My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
Weird
🎶Di Kita pipilitin......🎶🎶 🎶 Sundin mo pang iyong damdamin...🎶🎶🎶 Hayaan na lang tumibok ang puso mo..........🎶🎶🎶🎶🎶 Para sa akin🎶🎶🎶..................... Para sa akin🎶🎶🎶🎶🎶........
Patuloy pa rin kami sa biyahe at matapos ang kanta ay napangiti na lang ako sa Hindi malamang dahilan. Hindi ko alam kung bakit Parang natatamaan ako sa liriko ng mga kanta, para bang tugmang tugma sa aking nararamdaman ngayon. Hayaan na lang tumibok ang puso mo para sa akin.......🎶🎶🎶🎶. Hindi ko alam Kung bakit yun ang pinaka tumagos sa akin, napatingin ako kay sir Harleyson at tinanong ko ang aking sarili. Posible bang magkagusto sa akin si sir Harleyson???? Mukhang malabo rin Parang Kay Hilton na magustuhan ko rin siya. Tutok pa rin si sir Harleyson sa kanyang pagmamaneho at ako naman ay tumitig na lang sa labas ng bintana ng sasakyan.
"Your voice is so Angelic ylla......." Biglang sabi niya Kaya napatingin ako sa kanya. Tutuok pa rin siya sa pagmamaneho ng sasakyan.
"Po??? Ano po yun sir??."
"Yung boses mo ay Parang anghel."
"Naku salamat po sir..." Nahihiya kong sabi sa kanya. Bakit ba parang naninibago ako ngayon Kay sir Harleyson. Alam ko na naging mabait na siya sa akin pero ngayon, nakakapagtaka lang ang pinapakita niya sa akin. "Ahhhh....sir, saan po ba tayo pupunta???." Taka Kong tanong.
"We're going to mall ylla."
"Mall???? Yung pinuntahan po natin nung nakaraan ng minsan mamili ng mga laruan si Hannon?."
"Yeah.....Doon nga."
"Bakit naman po sir???, May bibilhin po ba Kayo sir??."
"Yes....Kaya Kita sinama."
"Ahhhh, okay po."
Kaya naman pala sinama niya ako para may magbuhat ng mga pinamili niya. Gagawin pa akong kargador ni sir ha.... Hindi na bale tungkulin ko naman talaga ang pagsilbihan sila. Sana naman hindi mabibigat ang mga bibilhin ni sir na mga gamit niya. Pinagbihis pa ako ng maganda at disente ni ethyl, eh taga buhat lang naman ang gagawin ko. Sana Hindi na ako nagbihis ng ganito Kung alam ko lang Sana na pupunta kami sa mall upang mamili, halos hindi kasi ako gaano kakomportable sa aking suot pero kaunti lang naman.
Itinuon na lang namin ni sir Harleyson ang aming paningin sa daan. Hindi na ako nagtanong pa, patuloy pa rin naman ang tugtog dito sa sasakyan ni sir Harleyson Kaya Hindi ako masyadong naiinip. Ang kaso ay Ingles na ang kanta kaya Hindi na ako makasabay pa sa kanta, nakita ko naman si sir Harleyson na kumakanta ng mahina Kaya napangiti ako ng bahagya. Bakit ba siya napapangiti sa kinakanta niya???, Siguro may naalala Lang na masayang alaala sa kanta na pinapakinggan namin ngayon. Sinabayan na ni sir ang kanta at minsan naman ay lumilingon siya sa akin at napapangiti pa kaya kunwari akong nakatingin sa daan pero ang totoo ay nakikita ko siyang sumusulyap sa akin.
Matapos ang ilang minuto na pagbibiyahe ay narating na rin namin ang mall. Pinarada na ni sir ang sasakyan niya at agad na bumaba at nagulat ako ng siya mismo ang nagbukas ng pinto!!!. Napatingin pa ako sa kanya matapos niyang gawin yun at bumaba na lang din ako. Naglakad na kami papasok sa mall at bigla akong nailang dahil halos lahat ng madaan namin ni sir Harleyson ay napapatingin sa amin. Ano ba naman yan??? Bakit ba sila tumitingin sa amin?? Alam ko po na maganda ako hindi niyo na po kailangan pang sabihin hihihihi (chour lang hahahaha).
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
RomanceSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...