O30 ; narration

146 12 7
                                    

chapter : thirty
jisung | narration

pagkarating ko ng bahay ay sinermonan agad ako ng nanay ko, ang tagal ko raw umuwi at gumala pa raw ako.

hindi na ako nag salita pa at dumiretso na agad ako sa kwarto ko para magpahinga, matapos kong mag pahinga ng ilang minuto ay nag tungo ako sa banyo para mag linis ng katawan.

pagtapos kong mag bihis, humiga ako sa kama ko tiyaka minessage si Jeeya.

-

Bang Jeeya
• Active Now

Jisung
nakauwi na ako

Jisung
nandiyan pa rin kayo?

Jeeya
yup! pauwi na kami maya maya, hinihintay ko lang yung cheesecake

Jisung
ah okay

Jisung
kasama dapat kita ngayon kung di lang ako grounded eh :<

Jeeya
hahahhaa

Jeeya
palagi naman tayo nagkikita?

Jisung
hindi kaya, di kita nakita ngayong araw :(

Jeeya
pupunta naman kami diyan mamaya, daanan ka namin ni kuya Chan

Jisung
mga ano oras? may bisita mamaya si mama eh

Jeeya
maya maya, malapit lang naman dito bahay niyo 'no?

Jisung
medyo

Jisung
uy sige tawag na ako ni mama, malapit na raw yung bwisita niya

Jeeya
okaay

Jisung
ingat ka
-1❤

-


inilagay ko ang cellphone ko sa side table ng kama ko at lumabas ng kwarto. nag tungo ako sa may sala dahil nandoon daw sila.

pagkarating ko sa sala ay pinakilala ako ni mama doon sa kaibigan niya, ngumiti ako tiyaka nag bow lang.

pinakilala rin ako ni mama doon sa babaeng anak nung kaibigan niya, nginitian ko lang siya at ngumiti naman siya sa akin.

pinaupo ako ni mama sa tabi niya, nakinig lang ako sa mga kwentuhan nila. dapat pala dinala ko na ang phone ko para may magawa.

naiilang din ako doon sa babae, titigan ba naman ako? alam kong gwapo ako..pero taken na ang puso ko.

tumayo sila mama at yung kaibigan niya at nag tungo silang dalawa sa kusina, may ituturo ata si mama doon sa kaibigan niya.

pero bago sila umalis ay may sinabi muna si mama sa akin, " i-entertain mo muna yang si Kiara ha " sabi niya sa akin.

tumingin ako dun sa Kiara at nakatingin din siya sa akin, kinuha ko ang remote tiyaka binuksan ang tv, inilipat ko yun sa channel na puro movies ang pinapalabas.

" uhh Jisung " lumingon ako sa kaniya, "..tama ba? Jisung? " tumango ako.

" bakit? " tanong ko tiyaka ibinalik ang tingin sa tv.

" saan ang cr niyo? " tanong niya, tumayo ako at sinenyasan siya na sumunod.

binuksan ko ang pintuan ng cr tiyaka tumayo sa labas, " tawagin mo nalang ako kung may kailangan ka" sabi ko dito, ngumiti siya at tumango sabay pumasok sa loob.

iniwan ko siya at umakyat papunta sa kwarto ko, kinuha ko ang cellphone ko at may iilang message ako galing kay Jeeya.

-

Bang Jeeya
• Active Now

Jeeya
paalis na kamiii

Jeeya
teka naligaw pa kami ni kuya, imbes na sa kaliwa kami lumiko sa kanan kami napunta

Jisung
sabi sa iyo dapat di ka na pumunta dito

Jisung
sorry late reply,,, di ko dinala cellphone kanina

Jeeya
hahaha ayos lang, kakamessage ko palang naman sa iyo eh

Jeeya
kamusta?

Jisung
medyo naiilang lang ako sa anak nung kaibigan ni mama,, pero ays na

Jisung
malapit na ba kayo? lalabas na ako

Jeeya
teka tanungin ko lang si kuya Chan

Jeeya
mga 5 minutes pa raw ata

Jisung
sige, lalabas na ako :>

Jeeya
okaaay •3•
-1 ❤

-

itinago ko ang phone sa bulsa ng shorts ko at nag tungo sa baba, sakto naman na kalalabas lang ni Kiara sa cr, dinaanan ko lang sya at lumabas.

di na ako nagpaalam pa kay mama dahil sa may gate lang naman ako mag hihintay.

nakatanggap ako kay Jeeya na malapit na sila, tinignan ko ang sarili ko sa refelction ng phone ko kung maayos ba ang muka ko.

pogi pa rin naman

matapos ang ilang saglit dumating na sila Jeeya, " namiss kita " bulong ko dito.

mahina siyang tumawa, " ako rin " bulong niya, teka yung puso ko-

kumalas kami sa yakap," pasok muna kayo " yaya ko sa kanila.

" wag na, tiyaka diba may bisita kayo? paki-hi nalang kay tita " nakangiting sabi ni Jeeya.

" huwag na baka idiretso mo pa sa kwarto mo si Jeeya " sabi ni Chan hyung, nakatanggap naman siya ng hampas mula kay Jeeya.

" nga pala, Jisung oh " iniabot ni Jeeya ang isang paperbag, tinanggap ko iyon at nag pasalamat.

" sigurado kayo? ayaw niyo pumasok? " tanong ko sa kanila.

tumango sila, " oo nga, sige na mauna na kami " paalam ni Jeeya.

napanguso ako, " agad? " tanong ko.

" muka kang aso, Jisung tigilan mo yang kakanguso mo " sabat ni Chan hyung.

" baka pagalitan kami nila mommy eh, tiyaka may bisita kayo oh " sagot niya, tumuro siya sa likuran ko, lumingon ako at nakita ko roon si Kiara na papunta sa akin.

" ah tawag ka ni tita " sabi niya, tumango ako bago siya bumalik sa loob.

tumingin ako kay Jeeya at ngumiti,
" una na kami " sabi niya.

niyakap ko si Jeeya at nag tanguhan naman kami ni Chan hyung tiyaka sila umalis, tinignan ko muna sila na makalayo bago ako pumasok sa loob.

-

close ¦ jisung √Where stories live. Discover now