My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
Nandito na ako ngayon sa aming kwarto at patulog na rin pero hindi ako makatulog sa sinabi na yun ni Hilton sa akin. Bakit ba kasi sinabi niya yun sa akin????, Imposible!!!, Parang malabo naman yun!!! Siya magkakagusto??? Sa akin??? Hindi ako makapaniwala!!!!, Bahala siya sa buhay niya mukha lang naman siya na nagbibiro atsaka akala ko ba nagbago na siya??? Eh bakit may pasabi sabi siya ng ganun sa akin??. Naku lang Hilton!!!. Hindi mo ako maloloko......huwag ako Hindi ako marupok hihihihi. ( Chour Lang!!!!!! Hahahaha).
"Oh!!?? Anyare sayo te??, Bakit kinakamot mo ang ulo mo???." Tanong sa akin ni ethyl, kanina pa kasi ako Hindi mapakali kaya nakaupo lang ako sa aking higaan at nagiisip tungkol sa mga sinabi sa akin Hilton.
"Ahhhh.....ano kasi.......makati......oo Makati ang ulo ko hehehehe."
"Suyod suyod din kasi te!!!, Ayan tuloy nagkakakuto ka na hahahaha." Grabe naman!!??? Kuto agad???.
"Ah, hehehehe Kaya nga eh." Pag sang ayon ko na lang sa kanyang sinabi.
"Hindi ka pa ba matutulog?, Anong oras na??? Matulog ka na ylla."
"Oo..... matutulog na rin ako Maya maya."
"Ang bait talaga nila ma'am at sir no!??, Akalain mo yun....sa atin pinakain yung mga pagkain na hinanda natin sa kanila." Malamang ethyl..........may pagbibigyan pa ba sila nun?? Sa dami nun mauubos ba nila Yun??? Naku naman ethyl!!!!.
"Oo nga eh....ang bait nilang pareho. Alam mo ba ethyl ang buong akala ko talaga masungit, matapubre, mataas ang tingin sa sarili at mayabang si ma'am kanina pero nung makita ko siya.........grabe!!!!! Sobrang ganda......mabait........maalalahanin Basta lahat ng masasama na inisip ko kay ma'am ay kabaliktaran ng kanyang ugali.;
"Tama ka diyan.......napakabait talaga ng mom nung mga magkakapatid."
"Ang swerte talaga nila dahil nabiyayaan sila ng mga magulang na ganun."
"Kaya nga eh..........oh siya siya, matutulog na ako para maaga ang gising bukas."
"Sige, goodnight ethyl."
"Taray!!!!! May pagoodnight goodnight ka na ngayon ah hahahaha."
"Syempre natuto na rin ako ng Ingles kahit papaano Hihihihi."
"Mmmm....sige na goodnight. Matulog ka na rin."
Makalipas ang ilang saglit ay humiga na rin ako. Hindi na ako nagisip isip pa at pinikit ko na lang ang aking mga Mata hanggang sa dalawin na ako ng antok. Kinabukasan maaga kaming nagluto dahil maaga rin daw nagigising ang mag asawa na amo namin. Ilang saglit pa nga lang ay bumaba na rin sila at nagumpisa na kaming maghain ng kanilang kakainin sa lamesa. Pupuntahan daw nila at bibisitahin ang kanilang kompanya Kaya maaga pa lang ay nakaayos na sila. Uuwi rin sila pagkatapos nilang bisitahin ang kanilang kompanya pero kapag may kailangan gawin ay paparoon muna sila para gawin ang dapat na gawin. Ngiti agad ang bungad sa amin ng mag asawa kaya ngumiti rin kami sa kanila, Wala akong masabi sa kanila dahil para rin silang si sir Hanster, Itinuturing kaming pamilya. Nagumpisa na silang kumain at pagkatapos nun ay nagpaalam na sila at binilin na Kay manang ang kanilang mga anak.
"Manang Goreng.......ikaw na ang bahala sa mga anak namin huh. Don't starve them manang.....give all the food they want." Sabi ni Mrs. Park ng nasa labas na kami at pasakay na sa kotse Kaya binigay ko na ang kanyang bag dahil sa akin niya pinahawak ito kanina.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
रोमांसSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...