Ikadisi-otso

8 3 0
                                    

NAGISING ako ng may naghihimas ng buhok ko, sa pagsimula ng araw na ito, nasilayan ko kaagad ang taong ninanais ng puso kong masilayan.

"Marhay na aga Hermosa ko" nakangiti niyang pagbati sabay halik sa noo ko. Parang ang sarap lang sa pakiramdam na gigising kang ganito ang bubungad saiyo. Isang umagang puno ng pagmamahal. Isang umagang alam mong magtatapos ng mapayapa.

"Marhay na aga man Nube ko" para nang mapupunit ang labi ko dito sa kakangiti, sa gwapo ba naman ng boypren ko sino ba nmang di mapapangiti dito?

"Mana! Makaon na kita" inalalayan niya ako patayo sa kama, siya na din ang nag-ayos ng hinigaan ko at hinayaan akong pagmasdan siya habang ginagawa niya ang mga bagay na dapat ako ang gumagawa.

Sinabi ko nman sa kanya na ako na ang bahala dun, pero masyado siyang mapilit. At dahil pag-aari niya na daw ako, hindi na daw ako dapat magpapagod pa dahil gagawin niya ang lahat para sakin. Echusera diba? Mag-aayos lang ng higaan, nakakapagod na? Pero sige bahala siya, magpapaka señorita muna ako dito. Haha

Sabay kaming bumaba sa hapag, nandoon na si Papa at Shea na nakaupo sa mesa.

Tinapa, itlog, prinitong talong, sinangag at toyong may calamansi, sili at kamatis ang pang-almusal namin ngayon. Paniguradong si Nube ang nagluto nito. Mas masarap talaga mamuhay sa probinsya. Mula sa pagsikat ng umaga, kakainin mo'y sariwang-sariwa na.

Umupo sa tabi ko sa Nube—bagay na di ko nakagawian, dahil si Shea ang palagi niyang katabi kapag kakain kami dito sa hapag. Si Shea nakaupo sa tapat ko at walang katabi, sa dulo ng mesa si papa at dito sa kami sa kabilang tabi ni Nube.

Matapos magdasal, nilagyan na ni Nube ng sinangag ang plato ko, pati na ang tinapa, itlog at prinitong talong. Inilapit din sa akin ang sawsawan na toyo na may calamansi,sili at kamatis. Nilagyan niya din ng tubig ang baso ko sa tabi ng kape ko.

Nakita ko kung pano tingnan ni Shea ang lahat ng ginagawa ni Nube sa akin—bagay na sa kanya noon ginagawa ni Nube.

Matapos mabigay ni Nube lahat ng gusto niyang ipakain sa akin, pumunta siya sa gawi ni Shea para sana lagyan din ng pagkain ang plato ng kapatid ko.

"A-ako na po kuya.. Salamat po" habang sinasabi to ni Shea, sa akin siya nakatingin, di ko mawari kung naiiyak siya o nagagalit sakin.

"Oh sige ikaw ang bahala Shea, big girl ka naman na ngayon" ginulo-gulo pa ni Nube ang buhok nito.

"Oh tara kain na" masiglang tugon ni papa. Alam kong ramdam niya din ang tensyon sa pagitan namin ngayon kaya niya nasabi iyon.


MATAPOS namin kumain, nangaso na si Nube, sumama na din si papa para man lang daw mag-aalalay. Kampante naman ako dahil alam kong makakaya ni Nube protektahan ang papa kaya hinayaan ko na. Saka alam ko ding maaari kong gamitin ang pagkakataon na ito para magkausap kami ni Shea. Nais kong ipaliwanag sa kanya na bata pa lamang siya at kahit na anong pilit niya ay hindi pwedeng maging kung ano niya si Nube dahil kapatid ang turing nito sa kanya.

Natapos na ako maghugas at nakita ko si Shea na nagbabasa sa salas. Hindi ko talaga alam kung papano ko kakausapin ang pinakamamahal kong kapatid, basta't alam ko lang kailangan.. Medyo dadahan-dahanin ko lang dahil nga bata to, may sakit pa at ako parin ang ate niya..di ko magugustuhang masaktan ko siya.

"Shea, kapatid ko"

Tiningnan niya lang ako saglit at nagpatuloy na siya sa pagbabasa.

"Shea, kausapin naman si ate oh" medyo naiiyak na ako ngayon dahil batid kong nasasaktan ko na nga ang kapatid ko.

Mga ilang segundo pa bago niya sinara ang aklat at tumingin sa akin. Base sa mga galaw niya hindi naman siya nagagalit, pero nasasaktan siya.

"Sabi mo mahal mo ako a-ate" boses bata nga ang kapatid ko.

