lahat may gagawin lang daw " sabi niya.
tumango ako tiyaka naiilang na ngumiti, tumalikod naman ako mula sa kaniya tiyaka pumasok sa cr.
tinignan ko ang itsura ko sa salamin, ang pangit mo!
dapat pala ay inayos ko na ang itsura ko kanina, di ko naman kasi alam na si Jeeya iyon na gusto ko!
-
happy 100 reads! <33
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20