Ika-baynte

7 3 0
                                    

"Ate! Ate! Si Kuya Lucas at si Kuya Nube!" bigla akong napabangon sa hinigigaan ko ng narinig ko ang boses ni Shea na ngayon ay umiiyak na.

"Ba-bakit? A-anong nangyari?!"

Di ko na hinintay na makasagot pa ang kapatid ko, dali-dali na akong bumaba, kahit may mga panis n laway pa sa mukha ko hehe

Shocks! Nagsusuntukan si Nube at Lucas sa labas ng bahay! Nandun din si papa at Kc na nag-aawat sa kanila

"Bakit ba napakasarili mo Nube ha?!" mangiyak-ngiyak na boses ni Lucas, namumula din ang mata niya halatang nakainom na naman to.

Ilang araw ding hindi nagparamdam si Lucas matapos niyang makita na sinagot ko na noon si Nube.

"Hindi ako makasarili! Ang akin ay akin lang Lucas!" matapang na tugon ni Nube na ngayon ay may pasa na rin malapit sa bibig

"Hindi pa ba sapat yung nauna ha?! Bakit ba kahit kailan ay di mo ako mapagbigyan?! Ganon na ba talaga ako kasamang-tao sa paningin mo?!"

"Bakit ba kasi mo nalang tanggapin! Na kahit kailan, kahit saan.. Sa akin si Neng, sa akin siya at kahit kailan ay wala akong inaagaw sayo! Magpakalalaki ka naman minsan! Hindi kayang bilhin ng yaman mo ang puso ng isang babae!"

Magsusuntukan ulit sila nang inunahan ko na ang dalawa. Sinuntok ko si Lucas sa mukha, sinuntok ko din si Nube.

"Ayan ha! Gusto niyo magsuntukan edi san tinawag niyo na ako kanina pa! Mga echusera kayo! Ano bang pinagagawa niyo sa buhay niyo?! Ikaw Lucas, nilinaw ko namn sayo ang lahat diba?! Bakit di mo pa din matanggap?! Ikaw naman Nube, bakit di ka nalang nagtimpi jan gayong alam mo namang sayo lang ako---ay shocks ah basta magsitigil nga kayo! Para kayong bata!"

"Itong tatandaan mo Nube, di pa tayo tapos. Kung nagawa siya noon na ipaglaban, gagawin ko din ang lahat para muli siyang ipaglaban!" matapang na pagbabanta ni Lucas bago pinaharurot ang sasakyan niya.

Pumasok na kami sa loob pakatapos ng eskandalong ginawa ng dalawa sa bayan namin.

"Taray frenny lakas mo din pala manuntok!"

"Tigilan mo ako Kc naisstress ako lalo sayo"

"Iba pala pawers ng panis na laway at muta mo noh? Sama mo na pati morning breath, kaya ata napaalis mo si Lucas eh hha"

"Tse! Kumuha ka ng yelo at twalya dun, para naman may pakinabang ka kahit konti"

Inaalo na ni papa si Shea dun sa taas habang si Nube eto nasa sala parang ang lalim ng iniisip.

"Hoy Nube! Ano ba namang pumasok sa utak mo at pinatulan mo pa yun!?"

"Alam ko nmang mangyayari to eh"

"Alam mo naman na pala tapos pinush mo pa"

"Uwi na ako frenny yan na yung yelo"

"salamat KC"

"Akin na yang mukha mo, gagamutin natin"

"Pakatpos mo akong suntukin, gagamutin mo ako?"

"Haha oo nga noh? Sorry na ikaw din nman kasi eh, di nman ako mawawala sayo dapat hinayaan mo nalang si Lucas, lasing pa naman yun eh"

Nagulat ako ng seryosong tumingin sakin si Nube..

"Ano bang gusto mo? Ang hayaan kita o ang ipaglaban kita mula sa iba?"

Aba, may pawalk out ang lolo niyo!









"PINANGAT! pinangat kamo diyan! Diyes pesos sana! Pinangat!"

"Pst uy neng!"

"Oh tiya Dolor, pinangat tabi?"

"Sige apat, ika ha baad turutadtaod butog na tulak mong aki ka"

"Tiya man, hindi po. Hindi pa po hehe"

"Naku anak ng! Tumigil ka mawawalan kami ng pinangat pag nabuntis ka"

Hahaha! Kahit kailan talaga puro nalang pagbubuntis iniisip ni tiya Dolor. Daig pa ata ang kidlat sa pagcoconclude ng mga nangyayari.

Patuloy ko pang tinatahak ang daan patungo sa kanto, nang may biglang humintong sasakyan.

"Lucas?"

"Sakay"

"Aba! Di mo ba nakikitang nagtitinda ako?"

"I'll buy that all, sakay"

Parang ibang-iba na Lucas tong nasa harap ko ah, nawala yung maamo niyang mukha, para siya ngayong desperado na di mo maintindihan.

"Sorry" isang salita pa lang lumabas sa bibig niya pero di na din maawat ang mga luha niya—bagay na siya ding nagpapalambot ng puso ko.

"Lucas"

"Neng, I'm sorry. I just love you. I don't know, I really don't know what to do. The second I saw you with Nube's arm, para ng gumuho ang mundo ko"

"Lucas naman" wala akong ibang masabi, di ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya na di ko gustong nagkakaganyan siya. Pero pano ko gagawin yun na di ko nga din alam kung anong gagawin ko na di sila masasaktan ni Nube, pati ni Shea.

"Am I not enough? San ba ako nagkulang? Noon pa man ay hindi mo na ako nagawang piliin, hanggang ba naman ngayon, siya pa din? Hindi namn ako masamang tao. Handa naman akong ibigay ang lahat para sayo. Pero bakit? Bakit kahit kailan di mo man lang  tinuruan ang puso mong mahalin ako."

Pati ako di na din maawat sa pagluluha. Totoo naman eh, napakabait ni Lucas. Pero bakit nga ba hindi ko siya magawang mahalin? Siya yung naunang dumating sa buhay ko, pero bakit di ko siyang magawang ibigin?

Patawad Lucas, dahil di ko din alam ang mg kasagutan sa iyong mga katanungan.

"Neng" isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

Hinayaan ko nalng iyon spagkat naisip ko baka ito nlng talaga ang maibibigay ko para kahit konti ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Neng pakiusap" para na siyang bata na nagmamakaawa sa ina.

Durog na durog na ang puso ko sa tuwing nakikita ko siyang ganyan.

Gustuhin ko man ibaling ang pagtingin ko sa kaniya......

Pero paano si Nube? Paano ang taong mahal ko?





Paano ang puso ko?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon