O49 ; narration

141 11 21
                                    

chapter : forty nine
jisung | narration


Hwang Hyunjin
• Active Now

Hyunjin
hoy Jisung

Hyunjin
ayoko na, bahala na kung di ko makuha yung 10k

Hyunjin
hindi totoo na may gusto ako kay Jeeya, sayong sayo na yang babe mo

Hyunjin
ang totoo ay,, ikaw talaga ang gusto ko, mahal na mahal kita bro kahit na iba ang gusto mo :"(

Hyunjin
nagplano lang si Chan hyung na pagselosin ka ulit para raw yayain mo na si Jeeya na maging jowa mo

Hyunjin
napakabagal kasi jusko yan tuloy pinaglaruan ka ulit HAHAHA

Hyunjin
uy sorry sa mga nasabi ko kanina, natatakot na natatawa ako habang tinatype yun

Hyunjin
natatawa dahil nagana ang plano at natatakot dahil baka masira 'tong gwapo kong muka

Hyunjin
okay so yun lang, huwag mong sabihin na sinabi ko sa iyo plano namin ha para may 10k pa rin ako

Hyunjin
labyu, jowain mo na si Jeeya ang tagal mo nang nanliligaw don

-

" hoy Jisung, gabi na saan ka pa pupunta?! " tanong ni mama sa akin habang papalabas ako ng bahay.

" sa future wife ko! " sigaw ko bago tuluyang umalis ng bahay. hindi ko pa girlfriend, pero future wife na agad ang sinabi ko. hayaan na doon din naman pupunta yun.

kahit na kinakabahan ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo patungo sa bahay nila Jeeya.dapat pala ay di ko sinabi ang mga yun sa kaniya, tignan mo nangyari ngayon. haist.

ang bobo mo Jisung!

kinapa ko ang bulsa ng shorts ko para imessage si Jeeya, pero wala pala doon. naiwan ko pala sa may kama dahil sa kakamadali ko.

nagdadalawang isip pa ako kung babalik ako sa bahay, pero masyado nang malayo kung babalik pa ako.

napakamot ako sa ulo ko at tumakbo nalang ulit patungo kayla Jeeya. nang makarating ako roon ay agad akong nag door bell. sunod sunod ang pag pindot ko sa doorbell.


kinabahan ako lalo nang bumukas ang pinto at lumabas doon si Chan hyung na magulo ang buhok, nakataas ang isa niyang kilay habang nakatingin sa akin.

" oh? ba't ka nandito? 10 pm na ng gabi, huwag mong sabihin na namimiss mo na si Jeeya eh magdadate na nga kayo bu- "

" kailangan kong kausapin si Jeeya, palabasin mo siya, please hyung " pagkakamakawa ko.

kunot noo siyang tumingin, " bakit? sinaktan mo ba ang kapatid ko? aba Han Jisung diba sinabi ko sa iyo na huwag mong sasaktan ang kapatid ko? " sabi niya.

" uhm,, parang ganon na nga " nahihiya kong sagot.

" punye- " pinutol ko ulit siya.

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now