Ika-sampulo

8 3 0
                                    

"Congratulations.. because it's you and no other than you... Candidate..no... Three! Alnhea Hermosa Bonaobra!"

Gulat at halos di ako makagalaw ng tinawag ng emcee ang pangalan ko, naghahantay pa ako ng ilang segundo baka sakaling nagkamali lang siya, lalo pa't uso ngayon ang pamali-maling pagbanggit ng mga nananalo.

"Yes it's you our dearest Alnhea Hermosa Bonaobra" pag-uulit ng emcee na animo'y nabasa niya ang laman ng utak ko na hanggang ngayon ay hindi parin lubos na makapaniwala at  hindi parin nakakasiguro.

Naramdaman ko nalang na medyo tinulak ako ng konti ng ibang kandidata upang makahakbang ako ng konti papunta sa harap.

"Once again let us all give around of applause to our Daragang Magayon 2015, Ms. Alnhea Hermosa Bonaobra!"

Sabay sabay silang nagpalakpakan, at ang ilan ay medyo nadismaya dahil hindi ang knilang pambato ang nanalo.

Ibinigay sa akin ang isang boquet of roses, isang puting sobre, at ang koronang ipinatong sa aking ulo ng Ms. Daragang Magayon 2014.

Nakita ko kung pano napangiti ang lahat ng mga sumusuporta sa akin, ang papa't kapatid ko, si Kc na papatakbo papunta sakin, si Lucas na inaalalayan si papa paakyat sa entablado, si Maesta Diwani na nakakapit sa braso ni Ma'am Mayen na lumuluha na din ngayon at si Tiya Dolor na siyang unang nakaakyat dito at napabulong pa sakin ng "balato Neng ha" haha kahit kailan talaga, di mawawala ang eksena ni Tiya Dolor.

Nakamit ko man ang tagumpay, ni hindi ko man lang naramdaman ang kumpletong kasiyahan na hinahangad ng puso ko. Hindi ko man alam, hindi ko mabatid..ngunit bakit? Anong pagkukulang ba ang nais mapunuan nitong puso ko upang lubos na lumigaya.

"TARAY frenny! Dahil lubos akong nagtutubod na ang pagkamoot ay bakong siring daralaganan, kung sain ang naiinot ang siyang nanggana. Palakpakan!" Kanina pa to si Kc, halos naka isang daan na ata to kakaulit nung sinagot ko kanina sa contest, mula ng pagkababa namin sa stage hanggang dito sa bahay, ganyan ang pinagsasabi, nagmumukha siyang sirang plakang palaka.

"Pasok kayo Lucas, Madam, Maestra. Nagluto po si Nube ng ilang putahe para sa ating makakain" pangingimbita ni papa sa mga kasama namin upang makapagsalo-salo.

Wow. Di rin naman ako nainform, may cook nga pala kami dito. Tamang-tama, sobra na akong nagugutom. Mamaya nalang ako magpapalit ng damit, nais ko munang makakain.. mukhang napakasarap ng adobo ni Nube, sa pintuan palang kanina ay amoy na amoy ko na ang pagkadamidaming siling kanyang inilagay.

"DAHAN-dahan naman Neng, para ka ng bibitayin bukas oh!" Pagpuna sakin ni papa nang makita niya akong halos di na nginunguya ang lahat ng sinusubo ko.

Nakita ko pa kung pano ngumisi si Nube na mula knina pagdating ay di man lang ako kinakausap, ni hi ni hello wala.

NAKAUWI na sila Maestra Diwani at Ma'am Mayen, pati na din si Kc habang ito si Lucas , tila ata nababagot na sa kakahantay sa driver niya para madala yung kotse upang makauwi na. Si Nube naman ayun, di pa din ako kinakausap. Tinuturuan niya maghugas ng plato ang presentada kong kapatid na batang-bata pa eh baliw na baliw na sa kanya. Lalapitan ko sana sila, at papaakyatin na si Shea kaya lang ayoko namang ako ang magtapos ng hinuhugasan nila, aba pagmalalabis naman ata yun diba?

Sa halip si Lucas nalang ang aking nilapitan at animoy badtrip na badtrip na to sa tagal ba naman ng driver niya.

"Oh Lucas! Wag masyado kunot ang noo! Haha" tinapik tapik ko pa ang likod niya. Nakita kong napatingin sa amin si Nube, ngunit nang napagtanto niyang nginingisian ko lang siya, eh pinagpatuloy niya nalang ulit yung ginagawa nila ng kapatid kong mamamatay na sa kilig.

"Ah hindi naman ayos lang."

"Oh yan na pala oh! Congrats Lucas makakauwi ka na! Hahaha!"

"Thank you. Congratulations din Neng, here's my gift for you" sabay bigay sa akin ng isang maliit na box, at naglakad na din siya papalayo.

Loko! Kinakabahan tuloy ako. Echusera ka Neng di yan singsing ew!

Unti-unti kong binuksan ang box at nakita ang kwintas na may pendant na perlas.

Shocks! Ano ba nman to Lucas?! Bat perlas pa? Totoo kaya to? Shocks mukhang yayaman na ako neto.  Kinagat kagat ko pa yung perlas para malaman kung totoo ba to o hindi, pero mukhang oo totoo nga! Argghhhhhh! Lord eto na ba talaga ang susiii huhu

"Di mo dapat tinanggap yan" di naman boses galet pero mas seryoso ang mukha niya ngayon saka biglaang kinuha mula sa kamay ko ang kwintas na binigay ni Lucas sa akin. Paakyat na siya sa taas ng mapagtanto kong bakit niya nga ba yun ginawa? Gusto din nya ba yumaman? Wag syang mag alala, babalatohan ko naman sya eh

"Hoy Nube anuba! Ibalik mo nga sakin yan! Langit na nga, pinapalupa mo pa!"

"Di ka dapat tumatanggap ng ganito Neng!" Dama ko ang pagkainis niya, dahil napapapikit pa siya bago magsalita at lubusan akong harapin.

"At baket naman ha?" Nakapamewang na din ako ngayon, aba galit sya? Pwes ako din.

"Dahil.. wala basta dapat di ka tumatanggap ng ganito" bakas sa kanya na may nais siyang sabihin ngunit parang meron sa kanyang pumipigil para bigkasin ito, sa huli, napapapikit nalang siya sa inis 

"Pero bakit ngaa--" di pa ako tapos magsalita ng hinawakan niya ng madiin pero hindi na man masakit ang braso ko at bigla nalang niya akong niyakap sa hindi malamang dahilan.

"Dahil ayokong muli kang mapahamak, Neng. Ayoko. Hindi ko gusto"

Huh?

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon