Chapter Two

114 2 0
                                    

My Innocent Girl
By
Nolvsterss


PARK SERIES 1:

Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)

Pagkabukas ng gate ng palasyo ay este bahay, mas lalong nanlaki ang aking mga mata sobrang ganda at sobrang laki ng bahay kung bahay pa ba itong matatawag. Noon sa telebisyon ko lang nakikita ang ganitong klase ng bahay ngayon nasa harap ko na at totoong totoo. May mga puno at sobrang linis ng paligid, wala na akong masabi pa kaya natutulala akong tumingin sa bahay.

"Nandito na tayo Ylla." Biglang sabi ni kuya Nicolas at bumaba na siya sa sasakyan na may mahika.

"Si-sigurado ka ba kuya???." Animong Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. "Di-dito ako magtatrabaho???."

"Oo bakit? Ayaw mo na ba?."

"Ah Hindi, hindi, Hindi lang ako makapaniwala na totoo palang may ganito kalaking bahay."

"So ano, magchichismisan na lang kayo diyan?." Tanong ng isang medyo matanda na masungit kong titignan. "Ikaw ba yung sinasabi ni Lettie na magiging kasambahay?". Baling sa akin ng matandang masungit.

"Ah, si Manang Goreng pala ylla ang mayordoma ng mga kasamabahay dito sa mansyon." Pagpapakilala ni kuya Nicolas sa matandang masungit na nagngangalang Goreng kaya bahagya akong natawa sa pangalan niya hihihi.

"May nakakatawa ba sa sinabi ni Nicolas?." Tanong sa akin ni manang Goreng kaya tumigil agad ako sa pagtawa.

"Ah wala po, kinagagalak ko po kayong makikilala manang Goreng." Sabi ko na nagpipigil ng tawa matapos kung sabihin ang kanyang pangalan.

"Oh ano pang hinihintay mo!? Pasko!?." Masungit na tanong niya. "Kunin mo na ang mga gamit mo at para makapasok na tayo sa loob ng mansyon." Utos sa akin ni manang Goreng Kaya agad agad kong kinuha ang mga gamit ko sa sasakyan.

Pumasok na kami sa mansyon daw Kung tawagin nila manang Goreng, nang nasa tapat na kami ng pintuan na pagkalaki laki ay bigla rin itong bumukas kaya namamangha na naman akong igala ang aking paningin. Nang makapasok na kami ay agad kong inilibot ang aking paningin, marami ang nagkalat na nakasabit na mga larawan ng mga lalaki. Mayroon din silang litrato na magkakasama, halos lahat sila ay may hitsura dahil na rin marahil sa kanilang lahi. May lahing koreano daw ang mga magiging amo ko.

Nandito na kami ngayon sa isang kwarto at pinapaliwanag na sa akin ni manang Goreng ang mga Gagawin ko dito sa mansyon, mayroon akong isang pagsisilbihan na isa sa mga anak ng mga amo namin. Kung may kailangan naman ang iba pang anak ng mga amo namin ay responsibilidad ko rin silang pagsilbihan. Matapos ang mahabang pagpapaliwanag sa akin ni
Manang Goreng ay umalis na siya at nagumpisa naman na akong ayusin ang aking mga gamit at ang isusuot Kong uniporme.

"Hola!!!!! byola!!!! kasirola!!!!!!." Biglang may pumasok sa aking kwarto kaya napasigaw ako at muntik pang maitapon ang hawak kong damit.

"Ay kabayo!!!."

"Grabe ka naman, mukha ba akong kabayo?." Sabi ng nang gulat na babae sa akin.

"Sorry, nagulat Lang kasi ako eh."

"Naku okay Lang Yun, by the way welcome!!!!! Sa Park Village na pagmamayari ng mga Park!!!!."

"Salamat sa mainit na pagtanggap sa akin." Sagot ko naman.

"Ay ako nga pala si Ethyl." Sabay lahad niya ng kamay Kaya agad ko naman itong tinanggap.

"Ako naman si Ylla." Pagpapakilala ko sa sarili ko.

My Innocent Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon