My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
Lumipas pa ang isang linggo at halos ganun din ang mga ginagawa ko dito sa mansyon ng mga Park. Linis dito, linis doon, linis sa kwarto ni Hannon at sa kwarto din ni sir sungit. Mas naging malapit rin sa akin si Hannon sa pagdaan ng mga araw, nakakwentuhan din namin si sir Hanster paminsan minsan dahil madalas Gabi na talaga siya umuwi. Si sir Harvey naman ay bumalik na din sa kompanya nila at halos sabay din silang umuwi ni sir sungit. May sari sarili silang kotse Kaya minsan nauunang umuwi si sir Harvey dahil nga may mga ibang Gagawin pa si sir sungit sa kompanya nila. Ako na rin ang nagaasikaso Kay Hannon pagpasok niya sa school niya, ako ang taga ayos ng baon, damit at mga gamit niya sa school. Si Hilton naman ay mas naging mabait pa sa akin, Ewan ko ba kung bakit????, Minsan may binibigay siyang bulaklak, minsan naman tsokolate at kung ano ano pa.
Nandito na kami ngayon sa aming kwarto at nagaayos na ng higaan namin. Lunes na ulit ngayon Kaya kailangan naming matulog ng maaga dahil maaga rin dapat ang gising namin bukas. Nagkwekwentuhan kami ni ethyl at maya maya pa ay napunta ang aming usapan kay sir Hilton.
"Hoy!!!!, Ylla..... Alam mo..... nakakahalata na ako Kay sir Hilton ah.... mukha type ka niya......"
"Ha!???, Paano mo naman nasabi????."
"Ano ka ba!????, Manhid ka ba???? May pabigay bigay pa ng mga tsokolate, bulaklak at Kung anek anek pa!!!, Anong tawag dun!!!?? Alay lang?? Ganun!???."
"Masyado ka lang talagang green minded ethyl."
"Wow!!!???, Taray!!!!! Green minded!!!, Englishera ka na gurl!??? Hahaha."
Hindi niyo na kasi itatanong, sa loob ng isang linggo na yun ay halos Gabi Gabi at kapag tuwing pahinga namin ay nagbabasa ako nung binigay sa akin na libro na tungkol sa english at tagalog hihihihi, Kaya kahit papaano ay may natutunan ako.
"Nabasa ko lang yun hihihihi, atsaka bakit totoo naman ah..... Green minded ka dahil binibigyan mo ng ibang kahulugan yung pagbibigay sa akin ni sir Hilton."
"Asus!!!!!........ Naku lang ylla.......Kapag yan si sir Hilton nanligaw sayo.... Patay ka talaga!!!."
"Bakit naman ako mamatay!???, Eh wala naman akong ginagawa ah."
"Hay naku naman talaga ylla!!!......., Ang ibig kong sabihin ay lagot....... Dahil alam mo naman na ang ugali ni sir Hilton Hindi ba???."
"Ano ka ba naman ethyl........ Malabong manligaw sa akin si Hilton no..... Atsaka ang Bata niya pa kaya..... Parang kapatid ko na nga Lang siya eh."
"Ylla....... Naniniwala ako sa kasabihan na Age doesn't matter....... Sabi nila Kapag kasi Mahal mo ang isang tao kahit na anong edad ang agwat niyo o kahit na malayo ang estado niyo sa buhay, Kung Mahal ka niya.... Mahal ka niya. Walang Bata, bata kapag dating sa pagmamahalan."
"Tignan mo Ito!!!!, Ang Sabi mo sa akin kanina ay malalagot ako kapag nanligaw sa akin si Hilton......... Ngayon naman ay may nalalaman ka pang age, age dosent matter na yan!!!."
"Doesn't Yun ylla!!!, Hindi dosent!!."
"Ganun na din yun......Basta ayun Yun!!!!, Ah.... Basta ako ethyl malabo talaga na magustuhan ako ni Hilton no!!!!!, Sadyang mabait lang talaga siya sa akin."
"Oh!!! Eh!!! Di ikaw na ang may korona!!!!. Oh Ayan te!!! Ipapasa ko na ang korona sayo." Sabi niya na animong may tinanggal sa ulo niya at kinabit sa akin kahit na wala naman. Minsan Parang baliw din itong si ethyl eh no!???.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
RomanceSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...