My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
SIMULA...........
Nandito ako ngayon sa taas ng bayabas at nangunguha ng bunga dahil hinog na. Kasama ko ang aking kaibigan na si Bea at siya ang nagsasalo ng mga nakukuha Kong bayabas. Tinitinda namin ang mga nakukuha naming mga bayabas para naman magkaroon kami ng pera.
"Ang bagal mo naman Ylla, magtitinda pa tayo pagkatapos nito baka mamaya niyan wala ng bumili sa atin."
"Ikaw Kaya dito Bea, kanina pa ako kinakagat dito. Muntik pa ngang makagat ang pipaw ko dahil may pumasok". Mabuti na nga lang Hindi pa ako nakakahugas Kaya ayun nahilo ata sa amoy hahahaha( chour lang!!!!!).
"Hay naku, Dalian mo na at baka abutin pa Tayo ng Gabi sa pagtitinda."
Minadali ko na ang pagkuha ng mga bunga ng bayabas para makatinda na kami sa bayan. Masyado kasing atat si Bea akala mo naman siya Yung nangunguha. Alam niyo minsan naiinis na rin ako sa kanya dahil ako ng ako ang pinapaakyat niya sa puno ng bayabas tapos magrereklamo siya na ang bagal ko kumilos. Naku talaga, nanggigil na ako sa kanya!!!!!! ( Chour lang ulit)
Pero kahit papaano ay Mahal ko iyang beshywap ko na iyan kahit na lagi niya na lang ako pinapaakyat sa puno ng bayabas. Naglalakad na kami papunta sa bayan, walking distance lang naman yun. ( English yun!!!!! walking distance pero narinig ko Lang talaga yun sa pinapanood ko hahahaha para naman sosyal kahit na medyo kapos sa buhay). High school lang ang tinapos ko dahil nga Wala na rin kakayahan ang mga magulang ko na pagaralin ako sa kolehiyo.
Nagtapos ako sa Hindi Elementary School.( Opo, Tama po Kayo sa inyong nabasa hahahaha Hindi Elementary School ang pangalan ng aking school nung elementary. Nag high school naman ako sa Parang National High School. ( Opo, Tama na naman po Kayo sa inyong nabasa, Parang National High School ako nagaral ). Ewan ko ba Kung bakit ganun ang mga pangalan ng aking mga paaralan.
Marami rin naman akong natutunan sa aking School kahit na Hindi at Parang ang pangalan ng aking pinasukan na mga eskwelahan. Actually Paborito kong subject ang English Kaya lang mukhang ayaw naman sa akin ng English kaya Filipino na lang ang naging Paborito ko. Pumunta na kami sa bayan para maibenta na ang mga kinuha naming mga bayabas sa bukid. Mabuti na nga lang at wala yung may ari ng bukid kaya nakakakuha kami ng mga bunga ng bayabas pero kapag nandyan naku!!!!!! lang talaga!!! Baka kung ano pa ang gawin sa amin ng matandang kulubot na yun.
Pero alam niyo ba, marami ang nagsasabi na mga kabarangay naming chismosa na may lahi daw talaga silang madamot at masungit kaya ayun marami ang may ayaw sa kanya. Alam niyo naman kapag nasa probinisya marami talagang chismosa at chismoso sa mga paligid, syempre isa na ako dun hahahaha ( chour lang!!!!) Kaya laking pasalamat namin ni Bea dahil Wala Yung matandang kulobot na walang asawa. Alam niyo ba, sa totoo lang naaawa rin ako sa matandang kulobot na yun dahil wala siyang kasama kapag nagbabakasyon siya sa bahay niya dito sa probinsya.
"Bayabas!!!!!! Bili na Kayo!!!!!! Mura lang po at bagong pitas pa sa aming bakuran!!!!!!!". Sigaw ni Bea, akala niyo naman talaga sa bakuran nila kinuha eh kumupit Lang naman kami sa bakuran ni matandang kulubot.
"Bili na po kayo!!!!! Mura lang po, Kaya bili na po Kayo!!!".
"Ano ba yan Ylla!!!! Ayan na nga ba sinasabi ko eh, antagal ko kasing manguha ng bayabas eh, Kaya ayan matumal ang benta natin ngayon." Nakasimangot na Sabi niya at animong tinatamad ng maglakad.
"Eh di Sana ikaw ang umakyat sa bayabas para naman malaman mo Kung gaano kasakit makagat ng mga langgam."
"Ako pa talaga may kasalanan ngayon?".
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
RomanceSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...