"Mahal naman kita Shea ah, mahal na mahal"

"Bakit mo sasakit puso ko?" humagulhol na ang kapatid ko. Medyo natataranta ako dahil di siya pwedeng umiyak ng ganto.

"Shea shea..makinig ka sakin.. Mahal kita.. Ayokong nasasaktan ka. Pero shea bata ka pa naman diba, baka pagtanda mo makakakita ka din ng katulad kay kuya Nube. Shea, kapatid ko, mahal mo din naman si ate diba? Masaya naman si kuya Nube para kay ate, pakiusap..maging masaya ka na din para kay ate at kuya.. Di ko naman siya inaagaw sayo.pwede mo pa din siyang makasama kahit anong oras mo gusto, pero hayaan mo ding magsama at maging maligaya kami ni kuya Nube." alam kong kahit malalim ang mga pinagsasabi ko, alam kong maiintindihan niya ito dahil labis ang talinong angkin ni Shea mula pa nung batang-bata pa lamang siya.

Hindi ako kinibo ni Shea at nagpatuloy nalang sa pagbabasa. Wala na akong nagawa kundi ang hayaan na lamang siya.




Alas dos na ng hapon nakauwi sila papa at Nube, binigayan ko sila ng tuwalya pampunas sa mga pawis na nagsisipagtuluan sa kanilang katawan.

Hinalikan ako ni Nube sa noo, habang pakatapos ko magmano kay papa ay deri-deritso itong pumunta sa kinaroroonan ni Shea.

"Oh bakit malungkot ang bunso ko?"

"wala po papa"

"Wag ka na malungkot, ibibili na kita bukas ng manikang gustong-gusto mo"

"Wag na po papa, ayoko na po ng manika"

Alam kong medyo nagulat si papa sa sagot ni Shea. Alam ko kung pano niya kagusto ang manikang ganoon, kaya labis din itong pinagtrabahuhan ni papa. Pero ngayong maibibili na siya nito, ay bibigla niya nalang aayawan.




NANDITO kami sa bus ngayon papuntang Tabaco. Sabi ni Nube pupunta daw kami ngayon sa Mayon Skyline, sa Buang, Tabaco City. Di pa din ako nkakapunta dun pero feeling ko maganda dun, dahil lahat naman ng pinupuntahan namin ni Nube isang magadang alaala na kailanman ay hindi ko malilimutan.

"Nandito na tayo, Hermosa." inilahad na ni Nube ang palad niya para sa akin pababa ng bus.

Wala namang parke dito, pero ang sabi niya nandito na daw kami.. Asan ba ang Skyline dito?

"Pinagloloko mo ba ako Nube? San ba Skyline dito?"

"Haha bakit ko nman lolokohin ang girlfriend aber?" sabay kurot sa pisnge ko, dzuh haha

"Aakyat pa tayo papunta sa langit" sabay kindat.

Echusera! Yan na naman pakindat kindat nya eh.

HININGAL nga ako paakyat dito. Kaya naman pala Skyline, dahil aakyat ka talaga papuntang sky choss haha

Pero ang ganda sa pakiramdam na pakatapos mong umakyat ng pagkapagod-pagod, ngayon nandito ka at tila tanaw na tanaw mo na ang buong mundo.

Nahiram ko din ang camera kay KC kahapon kaya nakakuha kami ng magagandang litrato dito.

Kahit san talaga ako dalhin ni Nube, halos lahat ata magiging memorable sakin. Halos lahat ba naman kasi kitang-kita ang pinakaperpektong cone-shape ng Mayon.

"Hermosa, dun tayo oh!" turo nya dun sa parang bahay-bahay na bilog, ano ba tawag dun? Kiosk? Haha basta ganun

"Talikod ka muna mahal ko" ako namang si uto-uto tumalikod din

Sa sandaling paglingon ko, nakita ko siyang halos mamatay na kakatawa.

"Loko! Bakit ba?!" binatukan ko pa ang lokong to

"Ba't parang nung naging tayo, lahat ng sinasabi ko sinusunod mo? Hahahaha!"

"Loko! Aba malay ko bang pinagtitripan mo lang ako eh noh?"

"Sus mahal na mahal moko noh? Hahaha!"

"Feelingero!"

"Baket? Hindi ba?"

"Loko! Oo mahal kita! Pero slight lang hehe"


HALOS nilibot na namin ata ang buong lugar na to, ang saya lang.. Sa bawat segundong kasama ko tong lalaking to, para bang ito na ang pinakamasyang araw sa buhay ko.

Sa muli, humihiling ako..na sana'y wag ng matapos pa... Dahil sa sandaling matapos to, tila buhay ko ay siya ding matatapos..

Bathala, pakiusap..

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon