chapter : thirty eight
jisung | narration-
Han Jisung
• Active NowJisung
papunta na ako sa inyoJisung
nasa bahay niyo na ba ikaw?Jeeya
sige, ingat kaJisung
😚-
itinago ko ang phone ko sa bulsa tiyaka lumabas ng kwarto ko, nagpaalam muna ako kay mama bago umalis.
" labas lang ako, ma " paalam ko habang abala siya sa pagwawalis.
sinamaan niya ako ng tingin, " palagi ka nalang nasa labas! kung tulungan mo kaya akong maglinis dito? "
napakamot ako sa batok, " ma, may date kami ni Jeeya " sabi ko, nagbago naman ang itsura niya.
mula sa simangot ay nakangiti na siya ngayon, " talaga ba? oh sige lumayas ka na baka naghihintay na yun sa iyo " nakangiting saad niya.
napahinga akong malalim tiyaka lumabas na, nakita ko naman si Kiara na kakauwi lang.
tinignan niya ako mula ulo hanggang paa tiyaka ngumisi," naks, gwapo natin ngayon ah, punta ka sa babe mo? " tanong niya.
ngumiti ako at tumango, " oo, tagal na naming di nagkikita eh " sagot ko dito, tumango lang siya tiyaka pumasok na sa loob.
dito muna si Kiara ng ilang buwan, kailangan kasing pumunta ni tita sa ibang bansa dahil nagkaproblema si tito doon, tiyaka pinsan ko naman pala itong si Kiara sa father side.
chineck ko ang bag ko kung nandoon ba yung binili ko nung gumala kaming siyam kasama si Jeeya, ito rin ang dahilan kung bakit ako late na umuwi.
nang masigurado kong nandoon ay nagpatuloy na ako sa paglalakad patungo kayla Jeeya.
hindi ko balak na yayain na ngayon si Jeeya na maging girlfriend ko, balak ko lang na ibigay ito para masigurado niyang seryoso talaga ako sa kaniya.
dumaan muna ako sa flower shop na malapit sa kanila, nang makabili ako ay dumiretso na ulit ako sa kanila.
hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngayon habang papalapit sa bahay nila Jeeya, nang malapit na ako sa kanila ay nakita kong nandoon si Jeeya na may kasamang lalaki.
si Hyunsuk?
nakayuko lang si Jeeya habang si Hyunsuk ay nakatingin sa kaniya habang seryosong nagsasalita.
humigpit ang paghawak ko sa mga bulaklak.
magsasalita si Jeeya nang hawakan ni Hyunsuk ang magkabilang pisngi ni Jeeya at halikan ito.
nandilim ang paningin ko, binitawan ko ang mga bulaklak at wala sa sarili akong sumugod kay Hyunsuk.
nang bumagsak ang katawan niya ay umibabaw ako sa kaniya at pinagsusuntok ang muka niya.
pinipigilan na ako ni Jeeya pero hindi ko ito pinapansin." gago ka! anong karapatan mong halikan siya ha?! " nanggigigil kong tanong.
" b-bakit? gi-rlfriend mo b-ba siya?" nakangising tanong niya sa akin, natigilan ako.
hindi ko siya sinagot at mas lalo lang siyang pinagsusuntok, biglang dumating si Jeeya kasama si Chan hyung at ang iba namin na kaibigan.
" tigil na Jisung! baka mapatay mo na yan! " awat ni Chan hyung.
" edi mas mabuti, ang tagal ko nang nagtitimpi sa gagong yan eh! " sabi ko, patuloy pa rin sila sa pag awat.
" Jisung tigil na sabi eh! " awat ni Jeeya at yung mga kaibigan ko naman ay pilit akong itinatayo mula kay Hyunsuk.
inalis ko ang pagkakahawak nila mula sa akin tiyaka tumayo, sinipa ko sya sa tiyan niya.
pumunta ang iba kay Hyunsuk tiyaka tinulungan siyang tumayo at ang masakit pa isa si Jeeya sa mga tumulong kay Hyunsuk. punyeta.
pinulot ko ang bulaklak tiyaka inihagis iyon sa kanila, " pasalamat ka at hindi kita tinuluyan " sabi ko.
masama kong tinignan si Hyunsuk bago tumingin kay Jeeya na nakatingin sa akin, pinulot ko ang bag ko tiyaka naglakad papalayo doon.
-
sorry kung may typo sksks at kung korni skksks
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20