Ika-siyam

9 3 0
                                    

"Kumusta an saimong pagmati Candidate no.3 Kurab kurab ba o sisiw sana?"

Medyo kinakabahan nga ako sa totoo lang. Nandito ako ngayon sa entablado kung saan lahat ng mga mata ay saakin nakatingin, ako na ang sasalang sa final Q and A at hindi ako nakasisiguro kung masasagutan ko ba ng tama ang tanong na ibibigay sa akin.

"Ah hehe opo, me-medyo ig-k-kurab nga po..pero yakang-yaka! Hehe" tsk. Ano ba naman tong boses na to, paputol-putol. Concentrate Neng, kaya mo to! Kaya ng powers to!

"Alright! Maaari ka ng magbunot ng iyong magiging katanungan"

Kung yung boses ko kanina paputol-putol, to namang kamay ko ngayon nginginig-nginig. Ipinikit ko nalang ang mga mata ko saka bumunot ng isang kapirasong papel sa bowl of questions.

"At eto na nga ang katanungang napili ng ating dilag na pagkaganda-ganda.. Are you all ready?"

Isang tango nalang ang ibinigay ko sa emcee na kanina pa nagpapaligoy-ligoy, nasasabik na ako matapos to huhu

"Ang tanong.. bilang sarong daraga, kung ika mamumuot sa sarong sultiro, sisay ang iirogon mo, ang sultirong nainot mag-abot, o ang sultirong puso mo  an saiyang igpapatibok, nata?"

Hmm.. mukhang mahihirapan nga ako sagutin tong tanong na to, dahil ket kailan di ko pa naman din naranasan ang umibig.

Pero sino nga ba talaga ang dapat mahalin? Ang nauna o ang mahal mong talaga?


Huminga muna ako ng malalim bago ko kinuha ang mikropono sa kanyang mga kamay. Hindi ako tumingin sa mata ng kung sinong nakatingin sa akin at baka mamental block ako, mahirap na. Mamaya neto sabog ako sa social media.

"Bilang sarong daraga... Sakuyang pipilion ang sultirong sobra kong namumutan. Dahil lubos akong nagtutubod na ang pagkamoot ay bakong siring ning daralaganan, kung sain ang siyang naiinot ang siya ring nanggagana. Kung sakali mang malaag ako sa sitwasyong arog kaini, marapat lamang gayod na sunudon ang gusto kang puso ko, dahil padayon man akong nagtutubod na ang pagsunod sa puso pasiring sa tamang desisyon, ni minsan dae ini nasasala. Iyo man sana po, Alnhea Hermosa Bonaobra an sakong ngaran, daghang salamat po!"

Taray haha! Experiensado ba? Hahah! Daghang salamat sa mayon na siya ko lang tiningnan para makakuha ng kasagutan HAHA! Sinadya ko talagang lakasan ang pagbigkas ng pangalan ko sa huli para naman may impact HAHA medyo effective naman kase sa limang hurado, may tatlong napatayo at ang lahat ay napapalakpak sakin.



NANDITO kami ngayon sa back stage kung saan nagreretouch at nagbibihis ang lahat ng mga kandidata para sa final attire—long gown attire.

Medyo nakahinga hinga akong maluwag kasi eto talaga ang pinakafavorite kong part haha! Dito ko kasi iaaply ang "no sandal plan" haha syempre mahaba ang damit eh

"You look so beautiful Neng" pagcompliment sakin ni Lucas.

"In white?" HAHAHAHA mamamatay na ako dito sa kakatawa habang tong Lucas na to di mo maintindihan kung matatae ba o ano

"Uy! Ano ba? Di ka ba marunong mag appreciate ng joke?!" sabay tapik sa ulo, tulad din pala neto si Nube eh pwe!

"Ha? Was that a joke?"

Aba aba. Loko ah. Hindi. Seryoso ako. Oo, seryosong seryoso. Tsk.




"AND for the highlight of this night.. Are you now ready to witness our most beautiful,  most elegant and our most intelligent  Queen—our Daragang Magayon?!"

Masyado ng maingay at kabi-kabilang suportahan ang maririnig sa buong plaza. Napakalakas na ng hiyawan halos makabingi-bingi na rin. Nakita ko din sa baba ang paghahampas ni Kc sa kapatid kong si Shea habang hawak hawak naman ni Lucas ang isang cartolinang banner na gula-gulanit na, pati ang papa kong nasa wheelchair na hawak hawak ang kanyang de-keypad na telepono na nabili niya pa noong graduation ko nung highschool, ito ang ginagamit niya ngayon para makunan ako ng litrato. Nakita ko din si Tiya Dolor na siyang suki ko ng pinangat na may pagkachismosa din talaga, na siya ding isinisigaw ang pangalan ko. Nasa gilid naman si Ma'am Mayen na kanina pa hindi maalis ang mga braso niyang nakapulupot kay Maestra Diwani, na kahit hindi nila direktang sabihin ay narito sila para suportahan din ako sa mga oras na ito.

Di ko alam, pero tila ata bumaba na dito sa akin ang langit sa sobrang sayang nararamdaman ko, di pa man naaannounce kung sino ang panalo sa paligsahang ito, daig ko na ata ang Miss Universe sa ganda ngayong natatanaw ko ang bawat mahal ko sa buhay na buong puso akong sinusuportahan kahit pa alam nila kung hanggang saan lamang ang aking kakayanan pagdating sa ganitong bagay.

"A moment of silence please" muling pagsasalita ng emcee.

"And our Daragang Magayon 2015 is no other than..."

Pasuspense ni kuyang emcee..lahat kami kinakabahan.. maging ako ay nais ng maluha ngunit wala man lang kahit isang luhang pumapatak.

Teka? Wala si Nube? Di man niya lang ako titingnan ngayon sa itaas ng entablado?

Inilibot ko ang mga mata ko nagbabaka sakaling makita ko siya, pero halos nakita ko na ang lahat, tanging isang tao lang ang aking hinahanap, at sa katunayan ay hindi ko man lang  siya  nasilayan.



Hain ka, Nube?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon