chapter : twenty six
jisung | narration" g kayo? arcade mamayang hapon?" tanong ni Minho hyung sa amin, kasalukuyan kaming nakain ngayon ng tanghalian sa cafeteria.
" game! " sabay naming sabi, tumango si Minho hyung bago ilabas ang phone at mag type doon.
" sabihan ko lang si Chan hyung" sabi niya habang nagtatype, hindi namin sila kasabay ng lunch dahil iba ang sched nila sa namin.
" libre mo hyung? " tanong ko habang nanguya ng cheesecake.
nabatukan naman ako ni Changbin hyung, tinignan ko siya ng masama,
" mukang libre " sabi niya, pero inirapan ko lang siya at nagpatuloy sa pag lamon sa cheesecake.ay speaking of cheesecake, naalala ko tuloy si Jeeya. miss ko na siya, ang hirap pala pag di kayo magkaparehas ng pinapasukan.
#longdistancerelationship, charot wala pa palang kami.
" sama natin si Jeeya " sabi ko, tumingin naman sila sa akin na para bang di sumasang ayon.
" ayaw nga namin, baka mandiri lang kami sa kalandian mo " sagot ni Seungmin.
" di ko kaya panoorin yung kalandian mo Han Jisung " sabi naman ni Minho hyung.
porket wala lang kayong jowa? ay charot di pa pala kami ni Jeeya.
" pero ayos lang pag ikaw ang nilalandi? " biro ni Hyunjin, tumawa naman ang iba.nang matapos kami sa pag kain, bumalik na kami sa classroom.
-
"saan daw ba kikitain si Chan hyung?" tanong ni Jeongin.
nagkibit balikat si Felix, " wala namang sinabi sa gc eh, hindi rin online " sagot niya.
" punta nalang tayo sa may gate, baka doon " yaya ni Changbin hyung.
" puntahan nalang kaya natin sa room nila " suggest ko.
" oo nga 'no! may sense ka rin pala" biro ni Hyunjin at tinapik tapik ang balikat ko.
nag lakad na kami patungo sa kabilang building kung nasaan ang classroom nila Chan hyung, pagkarating namin ay wala nang tao roon.
napagpasya nalang namin na pumunta sa may gate, pagkarating namin doon ay saktong nag message sila sa gc na sa may gate nalang mag meet, may pinasa pa pala sa prof kaya natagalan.
minessage ko nalang si Jeeya habang nag hihintay kayla hyung.
-
Bang Jeeya
• Active 20 minutes agoJisung
naka uwi ka na?Jisung
maga-arcade kami ngayon kasama si Chan hyung, baka lang di pa nakapag paalam heheheJisung
oy ba't di ka online :"(Jisung
mAy iBa kA nA b4¿¿??Jisung
charot •3•-
tinago ko na ang cellphone ko dahil malapit na itong malow batt. pinanood ko nalang ang mga sasakyan na dumadaan sa harap namin.
habang abala sa panonood sa mga sasakyan, naramdaman ko nalang na may biglang humawak sa braso ko at hinalikan ako sa pisngi.
hahampasin ko na dapat siya nang makita kong si Jeeya, iyon.
" J-jeeya " nauutal kong banggit sa pangalan niya.
tinanggal niya ang mga palad niya sa muka niya tiyaka ako nginitian,
" hello " nakangiti niyang sabi.teka yung puso ko-
" bakit ka nandito? " tanong ko sa kaniya.
" sinabihan kasi ako nila Hyunjin na gusto mo raw ako kasama na mag arcade, kaya binalak kong wag sabihin sa iyo na pupunta ako dito " explain niya.
lumingon ako sa mga kaibigan ko, nandoon na si Chan hyung. nginisian nila ako at inasar.
kinuha ko ang bag ni Jeeya tiyaka hinawakan ang kamay nya, " tara na" yaya ko.
niyaya ko na rin ang mga kaibigan ko at nag lakad na patungo sa arcade na malapit sa school.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20