Ikabaynte-singko

5 5 0
                                    

Gumising ako ng maaga ngayon sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. Basta..parang merong nag uudyok sa akin na pumunta sa Cagsawa Ruins.

Sa totoo lang ayoko naman talaga. Ayokong balikan ang nakaraan. Pero para talaga akong hinihigop pabalik dito.

Nagkaron ako ng panaginip. Panaginip na di ko maintindihan kung ano. Hindi ko ito naaalala ng buo, basta't pagkagising ko na lamang, basang-basa na ang unan ko sa luha—bagay na ngayon lamang nangyari.

Biglang nagvibrate ang cellphone ko, siyang nakapukaw ng atensiyon ko.

JULY 03, 2026

Ngayon pala ang birthday ko. Ngayon din sana ang ikasampung anibersayo namin ni Nube.

Nagmadali akong mag-ayos at aakmang aalis na ng nakita ko si papa, si Shea at si Kc.

"Happy Birthday Neng!"
"Happy Birthday nak!"
"Happy Birthday Ate!"

Sabay-sabay nilang sambit. Lumapit ako sa kanila at hinagkan sila isa-isa. Bago ko din hipan ang kandila sa cake, may isa akong tanging kahilingan—kahit sa isang saglit..nais ko siyang mayakap muli. Kahit sa panaginip. Kahit sa alaala. Kahit hindi na sa totoong buhay pa.



HAPON na ng matapos ang selebrasyon namin sa bahay, sumakay na ako sa sasakyan ko dahil hindi ko nais tapusin ang araw na ito, na hindi ako pupunta doon—sa lugar kung saan kami nagsimula.

Isang napakalamig na hangin, isang maliwanag na buwan, pagkadami-daming bituin, mga nagsasayawang puno't bulaklak at ang tanging Bulkan lamang ang kasama kong naghihinagpis dito.

Muli kong pinakawalan ang mga luha ko—mga luhang pinilit kong itinago sa loob ng sampung taon. Mga luhang ikunubli ko sa likod ng mga matamis kong ngiti..at mga luhang kahit kailan ay inilaan ko lamang para sa kaniya.

"Nube! Kung narito ka man, pakiusap...yakapin mo akong muli.. Kailangan kita.. Kailangan kita Ulap ko."

Umupo ako malapit sa lumang simbahan. Di ko pa din matanggap. Bakit sa dina-dinaming tao sa mundo. Bakit sa isang taong di totoo ako nahumaling?

Bakit ako napa-ibig sa taong nabubuhay lamang sa loob ng libro?

Napakasakit.

Napakahirap.

Hindi at ayaw ko itong matanggap.

Hawak-hawak ko ngayon ang mirasol na bulaklak na binigay sa akin ni Nube nang minsan kaming mapadpad sa Lignon Hill.
May dala-dala din akong Bicol Express na binili ko sa daan kanina.

"Nube mahal ko, patawarin mo ako." hindi ko na maawat ang luha ko ngayon. Para nga akong hinigop papunta sa nakaraan.

Sampung taon na ang nakalipas, pero dito sa puso ko kailanman ay di ka kumupas.

"Mahal bumalik ka na saakin"

"Padayon takang minumotan Nube ko"

"Nakikihuron ako. Bathala....pakiusap.. Nais kong muling maranasan ang mga haplos ni Nube, nais ko siyang muling makasama. At sa pagkakataong ito ayoko nang muli pang mawalay sa kaniya"

Alam ko sa sarili ko na maayos na ang buhay namin ngayon. Lalo kami ni Shea.. Pero sa totoo lang hindi ako totoong masaya. Gustuhin ko mang muli siyang buhayin, bumili ako ng pagkadami-daming librong Alamat ni Daragang Magayon, pero wala pa rin akong Nubeng nakikita.

Ayoko sa iba. Ang puso ko'y nakakandado sa kaniya.

Papaano ko ba makakalimutan ang taong naging malaking bahagi ng buhay ko?

