Ikabaynte-siyete

6 5 2
                                    

Ano bang dapat kong gawin? Ang sundin ang puso ko? O ang gawin ang mas nararapat para sa kapatid ko?

Ngayon ko lang rin muling nakasama si Nube, ngayon pa din ba ito muling ipagkakait sa akin ng tadhana?

San ba ako nagkulang? Umibig lang naman ako pero bakit padayon akong nasasaktan?

Wala ba akong karapatang maging masaya?



SINABI ko ang lahat kay Nube. Nagkita na din kami ni Lucas kahapon, ibinalik ko sa kaniya lahat ng binigay niya, yung kwintas, yung pulseras at lahat, para wala na siyang maisusumbat pa sa akin pagdating ng araw.

Sadyang napakabuti ni Nube. Dahil patuloy niya pa din akong iniintindi kahit na mas pinipili ko ang kapatid ko kaysa sa kaniya.

Hindi ko alam kung papano ko haharapin ang umaga na wala na naman siya.

Hindi ko alam kung papano muling bumangon mula sa bangungot na dinadanas ko ngayon.

Hindi ko alam kung paano ang magiging bukas ko—ngayong muli ko siyang hahayaang mawala.

Nagkausap na kami ni Shea, na kung maaari sana ay bigyan niya ako kahit isang linggo lang.. Isang linggo lang para muling makasama si Nube.

Pumayag naman siya kahit pa alam kong labag ito sa kalooban niya.

Ayokong masaktan si Shea. Oo mahal ko si Nube, pero mas mahal ko ang kapatid ko.

At mahirap malagay sa gitna ng taong parehong mahal mo.







NANDITO kami ngayon sa Lignon Hill—ang una namin noong pinuntahan ng magkasama.

"Nube! Zipline ulit tayo! Wag ka mag-alala, libre ko na ngayon!"

"Oo ba! Bakit hindi diba?" nais kong sulitin ang pitong araw... Ang pitong araw na magkasama pa kami ni Nube. Dahil alam ko na pakatapos nito, tapos na rin ang yugto ng buhay ko—ang pahina ng kwentong ito.

"Nube natatakot ako"

"Ngayon ka pa ba matatakot, ngayong hawak mo na muli ang mga kamay ko?"

"Echusero ka! Aahhhhhhhhhhh!!!!"

Sa muli.. Sa huling pagkakataon, magkasama at magkahawak-kamay kami ng lalaking inaasam-asam ko habang tinatahak namin ang himpapawid.

Isang napakagandang ala-ala kung ito'y babaunin.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang sandaling minsan ako nagmahal ng isang karakter sa libro.

Hinding-hindi ko pagsisisihan na minsan kong minahal ang lalaking kahawak-kamay ko ngayon—si Nube.

Matapos naming makapagzipline, ako na ang bumili ng kwek-kwek at palamig sa labas para makakain kami—bagay na minsan din naming ginawa noon.

"gusto mo pa ba muling makatawid doon?" tanong sa akin ni Nube habang nakaturo sa Hanging Bridge.

"Hahah! Tayo na!"


"hindi ba't takot kang tumawid dito?" may pag-aalinlangan niyang tanong.

"Ngayon pa ba ako matatakot Nube? Ngayong kasama na kita?" nakita ko kung papaano niya ikinubli ang mga ngiti sa kaniyang mga labi.

Nakuu Nube, kailanma'y hindi nakakapagtago ang mga mata...

"Hindi ba't s gitna ng tulay ding ito una mo akong hinagkan?"

"Bakit mo inaalam? Gusto mo pa din bang muling matikman?"

"Loko!----" di ko na natapos ang sasabihin ko ng masigla ng sinalubong ng labi ko ang labi niyang tila uhaw na uhaw na din ngayon sa ganitong eksena.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon