O45 ; narration

132 10 4
                                    

chapter : forty five
jisung | narration

" uy Jisung! " lumingon ako sa likuran at nakita doon si Hyunjin na papalapit sa direksiyon ko.

tinaasan ko siya ng kilay, " oh " sabi ko. napakamot siya sa batok bago mag salita.

" lalabas pala kayo ni Jeeya mamaya? pwede sumama? hehe " tanong niya, napakunot ang noo ko.

ba't naman siya sasama? tsk.

" bawal " sagot ko at naunang mag lakad. bwiset, nakasama na nga niya si Jeeya kahapon tapos makiki-epal pa siya sa date namin mamaya?

aba- bawal yon!

nang makarating ako sa classroom, umupo ako sa table ko at nilabas ang phone ko. nakatanggap naman ako ng message mula kay Jeeya na mas lalong nagpainit ng ulo ko.

bwiset ka Hyunjin.

-

Bang Jeeya
• Active Now

Jeeya
sama raw si Hyunjin mamaya? okay lang ba sa iyo?

Jisung
ba't daw?

Jeeya
hindi ko alam, gusto lang daw niya sumama. sabi ko tanungin muna kita kung ayos lang sa iyo

Jisung
sa iyo ba? ayos lang ba?

Jisung
i mean nasa iyo ang desisyon kung gusto mo siyang isama

Jeeya
eh ayos lang naman, kaso baka ma-op lang siya?

Jeeya
teka

Jeeya
di na raw pala siya sasama, may gala daw silang tropa

Jisung
okay, mabuti naman :)

Jisung
sunduin kita diyan •3•

Jeeya
hahahha, okaaay

-

nagmamadali akong lumabas ng classroom. bwiset naman kasi yung prof namin, nag over time ng limang minuto, late na tuloy ako.

minessage ko si Jeeya na papunta na ako doon, hindi ko na hinintay ang reply niya at tumakbo na papunto sa school nila Jeeya.

nang malapit na ako ay naglakad nalang ako at nag ayos ng sarili. nang makarating ako sa harap ay minessage ko si Jeeya na nasa labas na ako.

sakto lang pala ang dating ko dahil kakatapos lang nila, nag hintay ako ng ilang minuto bago makarating si Jeeya.

" tara na? " yaya ko, tumango naman siya. kinuha ko ang bag niya tiyaka hinawakan ang kamay niya bago kami mag lakad paalis doon.

" saan tayo? " tanong niya sa akin.

" saan mo gusto? " tanong ko dito, sandali siyang nag isip bago ako sagutin.

" nood tayo? ayos lang ba sa iyo? " tanong niya, ngumiti ako tiyaka tumango at nag lakad na kami patungo sa mall na malapit.

nang makarating kami sa mall, bumili muna kami ng tickets. habang nakapila ay may tumawag sa amin.

" Jisung! Jeeya! " sabay kaming napalingon sa gilid namin.

parang gusto ko nang tumakbo papalayo doon kasama si Jeeya nang dahil sa tumawag sa amin.

anong ginagawa nilang walo dito?

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now