Chapter Twenty One

47 0 0
                                    

My Innocent Girl
By
Nolvsterss


PARK SERIES 1:

Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)

Confession

Magkadikit pa rin ang aming mga katawan ni sir Harleyson at kapwa kami nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam Kung paano ko nagawang makipagtitigan sa kanya ng ganun. Siya ang unang bumitaw sa tinginan namin at binitawan niya na rin ako.

"Bakit ka umiyak ylla???." Talagang hindi niya talaga ako titigilan.

"Tara na po sir baka gabihin pa po Tayo." Sabi ko sabay diretso na sa kabilang pinto ng sasakyan at ng akmang bubuksan na ay nakasara pala. Hay naku naman!!!!!! Ayun na sana ang drama ko eh!!!! Nandun na pero nasira pa sa lintek na pinto ng sasakyan na ito.

"Ylla...........answer me.." Sabi niya sa tono na naguutos at mukhang inis na siya ngayon Kaya inis akong bumaling  muli sa kanya.

"Ano po kasi........."

"Nakita Kita kanina na binigay mo yung pagkain sa bata, bakit Parang naiyak ka ng ibigay mo iyon?." Sabat ni sir Harleyson kaya gulat akong napatingin sa kanya. Nakita niyo naman pala nagtatanong pa kayo???, Hindi ko na talaga maintindihan pa si sir, yung pakiramdam na nakita niya na lahat ng pangyayari tapos nagtatanong pa, yung tatanungin niya ako na umiyak ba eh halata naman. Nakakaloko ka na sir ah!!!!!.

"May naalala lang po ako sir Kaya ako naiyak kanina." Sabi ko na lang at akmang bubuksan na sana ulit ang pinto Kaya lang naalala ko ay nakalock pa pala. "Sir......pwede po bang pakibukas na po ang pinto ng kotse niyo para makauwi na Tayo?." Pakiusap ko at may pinindot naman siya Kaya tumunog ang kanyang kotse. Nakita ko pa rin si sir Harleyson na nakatitig sa akin na animong may problema, binuksan ko na ang pinto ng kotse niya para makapasok na ng bigla ulit siyang nagsalita.

"Ylla............may sasabihin ako." Naantala na naman ang akma kong pagpasok sa kotse kaya tumingin ulit ako sa kanya. Nang makita ko ang mukha niya ay mukhang seryoso ang kanyang sasabihin. Hindi siya makatingin ng diretso sa aking mga mata ngayon. Ang kanyang paningin ay nakatuon lang sa pinto ng kanyang sasakyan.

"Ano po yun sir???." Taka ko namang tanong sa kanya.

"May gusto........ ako........sayo....." Nanlaki ang mga Mata ko sa kanyang sinabi. Anong sabi ni sir!!!!?????? Siya may gusto sa akin!!!!????, Totoo ba Ito??? Para akong nabingi sa kanyang sinabi at hindi agad nagproseso sa aking utak ang kanyang sinabi dahil hindi ito makapaniwala. "I know......hindi ka makapaniwala pero maging ako ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko sa tuwing nakikita Kita. You know what.... simula ng dumating ka sa amin ay parang nagbago ako bigla, yes...I admit na I'm being too harsh for you Kaya ko rin nagawa yung muntik ka na kitang tanggalin dahil pilit ko pa rin tinatanggi na Hindi pa rin Kita gusto."

Nakatulala lang ako sa kanya at nakikinig sa kanyang mga sinabi. Ibig bang sabihin nito ay may gusto na siya sa akin noon pa???, Paano?, Bakit???. Halos Hindi ko maigalaw ang aking katawan sa kinatatayuan ko ngayon. Parang may humaplos sa aking puso at ang haplos na yun ay Parang kiniliti iyon at sobrang sarap sa pakiramdam.

"Sir........" Halos Hindi na ako makapagsalita pa.

"Ylla, Now that I confess my feelings for you. Can I court you??." Sinabi niya yun sa tono na malumanay, malambing, napakasarap pakinggan ng tono na yun. Tila bagong bago sa aking pandinig ang pananalita niyang yun.

"Sir???, Wala po kaming court sa probinsya namin. Hindi po Kayo makakapaglaro Doon." Nahihiyang sabi ko dahil totoo naman wala kaming court ng basketball sa aming probinsya.

My Innocent Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon