chapter : ten
jisung | narrationhindi pa rin ako makapaniwala na kasama ko si Jeeya ngayon at kaming dalawa lang.
nasa harapan ko siya ngayon at naglalakad kami papunta sa park na puro pagkain ang tinitinda.
natigilan ako nang tumigil siya sa paglalakad at humarap sa akin, agad naman akong umiwas, narinig ko siyang tumawa.
" a-anong nakakatawa? " tanong ko sa kaniya, umiling siya habang natawa.
napangiti rin ako habang pinapanood siyang tumawa, ang ganda niya.
" kanina ka pa tahimik mula nung sinundo mo ako sa bahay, sigurado ka bang ayos lang sa iyo na ako ang kasama mo ngayon? " tanong niya sa akin.
hay Jeeya, kung alam mo lang kung gaano ko kagusto na makasama ka.
" hala, nahihiya lang ako " bulong ko, pero narinig niya ata kaya tumawa pa siya.
ang sarap talaga sa tenga ng tawa niya, mas lalo akong nahuhulog eh.
" ba't ka naman mahihiya? kaibigan na rin kaya kita " sabi niya, parang may kung anong kirot akong naramdaman sa may dibdib ko nang sabihin niya ang salitang kaibigan.
ilang araw palang naman kaming magkakilala, malay natin diba after ilang months kami na, advance lang.
" andito na tayo! tara tignan natin yung binebenta dun! " sabi ni Jeeya tiyaka tinuro ang unang stall.
nang makarating kami sa harap ng unang stall ay nagningning naman agad ang mga mata ko.
" woah cheesecakes! " sabi ko habang nakangiti at nakatingin sa mga paninda.
" mahilig ka rin sa cheesecakes? " tanong niya, tumango naman ako tiyaka namili.
" ooh, same! " sagot niya na ikinagulat ko.
" talaga? favorite mo rin ang cheesecakes? " tanong ko, tumango naman siya. kakilig hihi.
" anong sa iyo? " tanong ni Jeeya, napakunot ang noo ko, ang hirap pumili! huhu.
" halos lahat yan favorite ko eh, ang hirap pumili " sagot ko, mahina siyang tumawa.
" blueberry masarap! " sabi niya.
" yun din ang favorite mo? " tanong ko, tumango siya.
" sige yun nalang din " sabi ko, inilabas ko ang pera ko tiyaka ako umorder. pagkakuha namin ng cheesecakes ay naghanap pa kami ng ibang pagkain bago umupo sa isa sa mga bakanteng tables sa park.
nang makaupo kami ay inilapag namin ang mga pagkain sa table tiyaka nag simula na kumain.
" ilang taon ka na, Jeeya? " tanong ko habang nanguya ng cheesecakes.
" ahm..hala! ang cute mo Jisung " sabi niya tiyaka pinisil ang pisngi ko.
agad naman akong namula dahil sa ginawa niya, " para kang squirrel hahahha " sabi niya ulit at tumawa.
inilabas niya ang phone niya tiyaka ako kinuhanan ng litrato.
gwapo mo talaga, Jisung!
" hehe ano nga ulit ang tanong mo?" tanong niya, nilunok ko muna ang kinakain bago sumagot.
" ilang taon ka na? " tanong ko sa kaniya.
" ahh 18 palang, ikaw? " tanong niya.
" 19 " sagot ko, " tanda mo na " sabi niya at tumawa.
" mas matanda naman si Chan hyung! " sabi ko tiyaka tumawa.
" oo nga, tanda na wala pa rin jowa" sabi ni Jeeya sabay umirap.
" eh ikaw ba? " tanong ko, nagtatakang tumingin naman siya sa akin.
" anong ako? may jowa na? " tanong niya, nahihiyang tumango ako.
" wala, ayoko pa " sagot niya, napa-'yes' ako sa isipan ko.
" bakit? " tanong ko ulit, nag kibit balikat lang siya.
" eh..paano kung may gustong manligaw sa iyo? papayag ka ba? " tanong ko, sana naman di niya mahalata na may gusto ako sa kaniya.
" depende, kung mukang seryoso " sagot niya tiyaka sumubo.
" teka.." agad naman akong kinabahan nang sabihin niya yun.
" b-bakit? " kinakabahan kong tanong.
" may kilala ka sigurong may gusto sa akin 'no? " tanong niya.
napalunok ako nang dahil sa tanong niya, " a-ahh wala 'no! " sagot ko, ako nagkakagusto sa iyo.
pinagpapawisan ako nang tumitig siya sa akin, pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko habang siya ay natitig pa rin.
" okay " sagot niya tiyaka umiwas ng tingin, nakahinga naman ako ng maluwag. jusko!
inabot kami ng ilang oras dito sa park, nagkwentuhan lang kami tiyaka kumakain, naka ilang bili rin kami ng cheesecake dahil nga parehas namin iyon na gusto.
kasalukuyan kaming naglalakad ngayon pauwi sa bahay nila, walang nagsasalita kahit isa sa amin habang naglalakad kami pauwi.
nang makarating kami sa bahay nila ay niyaya niya pa akong pumasok sa loob, pero tumanggi na ako.
di pala ako nakapagpaalam kayla hyung.. paniguradong aasarin ako nung mga yun.
" Jeeya " tawag ko sa kaniya, lumingon siya sa akin.
" oh? natatae ka? pasok ka " tanong niya tiyaka binuksan ang gate.
" h-ha? h-hindi! " sagot ko, tumawa naman siya.
" joke lang! bakit? " tanong niya.
huminga ako nang malalim, " ahh.. pwede bang lumabas ulit tayo sa susunod? " tanong ko.
" i want to know you more "
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20