Harleyson and Ylla

89 2 0
                                    

My Innocent Girl
By
Nolvsterss


PARK SERIES 1:

Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)

Last Part Hihihihi

Kinaumagahan ay nagising ako sa init na aking nadarama sa bandang paa, pasikat na ang araw at ng tuluyan na akong bumangon ay hinanap agad ng aking paningin si Harleyson pero wala na siya sa kanyang kama. Marami kaming pinagkwentuhan kagabi Kaya anong oras na rin kami nakatulog. Nang tignan ko ang orasan ay alas siyete na pala Kaya tumayo na ako sa aking higaan at agad na hinanap si Harleyson. Kumatok ako sa Banyo pero mukhang walang tao Kaya nagtungo ako sa veranda dahil baka nandito siya pero Wala akong nakitang Harleyson kahit na anino.

"Saan Kaya nagpunta Yun?." Bulong na tanong ko sa aking sarili, habang nagiisip ako ay nakatingin ako sa napakagandang tanawin, kulay asul na tubig dagat na animong sinasayaw. Habang abala ako sa pagtanaw sa dagat ay naramdaman kong bumukas ang pinto ng aming kwarto Kaya agad akong napatingin dun.

"Good morning babe." Nakangiting Sabi sa akin ni Harleyson. Tila nanibago ako sa kanyang tawag sa akin, ang sarap pakinggan ng boses niya lalo na ng banggitin niya ang huling salita. Para bang isang kanta na kaysarap pakinggan na kahit paulit ulit ay hindi mo pagsasawaan. Ginantihan ko naman siya ng ngiti at agad akong naglakad papunta sa kanya para matulungan siya dahil marami siyang dala.

"Ako na........, I can handle this on my own. Upo ka na lang diyan." Pigil niya sa akmang pagkuha ko ng ibang dala niya.

"Madami yan Kaya okay lang sa akin."

"Please.....babe......ako na." Ayun na naman ang bagong Pagtawag niya sa akin na tila nagpapakilig sa akin hihihihi. Ane be yen!!!!!!! kinikilig ako hihihihi. Wala na akong nagawa pa at hinayaan ko na lang siya na ilapag ang kanyang mga dala. Matapos nun ay masaya kaming nagsalo sa dala niyang umagahan. Lumabas kami at naglakad, lakad habang magkahawak ang mga kamay. Sobrang saya ko dahil ngayon ko lang naranasan ang ganito, Hindi ko pinangarap ang ganito dahil ang Sabi ko sa aking sarili ay Kung Sino man magmahal sa akin kahit na ano pang estado ko sa buhay ay mamahalin ko at mukhang umayon naman ang tadhana sa akin, Hindi nga lang umayon eh, sumubra pa hihihihi dahil pinakilala niya sa akin ang lalaking kahawak ko ngayon at crush ko lang noon na ngayon ay kasintahan ko na.

Kinahapunan ay naglakad lakad muli kami sa gilid ng dalampasigan. Ang ganda lang pakinggan ng Alon Ng dagat na payapa at sinamahan pa ng papalubok na araw. Sa di kalayuan ay may naririnig akong ingay na tila ba isang mini concert kaya inaya ko si Harleyson na pumunta at Hindi nga ako nagkamali dahil nang makarating kami ay may kumakanta at sakto lang ang dami ng tao. Para bang isang Banda na tumutugtog lang para sa mga taong manonood, umupo kami ni Harleyson at nakinig lang sa napakagandang mga tugtugin. Maya maya pa ay nagsalita ang isang babae at may tinanong.

"May marunong bang kumanta diyan???, Baka naman po Kung pwede eh pumunta rito para makikanta sa amin." Masayang tanong ng babae at tumingin naman sa akin si Harleyson na sobra ang ngiti.

"Here!!!!, My girlfriend!!!." Taas niya ng kamay Kaya nagulat ako Kaya tinapik ko ang kanyang kamay na nakataas.

"Oh!!! Wow, pwede po bang pumunta rito ang girlfriend ng napakagwapong nagtaas ng kamay??."

"Ano ka ba Harleyson???, Anong sinasabi mo???." Bulong ko sa kanya at ngayon ay nakatingin na sa amin ang mga taong kapwa naming nanonood lang kanina.

"Come on babe......sing for me.." Sabi niya sa akin at tumayo na siya sabay hila sa akin. Sabay kaming pumunta sa ebtablado ni Harleyson, kitang Kita sa mga Mata ng mga tao na nandito ang kilig at tuwa Kaya bahagya naman akong nahiya.

My Innocent Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon