chapter : fifteen
jeeya | narration
" sama ka? " biglang tanong ni kuya Chan sa akin.tinignan ko siya mula ulo hanggang paa, simpleng shirt at pants ang suot niya, " ayoko " sagot ko at nag focus ulit sa phone.
" may gala kami kasama si Jisung " sabi niya, agad akong lumingon sa kaniya at sumilay ang mapang asar niyang ngiti.
" ano sama ka? " tanong niya ulit, inirapan ko siya tiyaka kumuha ng damit sa cabinet at pumasok ng cr para mag ayos.
" sasama rin pala, Jisung lang pala ang katapat " rinig kong sabi ni kuya pag pasok ko ng banyo.
hindi ko na pinansin iyon at naligo na, pagkatapos kong maligo ay nag ayos ako. sweater at pants lang ang sinuot ko, pagkatapos ay lumabas na ako para puntahan si kuya.
" tara na kuya " sabi ko dito, tinago niya ang phone sa bulsa at lumabas na kami.
" gusto mo ba siya? " tanong niya sa akin. nagtatakang tumingin ako sa kaniya.
" sino? " tanong ko, saglit siyang tumingin sa akin tiyaka tumawang mahina.
" si Jisung " sagot niya, hindi ko alam pero bigla akong namula at nainitan sa tanong niya.
" eh? ba't mo naman natanong " tanong ko.
nagkibit balikat siya, " dali sagutin mo nalang "
" alam mo bang crush ka nun? " dagdag pa ni kuya.
hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi, pero pakiramdam ko ay namumula na ako ngayon.
" ulol " bulong ko, tumawa nanaman siya.
" kaya pala tinanong ako nung isang araw kung crush ko daw ba siya " sabi ko.
" oh ano sabi mo? " tanong ni kuya.
" hindi " sagot ko, nakita kong nadismaya siya sa sinagot ko.
" hindi nga ba? " tanong niya at ngumisi.
inirapan ko siya, " m-medyo " sagot ko tiyaka yumuko.
" yun oh! dalaga na ang baby sister ko huhu " pagdadrama niya tiyaka kunwaring umiyak.
" dalaga na si Jeeya?! " gulat na tanong ni kuya Minho na kararating lang kasama ang iba.
" may crush na siya " sabi ni kuya Chan at umarteng naiyak.
napatakip sa bibig si Hyunjin,
" paano na si..Jisung? " tanong niya at nag kunwaring nahimatay, sinalo naman agad siya ni Seungmin.jusko, ang dadrama.
" teka..nasaan si Jisung? " tanong ni kuya Changbin.
" tulog pa " sagot ni kuya Minho na nagtatype sa cellphone niya.
" kachat mo? eh diba tulog " sabi ni Felix.
" ayaw sumagot eh, tara puntahan nalang natin sa bahay nila " sabi ni kuya Minho. sumang-ayon naman ang iba at nag lakad na.
" sino crush mo Noona? " tanong ni Jeongin sa akin.
" wala " sagot ko at sinalpak ang earphones sa tenga ko.
sinundan ko lang sila hanggang sa tumigil kami, nag doorbell muna sila tiyaka may lumabas na babae, nanay ata 'to ni Jisung.
nakangiti siyang sinalubong kami, pinapasok niya kami sa loob.
" ang batang yun talaga! jusko di man lang nag sabi na may gala ngayon " sabi nya.
" si Jisung yan tita eh " sagot ni kuya Chan at nag tawanan sila.
" don't worry tita, darating ang panahon mag seseryoso rin yun " sabi ni kuya Minho sabay tingin sa akin.
" diba Jeeya? " nagulat ako nang tanungin niya ako, kahit na nag tataka ay tumango nalang ako tiyaka ngumiti.
narinig kong tumawa sina Seungmin at Felix sa tabi ko, mga baliw.
umakyat kami sa ikalawang palapag ng bahay tiyaka pumasok sa blue na pintuan.
sumalubong sa amin ang malakas na hilik ni Jisung at ang makalat niyang kwarto.
punye-
" teka natatae ako, cr lang! " sabi bigla ni Felix, biglang tinaas ni kuya Chan ang kamay niya.
" ako rin natatae! " sabi ni kuya Chan.
nagtatakang tumingin ako sa kanila, sabay sila?
" nagugutom ako, huhu " sabi bigla ni Jeongin habang nakahawak sa tiyan.
" kainin mo ako, Jeo- " pinutol ni kuya Minho si Hyunjin.
" tara kain tayo sa ibaba " sabi niya, sasama sana ako sa kanila nang harangan nila ako.
" ikaw na ang bahalang gisingin yan, pag nagising mo na yan tiyaka kayo bumaba " kahit na naguguluhan ay tumango nalang ako. ngumisi sila tiyaka lumabas.
nang masarado ang pintuan- bigla akong kinabahan. tinignan ko si Jisung na maingay na natutulog sa kama niya.
lumakad ako papalapit sa kaniya tiyaka siya tinignan.para talagang squirrel ang pisngi niya, sarap pisilin, hehe.
" uy Jisung, gising " sabi ko dito, pero di pa rin siya nagigising. ilang beses ko pa siyang sinubukan na gisingin pero wala pa rin.
" hoy Han Jisung! " sigaw ko, niyugyog ko na ang balikat niya.
" hmm, pinapaginipan ko pa si Jee- JEEYA?! a-anong ginagawa mo dito?! " gulat niyang tanong, nanlalaki pa ang mata niya.
" a-ano..k-kasi- "
" shit! may gala nga pala, teka mag aayos lang " sabi niya at dali-daling tumakbo patungo sa cr.
squirrel??
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20