O22 ; narration

182 16 5
                                    

chapter : twenty two
jeeya | narration

" hoy anong ginagawa mo dito?! " tanong ni kuya Chan kay Jisung.

nataranta naman si Jisung nang dahil kay kuya, " mamamanhikan– este..ano ahh–"

" kuya naman! " saway ko kay kuya Chan habang naglalakad patungo sa kanila.

" charot lang! tara na sa loob baka nandoon na sila " aya ni kuya Chan.

sinara ko muna ang gate bago kami pumasok sa loob, " nanginginig ka " sabi ko sa kaniya tiyaka tumawa.

umiling naman siya, " h-hindi 'no! " pagsisinungaling niya.

" tss, halata Han Jisung huwag ka nang mag sinungaling " sabi ko.

bumuntong hininga siya, " oo na, sobra ang kaba ko ngayon kung alam mo lang " pag amin niya.

" sus ba't ka naman kakabahan? " tanong ko dito.

" parents mo yun, Jeeya! gusto ko magustuhan nila ako para sa iyo, tignan mo ako.. naka polo at slacks pa ako " sagot niya.

oo nga, ngayon ko lang napansin. para tuloy siyang papasok ng opisina.

" oh sino 'tong gwapong bisita natin ngayong araw? " tanong ni daddy na kakababa lang mula sa itaas.napansin kong nataranta agad si Jisung.

" manliligaw ni Jeeya " sagot ni kuya Chan.

" teka– si Jisung ata yan " sabi naman ni mommy na kabababa lang din.

" g-good afternoon po " bati ni Jisung at nag bow.

" nililigawan mo 'tong anak ko? " seryosong tanong ni daddy na ikinakaba lalo ni Jisung.

" mamaya mo na tanungin, kumain muna tayo " sabi ni mommy at nag punta na kaming kusina.

-

" Jeeya, sagutin mo na nga 'tong si Jisung " sabi ni daddy habang tumatawa.

tinignan ko si Jisung at kinindatan niya ako.

hindi ako kinikilig, hindi talaga.

" kaya ko naman pong mag hintay hehe " sabi naman ni Jisung, pero umepal naman 'tong si kuya.

" huwag mong sasagutin 'to hangga't di ka nagtw-twenty five, Jeeya " sabi naman ni kuya Chan.

" Chan! porket wala ka lang girlfriend gaganyanin mo na kapatid mo " saway sa kaniya ni mommy, tinawanan naman namin siya ni Jisung.

" umalis na nga kayong dalawa " pagtataboy sa amin ni kuya Chan.

" balik ka ulit dito, Jisung ha " sabi ni daddy.

tumango naman si Jisung at ngumiti, " opo, sa susunod kasama na magulang ko " sagot niya na ikinatawa ni daddy.

" mauna na kami " pagpapaalam ko, tumango sila tiyaka kami lumabas ni Jisung.

paglabas ng gate ay nakahingang maluwag si Jisung, " jusko! "

" oh ano ayos ka na? " tanong ko tiyaka tumawa, tumango naman siya.

" kinabahan ako dun! akala ko papatayin na ako ni tito " sabi niya.

" loko, mabait naman sila " sabi ko.

inakbayan niya ako," sagutin mo na raw ako hehe " sabi niya.

inalis ko ang kamay niya sa balikat ko, " loko "

" charot lang, tara na saan mo ba gusto? " tanong niya at inakbayan ulit ako.

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now