Ikaanom

26 5 2
                                    

Papasok ako ngayon dito sa paaralan ng maalalang naiwan ko nga pala sa bahay ang project na pinaglamayan ko kagabi para ipasa sana ngayong araw! Naku naman. Ba't ngayon pa?

"Uy Neng kaaga aga ata problemado ka? Musta mani mo? Mani pa den ba?"

"Naku Kc wala ako sa mood makipaglokohan sayo ngayon, naiwan ko yung pinapapasa ni Maestra Diwani sa bahay ngayon!"

"Paktay! Kapangetan mo kasi pati ata susuotin mo mamaya sa rehearsal di mo din dala eh noh?"

Nakuu lagot.. Oo nga pati nga pala yung mga gamit nakalimutan ko ding madala sa kakabilis ko ng kilos papaalis sa bahay para lang di makausap ng matagal yung Nube na yun.. Ano ba yan...




"MAGANDANG umaga mga binibini at ginoo, ngayon ang araw na aking itinalaan upang ipasa ang iyong mga proyekto hinggil sa mga makasaysayang lugar na noon ay nagamit sa panahong Kastila. Nais kong isa isa kayong pumarito sa harapan at italakay ang iyong napiling lugar"

Paktay.. Pano ba ako mageexcuse neto? Himatay-himatayan? Sakit ulo? Sakit tiyan? Huhu ano bang klaseng araw to. Mukha akong highschool student na burara sa gamit.

"Uy Neng, tapos na si Aguilar, si Bendal na.. Susunod ka na Neng ano? Ano bang balak mo?"

"Kc naman. Ano bang idadrama ko jan sa unahan? Alangan namang mag explain ako ng walang maipapakitang mga larawa--"


"Magandang umaga po Maestra Diwani" lahat kami napatingin sa may pintuan. Echusera lahat ata ng babae sa room kasama na tong si Kc eh natameme kay Nube.. Ano bayan di naman nga kagwapuhan. Slight lang.

"Oh Ginoong Nube, ano ang iyong sadya?"

"Nais ko lamang pong ibigay kay Binibining Neng itong naiwan niyang mga gamit, sinabi po kasi ng kanyang itay na baka daw po kailanganin niya ito ngayong araw"

At tingnan mo nga naman. Dala niya lahat. Yung proyekto, yung mga damit at heels kong walang silbi, at isang pananghalian pa na may kasamang lalagyan ng tubig. Teka. Ano nya ba ako? Kapatid? Na pagadadalhan ng pagkain?  Naku naman wrong wrong wrong. College na ako uy.

"Mawalang galang na hijo ngunit sino ang iyong tinutukoy?" tanong ni Maestra Diwani. Oo nga pala, di pala neto alam ang totoong pangalan ko.

"Ah ako po ma'am!" tumayo na ako para di na masabi ni ma'am yung totoong pangalan ko at baka pakulamin pa ako neto. Kinuha ko agad lahat ng nasa kamay niya..pati yung pagkain at tubig syempre. Magpapakachoosy pa ba? Pratikalan lang dapat.

Mabilis akong bumalik sa aking upuan nang...

"Binibining Alnhea, hindi mo man lang ba papasalamatan si Ginoong Nube?"

Shocks. Ba't mo sinabi ma'am? Bad trip ka naman ma'am eh. Bad trip.

"Daghang Salamat Ginoo" pagpapasalamat ko na di man lang nakatingin sa kanya.


"NAKS frenny ampogi naman nung Nube na yun ah san mo naman yun nakilala?" echusera talaga kahit kailan tong si KC

"Ambot..sa daan siguro"

Naglalakad kami ngayon papunta sa plaza para sa GenRehearsal nung pageant nang...

"Anong ginagawa mo dito?!"

"Ah pasensya na. Ngunit bilin ng iyong ama na samahan kita hanggang sa makauwi ka"

"Naks Nube! Bodyguard ka na pala netong si Neng ah taray" pagsasabat sabat ni KC

"Nengg! Sorry I'm late, pinark ko pa kasi yung kotse ko dun---" sabay tingin kay Nube netong si Lucas.

Bago paman siya magtanong, inunahan ko na.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon