My Innocent Girl
By
Nolvsterss
PARK SERIES 1:Present My Innocent Girl ( ang babaeng inosente at walang alam chourrrrrr Lang!!!!!!!)
Natapos ang isang buwan na pagsisilbi ko sa manyson ng mga Park.
Mas naging mas malapit pa sa akin si Hannon dahil ako na ng ako ang kanyang hinahanap sa tuwing uuwi siya galing sa school. Masaya ako na kahit papaano ay nakasundo ko na ang isa sa mga anak ng mga park, nung una kasi ay sobra rin ang sungit ni Hannon sa akin Gaya ng kanyang kuya na ubod ng sungit na akala mo ay nireregla hihihihi. Medyo malapit na rin ang loob sa akin nina, sir Harvey at Hilton. Si sir Hanster naman ay Hindi pa rin nagbabago.....ubod pa rin siya ng bait. Halos hindi niya nga kami tinuturing na kasambahay dahil hindi niya rin kami hinahayaan sa pagkain. Ayaw niya kaming nagugutom at kapag may pasalubong siya na meryenda para sa mga kapatid niya ay mayroon ding nakalaan para sa amin. Wala talaga akong masasabi sa panganay ng mga park.Nandito ako ngayon sa may harden ng mansyon kasama si Hannon. Malapit kami sa may Sapa nila, ngayon lang ako nakakita ng bahay na may Sapa, nakakamangha din dahil kulay asul at sobrang linaw ng kanilang sapa. Sa amin kasi medyo lang dahil may mga naglalaba doon at marami rin ang naliligo. Pwede din ba kayang maglaba sa sapa nila?????, Ano sa tingin niyo?????, Nandito rin silang magkakapatid sa mansyon dahil wala silang mga pasok sa school at sa trabaho. Kasama namin ngayon si Hilton at sir Harvey dito sa kanilang harden, maya maya lang din ay nagaya ang kanyang mga kuya na lumangoy daw sa sapa.
"Hey..... Hannon, do you want to swim???." Tanong ni sir Harvey, agad ng tumayo si sir Harvey at dahan dahan na naglakad papunta sa sapa. Pagkarating niya sa may malapit sa sapa ay tinanggal niya na ang kanyang pang itaas na damit at tumalon na sa Sapa.
"I think....... I want to swim also." Sabi naman ni Hilton na agad agad na tumakbo at mabilisang inalis ang kanyang damit at naligo na rin.
"Kuya wait for me........" Sabi ni Hannon at tatakbo na Sana siya Kaya pinigilan ko siya dahil mukhang malalim ang kanilang sapa.
"Hoy....... Hannon sandali Lang."
"Why po?????, Ate ylla??."
"Baka mamaya niyan malalim ang inyong batis at baka malunod ka pa diyan."
"What?????, Batis?????, It's not batis ate ylla....... It's swimming pool."
"Ahhhh.............kahit na, Basta baka malalim pa diyan kahit na swimming pool pa yan..."
"Let's go Hannon!!!!." Pagtawag sa kanya ng nga kapatid kaya Hindi ko na rin siya napigilan at tumakbo na siya papunta sa kanyang mga kuya.
"Hannon!!!!!!!!, Baka malunod ka...... Hindi ka ata marunong lumangoy eh!!!."
Hindi ko na siya napigilan pa, at sumunod na siya sa kanyang mga kuya. Masaya silang nagtampisaw sa swimming pool na Kung tawagin nila. Nagbasaan sila na animong mga Bata rin Sina Hilton at sir Harvey. Marunong naman pala lumangoy si Hannon Kaya hinayaan lang nila itong tumalon sa sapa este swimming pool pala.
"Come po here ate ylla.....join us!!!."
"Ha!???, Itagalog mo na lang kaya, medyo Hindi ko narinig eh......" Pero Ang totoo po talaga ay Hindi ko talaga naintindihan Hihihihi. Sa loob ng isang buwan na pananatili ko dito ay Hindi pa rin ako masyadong bihasa sa Ingles, kapag minsan nga kapag kinakausap ako ni sir Sungit panay tango lang ako dahil masyadong malalim ang kanyang pagiingles tapos isama mo pa Sina Hilton at Hannon na baluktot kung magsalita naman ng tagalog.
"Ahhhh.........samahan po mo kami ate ylla, langoy ka na rin." Ulit ni Hannon sa kanyang sinabi Kaya naintindihan ko na. Gustuhin ko man lumangoy kasama sila ay nakakahiya naman sa ibang kasambahay dahil ako lumalangoy tapos sila nagtatrabaho. Sa totoo lang ay Hindi na si sir sungit ang pinagsisilbihan ko dahil si Hannon na ang bago kong pinagsisilbihan. Paminsan minsan may inuutos din sa akin si sir sungit.
BINABASA MO ANG
My Innocent Girl (Completed)
RomansaSi Ylla Gumamela ay isang probinsyana na mapapadpad sa isang pamilya na Kung saan matatagpuan niya ang lalaking Hindi niya inaakala na magpapatibok sa puso niya. Si Ylla ay inosente sa lahat ng bagay dahil nga isa siyang probinisyana at hanggang sa...