O25 ; narration

200 15 12
                                    

chapter : twenty five
jisung | narration

" saan ba tayo pupunta, Jisung? nalagpasan na natin ang cafe ah " sabi ni Hyunjin hyung.

" teka may titignan muna tayo bago pumunta sa cafe " sagot ko naman.

" pupuntahan mo lang kako ang school ni Jeeya " sabi ni Chan hyung sa likod ko.

" hindi kaya " deny ko at tumingin uli sa harap, pasalamat siya di ko siya sinamaan ng tingin, future bro ko pa man din siya.

" ulol anong hindi, papunta kaya 'to sa school ni Jeeya " sabi ni hyung, napairap nalang ako at di na sumagot pa.

" ano namang gagawin namin doon? papanoorin kang landiin si Jeeya? " tanong naman ni Minho hyung.

" putek akala ko manlilibre si Changbin hyung " sabi naman ni Felix na halatang dismayado.

" mamaya tayo pupunta sa cafe! may kailangan lang akong bantayan " sabi ko, nagtatakang tumingin sila sa akin.

" sino naman ang babantayan mo? si Jeeya? " tanong ni Seungmin.

umiling ako, " yung kaibigan niya " sagot ko naman.

wala na akong narinig na sagot pa mula sa kanila, nag uusap ang iba habang papunta na kami sa univ ni Jeeya.

ewan ko ba kung bakit magka-iba ng school sila Chan hyung at Jeeya, dapat kasi sa school nalang namin nag aaral si Jeeya para nakikita ko palagi.

" hyung " tawag ko kay Chan hyung, pero di lang siya ang lumingon, lahat sila ay lumingon kahit yung mga mas bata sa akin.

" si Chan hyung kasi " sabi ko, tumango sila tiyaka bumalik ang tingin sa harap.

tinaasan ako ng kilay ni hyung, " oh?"

" ba't hindi kayo same ng school ni Jeeya? " tanong ko.

" ayaw niya raw akong makita palagi, simula pre-school hanggang highschool kasi same school kami kaya yun " sabi niya, napa- 'ahh' nalang ako.

" bakit? " tanong niya, umiling ako.

nang makarating na kami sa school ni Jeeya, nag hintay muna kami sa gilid ng gate.

kinuha ko ang phone ko tiyaka tinanong si Jeeya kung nasaan na siya, sumagot naman ito agad na nasa school palang siya.

" tagal naman nun, nagugutom na ako " reklamo ni Jeongin habang hinihimas ang tiyan.

" mamaya lilibre tayo ni Changbin " sabi ni Minho hyung na ikinainis lalo ni Changbin hyung pero tinawanan lang siya nito.

maya maya ay lumabas na si Jeeya, may kasama siyang lalaki. sus! mas gwapo naman ako kaysa sa kaniya.

" Jeeya! " tawag ko sa kaniya tiyaka lumapit, sumunod naman ang mga kaibigan ko.

" Jisung? anong ginagawa mo di– " hindi ko na siya pinatapos, hinawakan ko ang pisngi niya tiyaka siya hinalikan sa noo.

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now