Tuluyan na nga bang namaalam sa akin si Nube?

Marahil kaya ako ganitong sobrang nasasaktan...dahil patuloy kong sinisisi ang sarili ko sa pagkawala niya. Hindi ko man gustuhin pero wala akong nagawa noon para mapigilan ang kaniyang pagkawala.

Hinayaan kong mawala ang taong minamahal ko ng hindi ko sinasadya.

Ano pang magagawa ng isang tulad ko? Isang tulad ko na nagmamahal ng isang karakter sa libro? Sa libro kung saan ito'y tinatawag na Alamat, alamat kung saan nagtapos sa isang kasawian.

Maging ako ba ay mananatili na lamang sa isang kwento? Sa isang kwento na kahit kailan ay hindi magiging totoo?






MAGHAHATING-GABI na nung umalis ako sa lugar na iyon.

Ipinangako ko sa sarili ko.. Na eto na.. Eto na ang huling oras na hahanap-hanapin ko siya. Ang oras na pag-aaksayahan ko pa siya ng panahon. At ang oras na magagawa pang lumuha ang mga mata ko para sa kaniya.

Iniwan ko ang lahat ng magkokonekta sa akin at sa kaniya sa lugar na iyon. Tama na.
Tama na ang kahibangan. Masakit... napakasakit.. Pero marahil ito'y sapat na. Ang sampung taon ay sapat na.. Panahon na para limutin ka. Panahon na para bitawan ka...bitawan ka, aking sinta..

Habang nasa daan ako, ay bigla nalang bumuhos ang ulan. Isang napakalakas na ulan ang bumalot sa paligid.. Animoy nakikidalamhati din sa lungkot na nararamdaman ko ngayon.

Sandali kong itinigil ang kotse dahil hindi na nito kayang labanan pa ang ulan, lalo't malalim na ang gabi.

Nag-isip isip na lang ako ng kung ano-anong bagay, kumain ng mga stock kong pagkain dito, at nagsound trip pa para naman may pampalipas oras. Sinubukan kong magbukas ng social media accounts, pero masyadong mahina ang signal at hindi nito kayang mag-access. Nasa may kakahuyan pa naman ako ngayon, hindi pa nakakarating sa sentro.

Habang pinaglalaruan ko ang aking telepono.. Tila ako may naririnig na iyak ng bata.

Bigla akong kinalibutan sa di maipaliwanag na dahilan. Maya-maya pa mas lalong lumakas ang iyak ng bata. Tila nadudurog nito ang puso ko..kaya't nagmadali akong kumuha ng payong at lumusong sa ulan habang hinahanap ang boses bata na iyon.

Tama nga ako. May bata ngang humihingi ng tulong. Batang nakabalot sa isang puting malinis na tela sa ibabaw ng isang makapal na libro.

Masyadong naging malakas ang pag-iyak ng bata kaya minabuti ko nang kargahin ito.. Napalingon-lingon pa ako sa paligid, nagbabakasakali na may tao man lang dito maliban sa amin, ngunit tila nagkamali ako at walang ibang tao dito kundi ako at ang bata lamang.

Tumigil ang bata sa pag-iyak na maramdaman niya ang init ng yakap ko, walang ibang kakaiba sa kaniya maliban sa nakaburda sa lampin na suot niya—Brume.

Hindi ko na ito pinansin dahil baka ito ang pangalan na nais ng kaniyang ina na itawag sa anak niya. Malakas ang kutob ko na baka isang kabataan lang ina niya at hindi niya ito kayang buhayin kaya iniwan na lamang dito.

Napailing-iling na lang ako sa aking sarili ng maisip ang ideyang iyon. Naisip ko din na ibigay nalang ito kay KC total wala pa naman silang anak ang abogado niyang asawa.

Pero tila yata mas napukaw ang atensyon ko sa librong kinapapatungan ng bata.

Ang Alamat.

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon