Chapter Three

83 2 0
                                    

My Innocent Girl
By
Nolvsterss


PARK SERIES 1:

Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)

Matapos maglinis ay nagpahinga lang kami saglit, habang nagpapahinga kami sa sari sarili naming mga kwarto ay biglang nagsalita si mananga Goreng Kaya agad agad kaming bumangon, pinapunta niya kami sa Sala dahil nandyan na daw ang dalawa pa naming mga amo. Naabutan ko ang isang lalaki na preskong nakaupo sa upuan na malambot at ang batang lalaki na nakahiga naman sa kabilang mahabang malambot na kama. Malamang si sir Hilton at Hannon na ang mga Ito, halos Hindi talaga magkalayo ang mga mukha nilang magkakapatid dahil kapag naka talikod si sir Hilton ay mapagkakamalan mo talaga siyang si sir Harvey.

"Hello sir, may gusto po ba kayong kainin?." Tanong ni Ethyl kay sir Hilton habang nanonood naman silang dalawang magkapatid sa Telebisyon na pagkalaki laki na nakadikit sa pader.

"Do you want anything Hannon?." Baling nito sa kapatid niya na Hindi la rin sinusulyapan si Ethyl Kaya maging ako ay hindi niya napansin.

"Uhmmm, I want cookies, brownies and buko shake." Sagot naman ng kapatid nito. Hindi naman ako naabisuhan na Inglisero silang magkakapatid mukhang mahihirapan akong makipagusap sa kanila at mukhang magaaral talaga ako ng Ingles. Hay naku naman!!!!!! ( Chour Lang!!!! Hihihi).

"Kayo po sir, may gusto po ba Kayo?." Tanong naman ni Ethyl kay Sir Hilton.

"Same to Hannon also." Sagot ni Sir Hilton. Aalis na sana kami ng bigla kaming tawagin ni sir Hilton kaya napatigil ulit kami sa paglalakad. Nakatingin na sa akin si sir Hilton mukhang nagandahan din sa akin hihihihi ( chour Lang ulit!!!!!).

"Yes sir? May gusto pa bo kayo?." Tanong ulit ni Ethyl pero Hindi siya sinagot nito dahil mukhang namamangha pa rin sa aking kagandahan ( chour Lang!!!!!! Hihihi).

"So, we have new maid? What's your name?." Naku!!! Patay na, Hindi ko alam isasagot ko!!!!!. Bakit ba kasi purong Ingles silang magsalita!!!.

"Ethyl, ano Sabi ni sir????." Bulong ko Kay Ethyl habang nakangiti Kay Sir Hilton.

"Ano daw pangalan mo." Pabulong niya namang sagot Kaya nakahinga ako ng maluwag dahil mabuti na lang talaga kasama ko si Ethyl.

"Ako po si Ylla sir." Masaya kong bati at ngumiti naman siya.

"Ano pa po ang gusto niyo sir?." Tanong ni Ethyl dahil Hindi na maalis sa akin ang tingin ni sir Hilton dahil mukhang namamangha talaga siya sa angking ganda ko. ( Charotismmm!!!! Para maiba naman hahahaha).

"Ahhh, water?, yeah, I want water also."

"Okay sir, kukuha na po kami."

Pumunta na kami sa kusina at kinuha ang mga gusto nila, pagkaalis namin kanina ay Hindi pa rin naalis ang paningin sa akin ni Sir Hilton. Kumuha kami ng mga gusto nila sa dalawang pinto na mukha ring aparador na may ilaw sa loob????? Namamangha akong tignan ang aparador na yun dahil andaming pagkain ang nakalagay dito. Kakaiba talaga ang mga gamit nila dito sa Maynila. Pagkatapos naming kuhanin lahat ng mga gusto nila ay Hinatid na ulit namin kila Sir Hilton at Hannon.

Abala silang magkapatid na nanonood sa Telebisyon na nakadikit sa pader. Nang maramdaman ni sir Hilton na nandito na kami sa Sala ay tumingin na naman siya sa aking magandang mukha( Charotism!!!!!! Hihihihi). Nagiwas na ako ng tingin dahil naiirita ako sa malagkit niyang paningin sa akin. Nilapag na namin ang mga pagkain na kanilang gusto at agad naman kumuha ang nakababata niya kapatid, mukhang nagutom ito galing sa eskwelahan. Si sir Hilton naman ay hindi pa rin iniiwas sa akin ang kanyang paningin habang nilalagay ko naman ang kanilang inumin sa lamesa.

My Innocent Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon