O17 ; narration

186 16 5
                                    

chapter : seventeen
jisung | narration

okay, pwede na ako mamatay. ang gwapo ko raw pag bagong gising. hingang malalim, Jisung pigilan mo ang sarili mo, baka bi-

" ayos ka lang ba Jisung? kanina ka namumula " tanong ni Jeeya sa akin na mas lalong ikinamula ko.

tumingin naman ang iba sa akin, tipid akong ngumiti tiyak tumango at kumain nalang uli ng pancakes.

ano ba 'tong pancakes na 'to?

" masarap ba Jisung? gawa namin ni Seungmin yan " tanong ni Felix sa akin.

masarap naman,ang weird lang nung blueberries..

" kain pa kayo ha, masarap ang gawa nila Felix at Seungmin " sabi ni mama sa amin, ngumiti naman na parang aso ang dalawa dahil pinuri sila ni mama.

hmp! pag ako naman nag luto-

" oh? himala at ang tahimik mo ngayon Jisung, namumula ka rin may nararamdaman ka ba? " tanong sa akin ni mama.

sasagot sana ako nang unahan ako ni Chan hyung, " kinikilig tita, kaya ganyan " sagot niya at tumawa naman sila.

tumingin sa akin si mama sabay kay Jeeya na busy kumain ng pancakes,
" girlfriend niya ba si Jeeya?! " gulat niyang tanong. nagtawanan ang iba habang kami ni Jeeya ay nabilaukan.

" p-po? h-hin- " hindi naituloy ni Jeeya ang sasabihin nang umepal ulit si Chan hyung.

" hindi pa, tita. pero papunta na ron " sabi niya.

gago, anong-

" ay talaga ba?! edi ibig sabihin niyan mag seseryoso na 'tong anak ko? " tanong ni mama.

jusko, nanay ko ba talaga 'to. tiyaka seryoso naman ako ah!

" ma naman! " epal ko pero di nya ako pinansin, nakakahiya katabi ko pa man din si Jeeya.

ang iba ang patuloy pa rin sa pagtawa, ako naman ay sobrang pula na.

" charot lang po, tita. di pa nakaka amin yang anak niyo dahil torpe " sabi ni Minho hyung.

" Hyung naman! " sabi ko, gusto ko nang mag tago dahil sa kahihiyan.

wala na alam na ni Jeeya, tinignan ko siya at nakayuko na siya habang namumula.

" ay..andito pala siya nawala sa isip ko " sabi ni Minho hyung at nangangasar na ngumiti.

" HAHAHHAHAHAHA " tawa ni Hwang at may hampas pa sa table, si Felix naman ay malapit nang mahulog si upuan niya.

" hay nako, Jisung umamin ka na nga baka maagawan ka pa nang iba! " sermon ni mama sa akin at dinuro duro niya pa ako.

" ma..alam na niya ang ingay kasi eh " sabi ko at tinignan nang masama sila, tumawa lang sila sa akin.

" ay oo nga.. Jeeya " tumingala si Jeeya at tumingin kay mama.

" p-po? " tanong niya, hehe ang cute namumula ang muka niya.

" sagutin mo agad yang si Jisung ha, maloko man yan pero sure akong di ka nyan lolokohin " nakangiting saad ni mama.

hindi ko na alam kung anong sinagot ni Jeeya, lumabas na agad ako ng bahay at hinintay sila doon.

napahilamos ako sa muka ko habang inaalala ang mga nangyari sa loob. jusko, nakakahiya.

maya-maya pa ay lumabas na sila, pero wala si Jeeya.tatanungin ko na sana sila nang magsalita si Changbin hyung.

" tumutulong pa siya na mag hugas doon ng mga plato kasama si tita " sabi niya.

papasok na sana ako sa loob nang lumabas na si Jeeya kasama si mama, " ingat kayo, Jeeya " sabi ni mama, ngumiti at nag pasalamat naman si Jeeya.

ba't kay Jeeya nag-iingat? samantalang sa akin-

bumalik ako kayla Chan hyung bago pa tuluyang lumabas sila Jeeya.

" oh ayan na pala si Jeeya, tara na" sabi ni Chan hyung.

lumingon ako kay Jeeya at nakitang nakatingin din siya sa akin, siya ang unang umiwas ng tingin at nauna nang mag lakad.

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now