Ika-dose

10 3 1
                                    

Nandito kami ni Shea at Nube sa kusina. Magluluto kami ngayon ng Bicol Express. Dapat kami lang naman ni Nube, pero dahil naisip ko na pwede ko tong pambawi ko kay Shea kaya hinayaan ko na.

"Kuya Nube ano po ito? Gatas po?" magalang na tanong ni Shea, buti pa kay Nube gumagalang to, pag saken parang matanda kung makipag-usap.

"Ah haha hindi, ang tawag diyan gata, yan yung katas ng piniga ko kaninang niyog, mukha siyang gatas ano?" magiliw na sagot ni Nube kay Shea, kinurot niya pa ang pisnge neto na animo'y nakukyutan siya sa bata. Sarap tuloy bigyan siya ng bata, ay juk haha

"Ano bang unang gagawin Nube?" ako naman ang nagtanong , sa katunayan wala talaga akong ibang alam na lutuin bukod sa pinangat, mani, yema at polvoron hehe.

"Pakuluan muna natin ang karne at maya-maya hahayaan natin siyang magmantika, para mas lalong malasa"

Pinakulan nga namin ang karne na sinasabi niya at pinamantika nila ito ni Shea, habang ako naman nandito sa gilid, pinapahiwa ang mga rekado—sibuyas, bawang at luya, inihanda ko na din pati ang paminta at mga sili, pagkadami-daming sili. Mahilig din kasi sa maanghang tong si Nube, ultimo adobo dapat sobra ding anghang.

"Niyan! Ganyan nga Shea, oh usog ka ng konti baka maabot ka ng mantika pag tumalsik yan sayo." nakatayo si Shea sa upuan para maabot ang kalan at maingat namn siyng inaalalayan ni Nube.

"Kuya mukhang masarap po ito" pangiti ngiti pa ang kapatid ko, sa sobrang inis ko, di ko na tinitingnan ang mga siling hinihiwa ko.

"Arayy!" napasigaw ako ng maramdaman kong humapdi yung daliri ko. Paktay! Ano ba naman kasi yan! Nahiwa ko ata ng konti yung daliri ko imbes na yung sili.

Agad akong nilapitan ni Nube at inalalayan ako papunta sa may drum para hugasan ang dumudugo kong daliri.

"sa susunod kasi Neng, kapag may hawak kang matalim, ituon mo ang atensyon mo doon, hindi sa kung anumang bagay. Matuto kang paglaanan ng pansin ang isang bagay lamang dahil hindi mo kakayanin ang pagsabayin ang dalawa."

Grabe naman kung mangaral to daig pa si papa. Di ko naman kasalanan na masyado siyang attached sa kapatid ko dzuh.

"Halika na, tuturuan kita magluto dun"

"Wag na! Kayo nlang ni Shea" aalis na dapat ako nang hinatak niya agad ang braso ko.

"Wag ka ng manibugho, kapatid mo lang naman yun"

"Pinagsasabi mo?!"

"Tara na! Masusunog na yun!" Sabay hila saakin pabalik sa kusina.

Nagmantika na nga yung karne, medyo brown na ang kulay niya. Pinalapit ako ni Nube sa may kawali, at pinahawak sa akin ang mangko na may gata.

"Lagay mo ng dahan-dahan"

Ibinuhos ko nga ang gata pero agad akong napalayo ng medyo tumalsik sa akin ang kaunting mntika.

"Sabi kong dahan-dahan diba?" napangisi pa si Nube pero alam ko namang di siya galit, mukha ngang naeenjoy pa siya magluto dito eh.

Matapos kong ilagay ang gata, ipinalagay niya na din saakin ang lahat ng rekado at ang bagoong.

Hinayaan ulit naming maluto ito at magmantika ulit ngayong may gata na.

Nang medyo natutuyo na at masyado ng nagmamantika, tinawag ni Nube si Shea para ipalagay na ang mga sili.

"Kuya uubusin po ba natin ang sili?"

"Oo Shea, mas maanghang, mas masarap. Ganyan tayong mga Bicolano"

Di ko maiwasang mamangha sa lalaking to, mukhang perpektong perpekto na ata to. Magandang lalaki, hubog na hubog ang katawan, matangos ang ilog, medyo bilogan ang mata, mapupulang mga labi, mabait, masipag at ansarap din....magluto hehe

An Sakuyang Pagkamoot (Ang Aking Pag-ibig) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon