My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
Hindi ko maintindihan si Hilton, bakit niya ako nagustahan??, Nahihibang na ba siya?? Ano na lang ang masasabi ng kanyang mga magulang?? Nagkagusto siya sa isang katulong na Gaya ko???. Puno ng tanong ang aking isip habang papunta ako sa kusina ng mansyon nila.
"Bakit ganyang ang mukha mo te??, Anyare sayo???, Para kang pinagsakluban ng langit at lupa??." Tanong sa akin ni ethyl ng makarating ako, abala siyang nagpupunas ng mga Plato at mga baso na sobra ang bigat.
"Ahhhh, ano......wala ito, may iniisip lang ako."
"Aysus.........lalaki yan no???, Ay taray!!!! Landi landi rin pag may time ah hahaha." Sabi niya Kaya nabigla ako sa kanyang sinabi. Paano niya nalaman na lalaki ang iniisip ko???. Masyado ba akong halata???.
"Hindi ah......ano ka ba???, Si nanay kasi tumawag ulit ang sabi niya kulang daw pinapadala ko." Pagpapalusot ko na lang sa kanya, pero Totoo naman din yun. Isa rin yun sa pinoproblema at iniisip ko.
"Ano!!???, Kulang pa pinapadala mo???, Ang laking halaga na Kaya Yun!!. Grabe naman iyang nanay mo!!." Gulat na gulat niyang Sabi na nanlalaki pa ang mga mata at ang butas ng kanyang ilong hihihi.
"Huy!!!! Ano ka ba??, Ang lakas ng bunganga mo ah." Pagsusuway ko sa kanya.
"Totoo naman te........malaki naman na yung perang pinapadala mo, kulang pa ba Yun???."
"Hayaan mo na.......okay lang sa akin yun, tutal naman yun naman talaga ang plano ko, ang mabigyan sila ng magandang pamumuhay."
"Ikaw bahala....."
Sinamahan ko na siya sa pagpupunas ng mga Plato at baso. Ilang minuto ang makalipas ay nakita ko ng bumaba si sir Hanster kaya agad kaming bumati sa kanya at ngumiti naman siya sa amin.
"Good morning sir."
"Magandang umaga po sir." Bati namin sa kanya.
"Good morning." Sagot naman niya.
"Maagang umalis Sina mom and dad??."
"Ah opo sir......maaga po sila umalis, ang Sabi pa nga po ni mom niyo ay Kung marami ang Gagawin sa inyong kompanya ay baka late daw pa sila makabalik." Sagot ko sa tanong niya.
"I see.......ylla, pakigising na nga si Hannon at Harvey. Silang dalawa na lang ang hindi pa gising. Sina Harleyson at Hilton kasi ay gising na."
"Sige po sir." Agad agad na akong pumunta sa itaas. Akala ko ba gising na si Hannon??? Naayos ko na nga ang kanyang higaan kanina eh, baka naman bumalik ulit sa pagtulog??. Una Kong pinuntahan ang kwarto ni Hannon at pagkabukas ko ng pinto ay ayun siya at nakahiga nga na naman.
"Hannon....... Hannon.......gising na, bumangon ka na diyan." Pagtawag ko sa kanya at napamulat naman agad siya ng Mata. Nagkusot pa siya ng mga Mata bago tuluyang umupo at tumingin sa akin.
"Good morning po ate ylla." Bati niya sa akin na humihikab hikab pa.
"Good morning din Hannon, akala ko ba gumising ka na kanina??, Eh bakit natulog ka ulit??."
"Inaantok pa kasi po ako kanina, Kaya nung lumabas kayo dito po sa kwarto ko ay humiga ulit po ako."
"Bumangon ka na diyan dahil pinapatawag ka na ng kuya Hanster mo, kakain na Kayo ng umagahan. Tara na." Pag aya ko sa kanya at agad naman siyang tumayo at sumunod na sa akin palabas ng kwarto niya.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
RomanceSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...