O29 ; narration

129 11 4
                                    

chapter : twenty nine
jisung | narration

" uy mamaya ah! sa cafe, libre ko " paalala ni Changbin hyung.

nye nye, mang inggit pa, bwiset.

umirap ako at lumamon nalang ng cheesecake, " sama ka Jisung? " tanong ni Minho hyung.

sinamaan ko siya ng tingin, " isaksak niyo sa baga libre ni Changbin hyung " sagot ko, tumawa naman sila.

" balita ko pupunta doon mamaya si Jeeya, tutulong kay Hyunsuk " sabi ni Chan hyung na ikinatigil ko.

tumingala ako, " talaga? " tanong ko.

" pero di pa sure" sagot ni Chan hyung at nagkibit balikat.

huminga akong malalim at pumalumbaba sa lamesa, ba't kasi ako ginrounded ng nanay ko, parang di naman sanay na palagi akong late umuwi.

" kakamustahin ko nalang siya para sa iyo, Jisung " sabi ni Hyunjin.

" huwag na, baka landiin mo pa " sabi ko naman, inilabas ko ang phone ko tiyaka minessage si Jeeya kung nag meryenda na ba siya, maya maya ay sumagot naman siya sa akin.

nang malapit na dumating ang prof ay nag paalam na ako kay Jeeya at tinago na ang cellphone.

-

" una na kami, Jisung " paalam nila sa akin, yung iba ay nang aasar pa akong tinignan.

mga bwiset, porket manlilibre lang si hyung. inirapan ko lang sila at nag lakad na sa kabilang direksiyon.

habang naglalakad pauwi ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko, kinuha ko iyon at tinignan. may message ako mula kay Jeeya at kay Mama.

una kong binuksan ang kay Jeeya.

-

Bang Jeeya
• Active Now

Jeeya
papunta ako sa cafe ngayon, manlilibre raw si kuya Changbin

Jisung
oo nga,, bawal naman ako,grounded

Jeeya
di ka pala nagpaalam kahapon eh, yan tuloy hahahaha

Jeeya
order nalang akong cheesecake para sa iyo,tapos daanan ka namin sa bahay niyo after

Jisung
wag na baka gabihin pa kayo

Jisung
tiyaka kakakain ko lang ng cheesecake kanina at kahapon, baka mahospital na ako sa susunod

Jeeya
grabe hospital agad hahahaha

Jeeya
basta ha, daanan kita mamaya hehe

Jeeya
pauwi ka na ba?

Jisung
naglalakad na

Jeeya
ohhkaay, tigilan mo muna ang pag phone, baka maaksidente ka

Jeeya
sige na punta na ako sa cafe, byeee ingat ka •3•

Jisung
opo babe

Jisung
Jeeya* masyadong advance 'tong keyboard ko eh

Jeeya
loko,, babye na nga

Jisung
ingat mamahalin pa kita
- 1 😂

-

Han Mama
• Active Now

Mama
umuwi ka nang bata ka

Jisung
naglalakad na

Jisung
sent a photo

Jisung
yan oh daanan pauwi sa bahay

Mama
bilisan mong bata ka, mag bihis ka agad pag dating may bisita tayo

Jisung
sino naman yung bwisita?

Mama
kaibigan ko, osiya tigilan mo na ang pagccp, maaksidente ka pa, pababayaan kitang mamatay sa hospital
-1 👍

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now