chapter : eighteen
jeeya | narration
" Jeeya, gusto mo? " tanong ni Hyunjin sa akin habang nakatutok sa harap ko ang milktea.umiling ako, "busog pa ako,salamat" sabi ko, tumango siya tiyaka kinausap ulit si Jeongin.
tinuon ko ulit ang sarili ko sa cellphone. naramdaman kong may umupo sa tabi ko, di ko iyon pinansin at nag focus sa binabasa.
" cheesecake gusto mo? " tanong niya sa akin, nginitian ko siya tiyaka umiling.
" dali na, alam kong gusto mo, matatanggihan mo ba 'tong blueberry cheesecake? " tanong ni Jisung tiyaka sumubo ng cheesecake.
natatawang inirapan ko siya,
" mamaya tatapusin ko lang 'to " sagot ko." hmm okay " sabi niya.
habang nagbabasa ay bigla niyang tinapat sa akin ang tinidor na may cheesecake.
" aahhh " sabi niya habang nakatapat ang tinidor sa akin at nakanganga.
" mamaya nga sa– " hindi ko naituloy dahil bigla niyang isinubo ang tinidor sa akin.
" dami pang dada eh " sabi niya tiyaka tumawa, hinampas ko naman sya sa braso.
" dapat pala iniwan na natin yang dalawa " sabi ni kuya Changbin.
" sana all " sabi naman ni Seungmin.
" brb mag hahanap lang ng jowa " sabi ni Hyunjin at tumayo.
" aba,sino namang papatol sa iyo?" tanong ni kuya Minho, nag tawanan naman kami. nakasimangot na umupo ulit si Hyunjin at masamang tinignan si kuya Minho.
" grabe naman, naging crush ko kaya si Hyunjin dati, pero saglit lang naman " sabi ko na ikinatahimik nila, may mali ba sa sinabi ko?
" ahm.. "
" pogi ko talaga " sabi ni Hyunjin at nag pogi sign, tumutol naman sila at binato pa ng tissue si Hyunjin.
" ulol mas gwapo ako " sabi ni Jisung, nag hiyawan naman ang iba, si Felix sa tabi ko ay inalog-alog pa ako.
punyeta, alam ba niyang nakakahilo yung ginawa niya?
" diba Jeeya?, mas gwapo si Jisung kaysa kay Hwang " tanong ni kuya Changbin sa akin na ikinamula ko. tumingin naman sila sa akin na para bang inaabangan ang magihing sagot ko.
" a-ah oo " sagot ko, napansin kong tumungo si Jisung at tinakpan ang bibig, luh.
" oh dahan-dahan may kinikilig " sabi ni kuya Chan, tinaas ni Jisung ang kamay niya at pinakita ang middle finger.
" aba hyung ginaganyan ka? huwag mong hayaan na maging jowa ni Jeeya yan ha " asar ni Seungmin.
" ang epal mo Seungmin " sabi ni Hyunjin, pero di siya pinansin ni Seungmin.
" balita ko may crush si Jeeya ah " sabi ni kuya Changbin.
" HA? SINO?!" tanong ni Seungmin.
" akin lang si Jeeya! " sabi ni Hyunjin na ikinatigil namin.
pero agad din niyang binawi iyon "charot " biro ni Hyunjin.
" nasa tropa ba yan? " tanong naman ni Felix na ikinamula ko.
" oh namula! so nasa tropa nga, sino Jeeya? " tanong ulit ni Felix.
" w-wala! " sagot ko naman, tinignan ko si kuya Chan at tinatawanan niya ako, sinamaan ko naman siya ng tingin.
baka kasi mamaya sabihin niya bigla eh.
" siguro ako yan " confident na sagot ni Hyunjin, pero inirapan ko siya.
" hindi ikaw " sagot ni kuya Chan.
" kilala mo hyung? " tanong nila, tumango naman siya.
nangangasar siyang tumingin sa akin, sinamaan ko naman sya ng tingin.
" si... " bago pa man masabi ni kuya ay tumayo si Jisung.
" may bibilhin lang " sabi niya.
nang makalayo na ay nag salita na si kuya, " wag nyong sasabihin kay Jisung ha " sabi niya.
gulat na tumingin sila sa akin, " crush mo rin si Jisung? " tanong nila.
-
YOU ARE READING
close ¦ jisung √
Fanfiction[ EDITED ] " i want to know you more " _____ close ¦ jisung jisung x you by Baestatic O7.12.20 - O8.15.20