Chapter Eighteen

45 0 0
                                    

My Innocent Girl
By
Nolvsterss


PARK SERIES 1:

Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)

Leisure time

"Ylla.......... magbihis ka." Utos sa akin ni sir Harleyson kaya nagulat ako sa kanyang sinabi. Sabado ngayon kaya wala silang pasok. Nagtataka at nagugulat akong tumingin sa kanya.
Napansin ko lang na halos nagiba na ang ugali ni sir Harleyson simula ng napagusapan namin ang tungkol sa kanyang ex girlfriend, Hindi na siya masungit, mainitin ang ulo Basta ibang iba na siya kumpara ngayon kaysa noon.

"Para saan po sir??." Taka Kong tanong sa kanya, sa totoo lang Hindi naman na bago sa akin ang ganito dahil minsan sinasama rin nila ako kapag may pupuntahan silang magkakapamilya dahil na rin para daw mabantayan ko si Hannon.

"Basta......... magbihis ka ng magandang damit and magayos ka rin ng sarili mo." Hindi ko alam kung bakit iba ang ngiti ni sir sa akin ng sabihin niya Yun, Hindi ko alam kung nagiimahinasyon lang ba ako o hindi?. Ano bang meron at bakit pinagbibihis niya ako ng maganda at pinagaayos pa??, Eh Hindi naman ako marunong magayos.

"May pupuntahan po ba tayo sir?? Pero may trabaho po ako ngayon?."

"Yes............sinabi ko na Kay Manang na may pupuntahan tayo Kaya don't worry about it." Ayun lang ang Sabi niya pero Hindi pa rin natatanggal ang kanyang mga ngiti. Umalis na siya at aakyat na Sana sa kanyang kwarto ng bigla siyang tumigil matapos makailang hakbang. "Magbihis ka na at magbibihis na rin ako."

"Okay po sir." Takang taka akong sinundan siya ng tingin at ng tuluyan na siyang mawala sa aking paningin ay tulala pa rin ako at parang hindi ako makapaniwala sa sitwasyong Ito.
Tayo????? Ibig sabihin kaming dalawa lang ang aalis???, Saan naman kami pupunta??. Hinanap ko na si ethyl para magpatulong sa kanya ng Kung ano ang isusuot ko. Habang naglalakad ako para hanapin si ethyl ay nakasalubong ko naman si Hilton.

"Ylla........may hinahanap ka?."

"Ahhhh, oo hinahanap ko si ethyl, nakita mo ba siya?."

"Nasa garden ata sila."

"Ahhh salamat, may pupuntahan ka?? Bakit Parang bihis na bihis ka naman ata??."

"Ahhh yeah, may pupuntahan ako."

"Ah ganun ba?, Magiingat ka Hilton."

"Thank you ylla."

Ngumiti na Lang ako at akmang aalis na sana para puntahan na si ethyl sa garden pero tinawag ulit ako ni Hilton Kaya napatigil ulit ako sa paglalakad.

"Ylla........." Lumingon naman ako sa kanya matapos niyang banggitin ang aking pangalan.

"Hilton.... bakit?."

"Maghihintay ako sayo hanggang sa maging handa ka na." Nakangiti niyang sinabi Kaya nagulat ako sa kanyang sinabi. Hindi ko alam Kung ano ang sasabihin ko sa kanya, sa totoo lang sa nagdaang mga araw, linggo at buwan ay mas lalo talagang pinapakita sa akin ni Hilton na seryoso talaga siya sa kanyang sinabi. Ramdam ko na totoo siya pero ayaw ko siyang paasahin na Kaya Kong masuklian ang pinapakita niya sa akin pero wala akong magawa na patigilin siya sa kanyang ginagawa dahil kahit papaano at paunti unti ay Parang may tumutulak sa akin na pagbigyan talaga siya. Pero bakit ganun????,parang may iba na rin akong nararamdaman kay sir Harleyson???.

"Ah sige, hahanapin ko na si ethyl Hilton, magiingat ka sa iyong pagalis." Dali dali na akong nagtungo sa garden at hinanap si ethyl at ayun siya kasama niya si Hannon sa may upuan.

My Innocent Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon