Ikaduwa

38 7 1
                                    

"FB3.. FB3 na talaga to. FB3 na. Final na talaga whoo! Hingang malalim! You can do this Neng, okay lang malate, wag lang absent hehe"

"Magandang umaga binibini"

"po? Di nyo po ako papagalitan ma'am?"

seryoso? Di siya tulad ng mala leon na Prof sa kabila? Luh astig ah. Araw-araw kaya ako magpalate hehe joke lang

"Halika't pumasok ka sa ating silid at ika'y magpakilala" mahinahon na tugon nito at nakangiti pa. Animo'y mabait naman khit papano.

"Hi! I am Alnhea Hermosa Bonaobra, 17! Proud and honor to represent BSED major in Social Studies!" kinabog ko na, first day lang magpapakilala eh

"Ah hehe maaari bang ika'y mag ayos ng iyong pananalita. Batid kong huli kang pumasok sa aking klase kung kaya't hindi mo narinig ang aking alituntunin ngunit nais ko sanang magpakilala ka muna ng maayos bago ko muling ilahad ang lahat ng iyon"

Sermon agad Neng ano ba yan. College kana, mature na dapat.

"Ah sige po ma'am sorry po. Magandang araw sa inyong lahat, ang ngalan ko po'y Alnhea Hermosa Bonaobra, labing-pitong taong gulang, taga Ibalong, Rawis po. BSED major in Social Studies."

"Makakaupo ka na binibini, salamat."

Umupo ako sa may gitna, ang natatanging bakanteng upuan. Katabi ko sa kaliwa lalaki, sa kanan babae. Mukhang pogi naman si kuya, mahingi nga ng number mamaya hehe. Medyo singkit, matangos ilong, makapal ang kilay, mapupulang labi, mabangoo ang-----

"Binibini!? Upo!" paktay nagalit yung Prof, sinisinghot singhot ko ba naman kasi si kuya ano ba yan huhu sori po

"Ako'y inyong magiging guro sa asignaturang Kasaysayan ng ating bansa. Philippine History kung tawagin. At dahil ito ang asignaturang hawak ko, marapat lamang na sumunod kayo sa mga alituntunin ko. Maestra ang tawag ninyo sa akin, hindi Prof at mas lalong hindi Ma'am. (sabay tingin sakin. Huhu) Binibini ang tawag sa lahat ng babae, Ginoo naman sa lalaki. Sa oras ng klase ko, walang magsasalita gamit ang anumang hiram na salita maliban sa Tagalog at Espanyol. At ang huli, kumilos ng naaayon sa tawag na binibini....at ginoo."






MAS nakakanosebleed ata ang tagalog kaysa english, para akong nawawalan ng dugo paunti-unti.

"Marhay na udto Alnhea!"

"Ah eh marhay na udto, bisto mo ako?"

"Haha KC nga pala, ako yung katabi mo sa upuan sa PH class natin"

Ano raw? PH class? Diba panghugas sa ano yun hehez taray ah, may klase na pala siya.



"Ahh oo ikaw nga, Neng nalang hehe"

"Sige, kumain ka na ba? Ba't mani lang yang hawak mo? Ano yan panghimagas?"

"Ah--eh eto? Ah oo panghimagas hehe gusto mo? Limang piso lang, yema? Polvoron meron din" pagsisinungaling ko. Sa totoo lang di naman talaga panghimagas, panghimasmas lang haha gutom na ako pero ang mahal pala ng pagkain sa canteen, kanin pa nga lang trenta na, eh yung ulam pa kaya?








MAGTATAKIP-SILIM na narito pa din ako sa library, mag tatatlong buwan na simula ng nagsimula ang pasukan. Pumasok ako bilang tagapaglinis dito sa library, pandagdag kita. Pareho kami ni KC, nagbabakasakaling makahanap ng jowaaa--ah este pera.

"Ms. Bonaobra"

"Yes Ma'am Mayen"

"Mahilig ka ba magbasa?"

"Magbasa? Opo ma'am. Kaya lang mahal po ang mga libro kung bibilhin, kaya kapag natungo na lang po ako dito sa library  nagbabasa, libre na, di-aircon pa hehe"

"haha ikaw talagang bata ka, may ibibigay sana akong aklat sayo, nais kong basahin mo ito."

"Talaga ma'am? Ano po bang libro iyan? Pag-ibig? Nakuu mukhang matatagalan bago ko maisauli sayo yan ma'am haha"

"Kapag ibinigay ko ito sayo, ikaw na ang nagmamay-ari nito Neng, hindi na ako."







ALAMAT ng Bulkang Mayon? Seryoso ba si Ma'am Mayen? Pambata to eh. Alam ko na tong kwentong to.

" Maganda si Daragang Magayon na tanging anak ni Don Makusog, madami syang manliligaw isa dun si Pagtuga, niregaluhan siya nito ng ginto,perlas at iba pang kayamanan, pero busted parin siya. Di tulad ni Ulap na mula sa katagalugan na talagang dun napaibig si Daragang Magayon, nang malapit na sila ikasal, dinakip ni Pagtuga si Don Makusog at sinabihan si Magayon na papatayin ang ama kung hindi siya rito magpapakasal, kahit labag sa kalooban ay pumayag ang dalaga. Ngunit nalaman ito ni Ulap at dali daling pumunta kay Pagtuga, napatay ni Ulap si Pagtuga, at ng ikakasal na si Ulap at Magayon ay may ligaw na palaso ang tumama sa likod ng dalaga at sinibat naman ng kawal ni Pagtuga si Ulap. Labis ang paghihinagpis ni Don Makusog kaya naghukay sya nang naghukay at doon inilibing si Daragang Magayon at si Ulap. Di nagtagal, may umusbong sa pinaglibingan nila at kinalaunan pa'y tinawag itong Mayong na ngayon ay Mayon na. Oh diba saulo ko pa--"

"Buang kana te? Igkahuron mo na sadiri mo oh! Mana sa baba sabi ni papa, makaon na kita"








ARAW ng Sabado, lako day...

"Pinangat! Pinangat kamo diyan! Masiramon mainiton a diyes pesos sana! Pinangat! Pinangat kamo jan!"

"Oh Ms. Bonaobra"

"Ay Ma'am Mayen hehe pinangat po"

"Haha sige dalawa, kumusta? Nabasa mo na ba yung libro?"

"Ah eh di pa po, pero alam ko naman po yung kwentong yun ma'am eh. Kailangan pa ba basahin ulit? Parang repeater na ako nun Ma'am"

"Haha nakung bata ka, kailangan Neng. K A I L A N G A N" may diin talaga yung 'kailangan'

"Pero bakit po?--"

"Ah eh basta malalaman mo rin, nga pala nais mo ba ng dagdag kita? May pageant sa na magaganap sa plasa, malapit na ang Magayon Festival, sali ka. Malay mo ikaw ang taguriang Daragang Magayon"

"Naku Ma'am ayokong masawi sa pag-ibig haha"

"Di naman nasawi sa pag-ibig si Magayon ah? Kasama pa nga niya si Ulap hanggang sa libingan"

"oh ayan ma'am inispoil mo na, di ko n babasahin sige ka haha"

"May mga bagay lang talagang mangyayari Neng, kahit di natin sukat akalaing mangyari, maghanda ka dahil malapit na..Ikaw ang dapat maging unang tagapangalaga ng libro, ang unang magbabasa nito"







       Hanudaw?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon