chapter : twenty seven
jisung | narration" ganito, hindi ganyan " turo ko kay Jeeya habang hinahanda ang sarili na ishoot ang bola.
" ganito? " tanong niya nang ginaya niya ang pwesto ko, tumango naman ako tiyaka niya ibinato ang bola.
nang pumasok ito sa ring ay tumalon talon siya na parang bata, natatawang pinanood ko siya.
" jusko kahit di naman ganon ang posisyon mo pwede mo pa rin naman maishoot ang bola " epal ni Chan hyung sa gilid namin.
inirapan siya ni Jeeya, " di mo lang mashoot eh " asar ni Jeeya. sinamaan naman siya ng tingin ni Chan hyung.
pinagpatuloy lang namin ni Jeeya ang paglalaro hanggang sa maubusan kami ng tokens.
pagkatapos naming mag arcade ay nag tungo kami sa park na puro pag kain ang binebenta, yung unang lugar kung saan kami nag punta ni Jeeya.
nang makarating kami doon, bumili ako ng dalawang cheesecake para sa amin ni Jeeya, pumwesto kami sa malapit na upuan at kumain doon.
" wow pag si Jeeya nililibre, tapos kami hindi? wow Jisung! wow! " sabi ni Hyunjin habang nakain ng jajangmyeon niya.
" drama mo, tss " sabi ko dito, sinamaan niya ako ng tingin.
" reklamo ka pa dyan Hwang, nilibre na nga kita " sabi ni Changbin hyung kay Hyunjin.
" di sapat 'to hyung " biro niya, nabato tuloy siya ni hyung ng tissue, binato naman pabalik ni Hyunjin iyon, hanggang sa magbatuhan na sila.
pagkatapos namin kumain ay nag lakad lakad muna kami sa may park habang nagkekwentuhan.
" tuwing monday lang ikaw napunta sa cafe ng magulang ni.. sino nga yun? " tanong ko kay Jeeya.
" ahh ni Hyunsuk? hindi naman, kapag marami lang tao " sagot niya.
tumango ako, " kapag pupunta ka doon sabihan mo ako, ihahatid kita" sabi ko.
" hindi naman ako palagi napunta doon, tiyaka last na ata kahapon dahil nag hire na sila " sagot niya.
" buti naman " sabi ko, pabirong hinampas niya ako sa braso.
" may crush ba yun sa'yo? " tanong ko, kunot noo siyang tumingin sa akin.
" naninigurado lang " dagdag ko.
umiling siya, " wala 'no! " sagot niya.
nakahinga naman akong maluwag sa sagot niya, " buti naman.."
inakbayan ko siya at idinikit sa akin,
" akin ka lang ha " sabi ko sa kaniya." ayoko ng kahati " dagdag ko pa, napansin kong namumula ang pisngi niya.
tumango siya, " basta wala rin akong kahati sa iyo " sabi niya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. ngumisi ako tiyaka tumango.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20