chapter : forty six
jisung | narration"Jeeya, gusto mo? " tanong ni Hyunjin kay Jeeya.
" noona, tabi tayo! " epal ni Jeongin nang papasok kami sa loob ng sinehan.
" ako rin! " epal din ni Seungmin, sasabat sana ako nang hilahin nila si Jeeya papunta sa loob.
" bwiset " bulong ko sabay iling, napairap ako bago tuluyang pumasok sa loob.
umupo ako sa bakanteng upuan sa tabi ni Minho hyung, limang upuan ang layo ko kay Jeeya.bwiset kasi 'tong mga 'to eh, mga epal.
" HAHAHAHAHA PUTEK ANG BOBO KASI! " rinig kong sigaw ni Jeongin, pati ang tawa ni Jeeya ay rinig na rinig ko rin.
lahat sila ay natawa maliban sa akin na nakasimangot, comedy ang pinapanood namin pero kahit isang beses ay di ako natuwa.
narealize ko nalang na tapos na ang pinapanood namin nang bumukas ang ilaw at tumayo sila. tumayo na rin ako, ipinasok ko ang kamay ko sa bulsa ng jacket ko at sinundan sila palabas.
" gutom na ako, libre mo naman kami Changbin hyung " sabi ni Felix habang nakahawak sa tiyan. sumang ayon naman ang iba.
at dahil mukang good mood si hyung ay nilibre niya kami, sa may food court nalang kami kumain para daw maraming pagpilian.
umupo ako sa dulo at hindi ko naman inaakala na tatabi si Jeeya sa akin, akala ko kayla Hyunjin siya tatabi.
sinabi na namin ang order tiyaka umalis sila Changbin hyung, Chan hyung at Woojin hyung para bumili ng mga pagkain.
umalis din saglit sila Jeongin, Felix at Hyunjin para mag cr, naiwan kaming tatlo nina Minho hyung at Jeeya sa table.
" puntahan ko lang sila hyung ha " paalam ni Minho hyung, tumango naman si Jeeya.
nakapalumbaba ako sa may mesa gamit ang isang kamay ko habang ang isa ay nilalaro ang tali ng jacket ko.
naramdaman kong tinutusok ako ni Jeeya sa braso ko, lumingon ako sa kaniya. " ayos ka lang? " tanong niya at pumalumbaba.
tumango ako tiyaka sumandal sa upuan, " kanina ka pa tahimik eh, baka lang may nararamdaman kang iba " sabi niya.
ngumiti ako at ginulo ang buhok niya na ikinasimangot nya, " ayos nga lang ako, huwag kang mag alala " sabi ko dito.
inayos niya ang buhok niya at sumandal din sa upuan, nabigla ako nang hawakan niya ang braso ko at sumandal sa balikat ko.
" labas nalang ulit tayo sa sabado " sabi niya para maging good mood ulit ako.
" okay, sunduin kita sa inyo " sagot ko, tumango siya. sinuklay ko ang buhok niya gamit ang kamay ko habang siya naman ay pinaglalaruan ang isa kong kamay.
maya-maya ay dumating na silang lahat, sabay talaga silang walo. inalis ni Jeeya ang pagkakasandal sa balikat ko na ikinadismaya ko naman.
inabot nila ang pagkain sa amin tiyaka kami kumain na, pagkatapos kumain ay umuwi na kami dahil may pasok pa bukas.
hindi na pumayag si Jeeya na ihatid ko siya sa kanila dahil gabi na raw at baka pagalitan nanaman ako, kasama naman niya raw si Chan hyung. sumabay nalang ako sa iba pauwi.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20