OO5 ; narration

235 18 1
                                    

chapter : five
jisung | narration


" hyung tumahimik ka lang sa tabi ko ha, ako na ang bahala na umorder " bilin ko kay Chan hyung nung medyo malayo pa kami sa counter.

" huh? alam mo na ba kung anong oorderin mo? " tanong niya, tumango naman ako.

" dalawang chocolate cake, tatlong oreo cheesecake, apat na strawberry cake at siyam na kape " confident kong sagot.

napahilamos naman siya sa palad niya, " anong siyam na kape? bonak apa- "

hindi naituloy ni hyung ang sasabihin nang kami na ang sumunod sa pila.

" good afternoon sir, ano pon- "

" hi miss anong name mo? " agad na tanong ko sa kaniya.

muka naman na nagulat siya dahil sa tanong ko, kahit si Chan hyung ay nagulat din, " p-po? "

" anong pangalan mo kako hehe " nakangiting sabi ko.

namula naman ito at parang hindi alam ang gagawin, " sorry ha, nababaliw na kasi 'tong kaibigan ko" sabi ni Chan hyung.

ngumiti siya, teka hoy ang ganda!

" ahh, haha ayos lang Chan " sagot niya.

kilala niya si Chan hyung?!

tumingin ako kay Chan hyung nang nagtataka at ngumiti rin siya, " by the way yung order nga pala namin ay..." hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Chan hyung.

dahil masyado akong abala sa pagtitig sa kaniya, putek mami ang ganda nya talaga.

natauhan lang ako nang tumingin siya sa akin at nginitian ako, napunta na siguro lahat ng dugo ko sa muka ko.

" dadalhin nalang namin yung order niyo sa table, thank you " nakangiting sabi niya.

nang iabot niya ang sukli ay agad ko itong kinuha, syempre hinawakan ko na ang kamay niya.

habang pabalik kami sa table ay kinurot ako ni Chan hyung sa tenga.

" nakakahiya ka Jisung " sabi nito.

" hyung naalala mo yung sinasabi kong babae na nagustuhan ko sa mall nung isang araw? " tanong ko

tumango naman siya, " oo, baki- teka, siya ba yun? " di makapaniwalang tanong ni Chan hyung.

" oo, hyung. siya iyon " sagot ko at ngumiti.

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now